FIOLEE's POV
Mabilis na tapos ang tatlong linggo, matutupad na rin ang matagal naming hinihintay. Hinihintay ng bawat istudyante sa pagtahak nila ng high school, ito ay ang graduation.
Nagsimula na kaming mag martya bawat klase ng mga seniors bawat isa sa'min kaniya kaniyang ekspresyon kung pano namin tatanggapin ang graduation na 'to. may masaya dahil matagal na namin 'tong iniintay at may mga malungkot dahil ang apat na taon mong nakasama sa iskwelahan na 'to ay hindi mo na makikita o pwedeng maging malayo na sayo.
Dahil pagdating namin sa college ibang level na naman ng pag-aaral ang tatahakin namin bilang maging isang ganap na mamamayan. Kinakabahan ako na may halong excitement dahil madami na naman kaming haharapin sa college. Panibagong makakakilala at panibagong kakainisan, iba na rin pag sa college. Puro aral na dahil mas mahirap na 'to kesa dito ngayon sa high school. Magpapaalam na kami sa mga teacher, classroom at memories na lang ang matitira sa school na 'to pag alis namin.
Mamimiss ko 'to.
"Anak tayo na ang susunod," sabi ni mama at saka tinawag ng teacher ko ang pangalan ko.
"Fiolee Hernandez class 4-B." umakyat na kami sa stage ni mama, kahit wala akong honor o medal eh masaya na ko dahil wala akong ulit sa high school nakagraduate ako ng maayos at may maayos din namang grades sapat na 'yun.
Inabot sa'kin ang deploma ko at nagbow sa lahat saka kami nagpapicture ni mama kay lolo James.
Sumunod ang mga lalaki at nakita ko nang papaakyat si Marshall. Grabe parang dati lang nung graduation namin ng elementary ang liit-liit pa namin. Ngayon ganap na binata't dalaga na kami.
Madaming nag sipalakpakan ng matapos na ang klase namin at sunod na tinawag ang Section A. Huling huli si Prince dahil magsasalita pa siya mamaya. siya kasi ang Valedictorian ng school namin ngayong batch na 'to. Sobrang daming nag sipalakpakan ng siya na ang pumunta ng stage at matapos niya sabihin ang mga lines niya.
Sobrang daming humahanga sa kaniya. Pakiramdam ko rin eh ang laki ng sinayang ko pero ayos lang naman 'yun mahal ko naman si Marshall at alam ko makakahanap 'di Prince ng babaeng mamahalin niya ng buo.
Natapos ang ceremony at ng sisiiyakan na kami ng ipatugtog ang huling kantang aawitin namin.
Niyakap ko lahat ng mga kaibigan ko sa school na kasabay ko grumaduate. Nag iiyakan kami ni Julienne habang magkayakap.
"Neng mamimiss kita." halos mabura at kumalat na ang make up namin kakaiyak.
"Ako din! Julienne BEST FRIEND NA KITA PWEDE BA WAAAH!" umiiyak na talaga ako dahil siya 'yung pinakamalapit sa'kin babae dito sa school kaklase ko na siya since first year kami at hanggang ngayon.
"OO NAMAN GAGA WAAAH." nag iiyakan na kami na kala mo eh, pupunta siya sa bilanguan at wala na kaming magiging komunikasyon.
"Hayaan mo may cellphone pa naman girl." natatawa kong sabi sabay punas niya ng luha niya.
"Oo nga tanga-tanga." nagtawanan na kami doon ng biglang suminget si Bruce at niyakap si Julienne. Na gulat kaming lahat ng nakakita sa ginawa niya dahil umiiyak din siya.
"Okay Julienne! Hu~ mahal kita dati pa! Inaasar kita para naman hindi mo isipin na patay na patay ako sayo pero totoo patay na patay talaga ako sayo. Alam ko 'di ka magboboyfriend hanggang 'di ka pa nakakagradute kaya ito ngayon nag tatapat ako." huminga siya ng malalim saka tumingin kay Julienne.
"Can I court you?" Lahat kami na gulat dahil mukha silang aso't pusa dati pero isa pala sa kanila ay mahal na ang isa. PWEDENG KILIGIN?
"Pwede naman kaso ang tinutukoy kong graduation eh 'yung sa college HAHA." tatawa tawang mukha ni Julienne. Pero bigla ulit siyang niyakap ni Bruce.
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampireFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...