Part 14: Kumustahan

31 4 0
                                    

Nagising ako ng maaga kinabukasan, pero pakiramdam ko'y parang lumipas na ang buong maghapon. Kasabay kasi ng pagdilat ng mga mata ko ang pagbalik ng ala-ala ng mga nangyari kahapon. Sobrang nakakapanghina na ewan. Hindi ko ma-explain ang pakiramdam, basta parang ayaw ko nang sumagi sa isip ang tungkol doon. Wala naman akong magawa, kaya bumangon na lang ako at dumiretso na sa pagligo. Matapos iyon ay bumaba na ako sa kusina para mag-agahan.

Tahimik akong kumakain kasama sila mama't ate at maya-maya'y...

"Kid," pagtawag ni Ate.

"Bakit?"

"Kumusta naman yung secret admirer mo?"

Muntikan akong mabulunan sa tagpong iyon. Buena mano. Umagang-umaga, iyon pa talaga ang bubungad na pag-uusapan namin?

Sa totoo lang, dati, buong akala ko ay kapag nalaman ko na ang kung sino ang pasimuno sa mga bagay na natatanggap ko ay matatapos na ang problema. Akala ko lang iyon. Ngayon, oo, alam ko na kung sino nga ang "secret admirer" ko, pero di ko naman kaya sabihin, kasi nga, lalaki ang nagkakagusto sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila mama? Mamaya ay kung ano pang isipin nila. Samantala...

"Ano Kid? Ba't di ka makasagot? Tinatanong ko kung anong balita sa secret admirer mo. Nagpakilala na ba?" wika ni ate.

Mabilis akong nag-isip ng idadahilan. Ayokong malaman nila ang tungkol dito. Isip Kid! Isip! Isip! Isip!!!

Kaya...

"Ah 'yun ba ate?....

"Oo, so ano?"

...Ahhhhh wala na yun, wala na."

"Anong wala na?"

"Wala na. Hindi na nagparamdam. Sumuko na siguro," palusot ko.

"For real? Agad-agad? Ang weak naman."

"Pabayaan nyo na. Mabuti nga iyon eh. Para rin di ko na isip-isipan pa kung sino talaga iyon. Nai-stress na rin ako kakaisip, at isa pa, lagi na lang akong pinag-uusapan sa classroom namin dahil doon."

"Ganun ba? Oh edi maganda pala na di na siya nagparamdam. Kasi kung talagang gusto ka niya, di sya susuko na suyuin ka, diba ma?"

"Ano na naman yan Gema?" tanong ni mama, habang abala siya sa pagkain. "Ba't sinasama mo na naman ako d'yan."

"Eto naman si mama oh, KJ na naman."

"Hayy naku Gema, tapusin n'yo na 'yang pagkain nyo para makapasok na kayo. At Kid?..."

"Po?" tugon ko.

"Tigilan mo na 'yang kakaisip dyan sa secret admirer na 'yan, tutal tumigil na sa kakabigay sa'yo ng kung anu-ano. Kalimutan na."

"Opo ma."

"At tandaan mo, 'yang mga taong madaling sumuko at walang commitment, dapat di itinuturing 'yan na isang malaking kawalan. Doon ka sa taong pipiliin ka forever! Kaya pabayaan mo na. Move on na," dagdag ni mama.

"Trueeee. Well said Ma," sabi ni ate.

Hayys, laking ginhawa. Mabuti at nalusutan. At iyon nga, pumasok na ako at ganun rin naman si ate sa trabaho niya. Sa school naman, parang normal na araw lang pero dahil sa pag-amin ni kuya Mac ay hindi na. Nararamdaman ko kasi na parang kahit anong oras bigla siyang susulpot. Nakakakaba at nakakahiya.

Sa totoo lang medyo nagbago na ang pakiramdam at tingin ko sa kaniya matapos ang nangyari. Ewan ko, pero, dahil nga dun, parang medyo naiilang na ako. Ngayon pa nga lang na iniisip ko pa lang ang presensya na, kakaiba na agad.

~

Lunch break. Mag-aalas-dose na ng tanghali nang pumunta ako sa student center. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitingin ng mga panindang ulam nang maya-maya'y biglang may umakbay sa balikat ko. Kinabahan ako sa tagpong iyon. Pikit mata akong humarap sa sinumang umakbay sa akin, feeling ko kasi ay si kuya Mac na iyon. Pero...

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon