CHAPTER 37

8.1K 322 17
                                        

FIOLEE's POV

"Ang saya niyo naman." nakita kong nanginginig ang mga kamao niya at ang sama ng tingin niya saming dalawa, ano bang problema nito.

"Marshall." hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad siyang naglakad papalayo sa'kin, teka nga ano bang pinaghihinutok ng taong 'to?

"Sige Shun babye," sabi ko kay Shun saka tumakbo papunta kay Marshall pero hindi ko na siya na abutan.

Sinubukan kong sundan ang amoy niya sa hangin pero wala akong maamoy, baka isa iyon sa mga natutunan niya.

Napalingon ako sa liblib na parte ng park, kung saan madaming puno at malapit na papuntang gubat.

Ewan ko pero may nag uudyok sa'king pumunta doon kaya naman sinundan ko ang paa ko at hinayaang pumunta bandang kakahuyan.

"Marshall?!" Sigaw ko, pakiramdam ko kasi may nakatingin sa'kin.

"Marshall! lumabas kana oh." sigaw ko pero tanging tunog lang ng hinahanging mga dahon ang naririnig ko, tumingala ako sa langit at mukhang bubuhos na ang malakas na ulan.

"Marshall ano bang problema mo ha? Lumabas kana nga." naiinis na rin ako, kakarating niya lang tapos ganun ang ipapakita niya sa'kin? Ako 'tong pinag intay niya ng matagal siya pa may ganang magalit?

Eh kung ganiyan din ang gusto niya eh 'di hindi ko na siya pipiliting magpakita pa sa'kin at lalo nang hinding hindi ko siya susuyuin.

"Bahala ka d'yan, babalik na ko kay Shun! Tsk." tumalikod na ko at naglakad pabalik pero may marahas na kamay ang humawak sa braso ko at tinungkod ako sa puno.

"Aray." nakita ko ang galit na galit na itsura ni Marshall, pulang pula ang mata niya at nag iiba na rin ang itsura niya, ang tenga niya ay nag mimistulang tenga ng paniki at ang mga pangil niya ay mas naging mahaba at matalim kung para dati.

Nanlambot ang tuhod ko at bumilis ang tibok ng puso, hindi ako makagalaw at parang napako ang mga mata ko sa nakakatakot niyang mukha.

"Ma-Marshall?" Mabilis ang paghinga niya at nang gigigil ang mga labi niya. Next thing I knew, bumaon na ang pangil niya sa leeg ko, sobrang sakit nito na kahit ako na mismong bampira rin ay nasasaktan niya. Lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko at nang bawiin niya na ang mga pangil niya sa leeg ko.

Siniil niya naman ng marahas na halik ang labi ko, parang hindi si Marshall ang kaharap ko, nahihirapan na ko huminga at hindi ako makapalag dahil sa hawak niya sa'kin.

Nakaramdam ako ng sakit, sobrang sakit dahil parang hindi niya na ko ginagalang, parang binabastos niya na ko dahil hindi ko gusto ang ginagawa niya. Sinasaktan niya ko sa hindi ko alam na dahilan.

Napaiyak na lang ako at pumikit habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa'kin hanggang sa'king leeg at balikat.

Pinikit ko ang mata ko habang patuloy ang pagtulo ng luha dito. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa naramdaman ko na tumigil na siya napalitan ng matatamis na halik ang kaninang napakarahas na halik niya. Dahan-dahan niya kong hinalikan sa noo at ilong ko.

Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mata ko at niyakap niya ko.

Kasabay nun ang pagbuhos ng ulan at unti-unti kaming nababasa nito.

"Sorry," sabi niya sa'kin kaya minulat ko ang mata ko.

"Sorry hindi ko sinasadya." patuloy pa rin ako sa pag iyak, ewan ko pero naiiyak pa rin ako, nangangatog pa rin ang katawan ko.

"Sorry Fiolee sorry." lalo niya kong niyakap ng mahigpit. Sa yakap niya unti-unti akong nakampante.

"Nadala lang ako ng emosyon ko, ni hindi ko man lang inalam kung sino 'yung lalaki na 'yun sorry Fiolee sorry-sorry hindi ko sinasadya." ginantihan ko ng yakap ang yakap niya.

"Sorry Fiolee." panay ang sorry niya at siya naman ngayon ang humihikbi. Parang pakiramdam niya napakasama niyang tao dahil sa ginawa niya.

"Shhhh tama na." hinagod ko ang likod niya.

"Excited kasi akong umuwi at agad akong dumaretsyo sa inyo kaso wala ka doon, pumunta ako kala Prince pero wala ka rin doon at dinala ako ng pang amoy ko dito sa park, kaso nag dilim ang paningin ko nung nakita kong masaya mong kasama 'yung lalaking 'yun." natawa ako, ang cute talaga ng side niyang ganito. Para siyang bata na nag susbong sa mama niya.

"Ayos lang naiintindihan ko." hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa'kin 'to.

"Ayos lang Marshall, basta wag mo na ipapakita sa'kin 'yung mukha mo kanina, natakot kasi ako." ngumiti ako sa kaniya, pilit binabago ang sitwasyon.

"Oo sorry." tumungo siya at sisingsisi sa ginagawa niya.

"Marshall." humarap siya sa'kin.

"Namiss kita sobra." Nang pagkasabi ko nun nag ningning ang mga mata niya na parang bata. At niyakap niya na naman ako ng mahigpit.

"Aray Marshall nakakadami kana ah." pagbibiro ko.

"Fiolee! Namiss kita sorry talaga!" Nahihiya niyang sabi, siguro na isip niya na muntik niya na kong harasin kanina.

"Adik ka! Walang sorry-sorry break na tayo." titignan ko ang ekspresyon niya. At tama ako naging mukha siyang aburido pero napalitan din 'yun nang mapang-asar niyang ngite.

"Eh kung ganun din naman edi dapat ituloy ko na lang ang balak ko kanina." nag iba ang mukha niya at bumalik sa mapangasar na Marshall.

"Subukan mo lang! Susuntukin kita." tumawa siya at niyakap na naman ako, aba nakakarami na talaga siya.

"Tigilan mo nga ako manyakis ka!" Hindi niya ko pinansin at tumawa lang.

"Wala akong paki basta ikaw ang mamanyakin ko haha." namula ako sa sinabi niya, ewan ko kung kikiligin ako o matatakot sa banat niyang 'yun eh.

"Kadiri ka talaga! Basang basa na tayo oh." Nauulanan na kasi kami at basang basa na pero para siyang baliw na nakangite lang, kanina ang sama-sama ng mukha niya ngayon naman parang nanalo sa loto.

"Wala kong paki, stay muna tayo dito miss na miss na talaga kita eh." kinagat niya ang tenga ko kaya kinilabutan ako.

"Ano ba Marshall!" Tawa lang siya ng tawa habang ako asar na asar na. Wala na kong magagawa ganito talaga ang lalaking minahal ko eh.

"Pupunta tayo kala Prince mamaya," sabi niya habang yakap pa rin ako.

"Magbibihis muna ko no." humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang kamay ko.

"Wag na daretsyo na tayo doon guluhin na'tin siya." ngumisi siya at labas na labas ang pangil. Natatawa na lang ako sa kaniya at the same time kinikilig.

"Tara?" Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara." ngumite ako at sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila Prince. basang basa na kami pero parang wala lang at ine-enjoy ang ulan.

Si Marshall? 'yung boy friend kong bipolar at seloso, 'yung boy friend kong mapang asar at pikon din, 'yung boy friend kong mahal na mahal ako at 'yung boyfriend kong mahal na mahal ko.

Buti na lang umuwi na siya, kahit pinaiyak niya ko kanina, importante andito na ulit siya.

"Fiolee,"

"Oh?"

"I love you."

"Hahaha I hate you."


TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon