Author's Note

233 8 0
                                    

Ito ay isang tagalog na kwento na may genre na "BL" o "Boys Love", at binubuo ng maiikling yugto.

Mapapansin na ang ilang pangyayari, kanta, o bagay na may kinalaman sa kilalang banda na "Ben&Ben" ay ginamit sa kuwentong ito. Ngunit, pinili na hindi gamitin ang "Ben&Ben" bilang isang totoong karakter dahil nagdagdag ng ilang pangyayari at impormasyon na kinasangkutan nila na hindi naman nangyari sa totoong buhay. Ito ay maaaring makaapekto sa "validity" ng mga eksena at pangyayaring naganap sa kuwento, kaya't pinalitan na lamang ang pangalan ng banda ng "TheBenjamins".

Ang kuwentong ito ay pawang bunga lamang ng makulit na imahinasyon ng awtor kaya't ang mga karakter at ang mga pangyayari sa kuwento ay kathang-isip lamang.

Mag-enjoy na basahin ang kuwentong ito habang nakikinig sa kanta ng Ben&Ben na "Araw-Araw." Maniwala ka. May taong pipiliin ka, araw-araw. 🌻

Ps. Ang awtor ng kwentong ito ay isang fan ng kwentong "Ang Roommate Kong Siga" ni Sir Michael Juha, Thai movie na "Dew", at ng bandang Ben&Ben. Dahil sa mga ito, ay nabuo ang nobelang "Sunflower Patch." Sana po ay magustuhan niyo :)

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon