Part 26: Ala-ala sa Papel

29 3 0
                                    

(Kid's Point of View)

"Ano? Anong si papa? Ba't nasama si papa dito?!"

Hindi makasagot si ate at maya-maya'y nakita ko na sila na paalis sa kwarto ko.

"Sandali, san kayo pupunta? Sagutin niyo muna yung tanong ko. Ma? Anong ibig-sabihin ni ate na si Papa?" aligaga kong tanong.

"Uhmmm... Kid, wag ka makinig d'yan sa ate mo. Nagbibiro lang 'yan."

"O....oo... Kid, nagbibiro lang ako. Wag mo isipin yun, magpahinga ka muna dyan."

"Biro? Biro ba yung isasama niyo si papa sa mga taong manloloko?"

Sa tagpong iyon ay parehas na silang hindi umimik. Sa tagpo ring iyon ay nagsimulang may mabuong pag-aalinlangan sa utak ko.

"Ma, ate... May dapat ba akong malaman? May hindi ba kayo sinasabi???"

Hindi sila sumagot.

"Bakit nasama si papa sa usapan natin?" pag-uulit ko. Sa tagpong iyon ay nanumbalik ang ala-ala ng mga sinabi ni Prime. Na magkapatid daw kami at buhay si papa, na isang manloloko. Dahil doon...

"B... Bu.. Buhay si papa?" wika ko, at bigla namang nagreact si mama.

"Huh! San mo nalaman 'yan? Sinong nagsabi sa'yo?" wika niya.

"So totoo nga? Totoo ang sinasabi ni Prime?!"

"Anong sinabi niya?"

"Buhay daw si Papa, tapos magkapatid daw kami. Totoo ba yun?!"

"Hindi totoo yun! Wag ka maniniwala sa kaniya. Niloko ka niya diba? Gawa-gawa lang yun ni Prime. Wala na ang papa mo. Alam mo naman 'yon diba?"

"Totoo ba yun?! Totoo bang wala na siya dahil patay na? O wala na kasi isa siyang manloloko, isang babaero na sumama sa iba? Sabihin niyo sa akin ang totoo!"

"Anak, sinabi ko na sa'yo... wala na nga ang papa mo..."

"Ma, tama na!" biglang pagsingit ni ate at napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Ma, ang tagal na nating tinago 'to. Ma, wag na natin 'tong ilihim pa. Ito na ang tamang panahon para malaman ni Kid ang totoo."

"Hindi! Tumigil ka Gema! Walang dapat sabihin! Wala na ang papa niyo, patay na siya!" pagtatanggol ni mama.

"Ma, ang tagal na nating tinatago 'to, pero kusa na siyang nahahayag."

Sa sandaling iyon ay nagulat na lang ako sa ginawa ni mama. "Hindi! Hindi! Hindi!" paulit-ulit na sigaw niya. Ngayon ko lang siya nakita nang ganoon. Maging si ate ay nagulat rin. Sa tagpong iyon ay bumibigat na ang mga nangyayari. Kitang-kita ko kung gaano naapektuhan si mama sa mga nasabi ko. Maging si ate ay tila gulong-gulo na rin sa mga nangyayari. Maya-maya'y bumuhos na lang ang luha sa mata ni mama. Tila'y bigla na lamang gumuho ang kanyang mundo.

"Kid, patawarin mo ako. Patawarin mo'ko kung nilihim namin sa'yo 'to. Patawarin mo ako kung pinaniwala ka naming wala na ang papa mo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko iyon ginusto. Kid, ginawa ko lang iyon hindi mo siya makilala pa, para hindi mo siya hanap-hanapin. Tama si Prime, manloloko siya, iniwan niya tayo at sumama siya sa iba. Hindi tayo ang pinili niya. Nagawa ko 'yon kasi ayaw kong kilalanin mo siyang ama dahil hindi naman siya naging ama sayo. Iniwan niya tayo kahit may anak siya, si ate Gema mo, at habang nasa sinapupunan kita. Dati pa lang ay may isyu na ang papa mo sa pagiging babaero niya. Pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya. Ganun rin ang sabi niya, mahal niya raw ako at hindi niya raw ako iiwan kailanman. Naniwala naman ako. Nagiging tanga ka talaga ka pagdating sa pag-ibig. One time, may bali-balita na may babae raw ang papa mo. Gulong-gulo ako noon. Ayaw kong maghiwalay kami ng papa mo. Kahit alam kong kasal kami, sinasabi ng isip ko na kahit anong oras ay pwede siyang manloko. Isang gabi may nangyari sa amin at ikaw ang bunga ng iyon. Inakala ko na sa pagbubuntis ko sayo ay mase-save ang marriage namin, pero... mali ako. Isang taon ka pa lang noon nang umuwi si papa mo sa trabaho niya. Nagulat na lang ako nang may kasama na siyang babae at bata na nasa apat na taon ata. Sa tagpong iyon, alam ko na ang susunod na mangyayari. Nagpaalam ang papa mo at sasama raw siya sa babae niya. Galit na galit ako sa tagpong iyon kaya't pinaalis ko na agad sila ng babae niya. Sa araw na iyon, wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Mahal na mahal ko ang papa niyo, pero ngayon... nagbago na."

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon