Part 35: Deep

39 2 0
                                    

(Prime's Point Of View)

"Kidddd!??" Pero... paano???!!!"

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa pagkakataong ito. Kanina lang ay tinangka kong iligtas si Miss Rain mula sa posible niyang pagkalunod dahil sa lumalalim na ang tubig na tinatahak niya, pero ngayon... heto't narito ako ngayon sa harapan ni Kid. Oo, si Kid, na araw-araw na laman ng isip ko. Si Kid na matagal ko nang hinahanap. Hawak-hawak na ngayon ng bisig ko.

I'm still in shock at hindi makapaniwala kung paanong biglang nangyari ito, na heto't sa isang iglap ay narito na siya, hawak ng dalawa kong kamay, at dahil sa kasabikan ko kay Kid, hindi ko na naisip pang question-in iyon. Bakit pa'ko magdadalawang-isip? Ang mahalaga ay nandito siya at magkakasama na kaming muli. Iyon naman ang gusto kong mangyari dati pa. Ang matagal ko nang hinihiling.

Ngayon, hindi ko maintindihan ang tuwang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilang yakapin siya, at ang tanging nasabi ko na lang ay...

"Kid? Anong nangyari sa'yo?! Anong ginagawa mo dito??? Ba't ang tagal mong nawala??? San ka ba pumunta??! Ba't di mo kami hinanap???!"

Iyan ang sunod-sunod kong mga tanong kay Kid na halos di na matapos dahil sa aking kasabikan. Kulang ang mga salita para ipaliwanag ang aking nararamdaman. Tuwang-tuwa ako na heto't nahanap ko na siya. Marami akong nais malaman. Marami akong nais bigyang linaw, kaya't nasa kaniya na ang buong atensyon ko. Hindi ko nga namalayam na nawala na sa isip ko ang dahilan kung bakit ako naroon sa lugar na iyon in the first place - ang isalba si Miss Rain.

"Kid, tara! Umahon na tayo dito sa baybayin," agad kong pagyaya sa kaniya. "Pumunta tayo doon sa villa para makapagpatuyo ka ng katawan. Magbihis ka't baka magkasakit ka pa. Kid? Tara?!"

Hindi sumagot si Kid pero malaya siyang sumama sa akin. Tahimik lang siya habang inaalalayan ko sa paglalakad. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpaubaya at sumama sa akin.

Samantala, nakatutok lang ang dalawang mata ko sa kaniya, at napansin ko ang kanyang itsura. Parang walang pinagbago. Ganoon pa rin ang itsura niya. Ipinagtataka ko naman na sa loob ng mahabang panahon, na higit kumulang sa dalawampung taon, heto't walang nagbago sa kanyang itsura. Tila hindi siya tumanda at ganoon pa rin ang mukhang nadatnan ko ngayon. Pero, wala na akong pakialam.

Maya-maya'y biglang natigilan si Kid sa paglalakad.

"Anong nangyari Kid? Ba't ka huminto?" wika ko.

Hindi siya sumagot, bagkus ay lumingon siya pabalik sa dagat at pinagmasdan ito. Ako naman ay lumingon din, at nang makita ko ang baybayin ay doon ko na naalala kung bakit ako naroon sa lugar na iyon noong una pa lang, ang sagipin si Miss Rain.

"Hala! Si Miss Rain!" pag-aalala ko. "Kid, hintayin mo ako dito ha? Babalikan ko lang si Miss Rain. Ok?"

Tumango si Kid.

Dali-dali akong tumakbo sa baybayin. Hinanap ko si Miss Rain, pero hindi ko siya nakita roon. Sumigaw ako at walang Miss Rain na sumagot. Lalo pang nagpahirap sa aking paghahanap ang dilim ng paligid, kaya't napagdesisyunan kong balikan si Kid at bumalik sa resort para tumawag ng tulong.

Narating ko ang lugar kung saan ko iniwan si Kid pero nagulat ako't hindi ko na siya nadatnan doon.

"Kid? Kid? Kid?!!! Kid!!!!! Nasaan ka na???! "Kid!!!" sigaw ko. Wala siya sa paligid. Kahit anino niya ay hindi ko nadatnan doon. Ang buhangin nga na kanina'y basa kung saan ko siya naiwan ay natuyo nang kay dali. Walang kabakas-bakas ng pagkabasa.

"Anong nangyayari? Kid? Nasaan ka na?!" wika ko na punong-puno ng pag-aalala at pagtataka. "Kid!!!! Kiddd!!!!! Kid!!!!!!" sigaw kong muli.

Ilang saglit lang, idinalat ko ang aking mga mata at nadatnan ang sarili sa kama. Pawis na pawis ang aking katawan. Doon ko napagtanto na isang panaginip lang pala ang mga nangyari. Lubos na panghihinayang ang naramdaman ko sa oras na iyon. Ang akala ko talaga nakita ko si Kid sa wakas. Pero eto... balik sa reyalidad... hindi pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon