Part 8: Love At First Sight

63 6 0
                                    

Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa isang boses.

"Kid, gising naaa," narinig kong wika nito, pero dahil ramdam ko pa ang pagkaantok ay nawala na ito sa isip ko, at hindi na ito pinansin. Pero... matapos iyon ay naramdaman ko naman na may tila humahaplos na sa buhok ko kaya minabuti kong imulat na nang tuluyan ang aking mga mata.

Nais ko pa sanang mahiga sa sandaling iyon, ngunit nang idinilat ko na ang aking mga mata ay di ako makapaniwala sa aking nakita. Gulat na gulat ako sa tagpong iyon dahil nakayakap na pala ako kay Prime. SA HUBAD NA PANG-ITAAS NIYANG KATAWAN! Dahil doon ay dali-dali akong kumalas at bumangon. Boses niya pala ang kanina ko pang naririnig.

"Masarap ba akong kayakapan?" tanong naman niya habang nakangiti.

"Baliw! Anong ginawa mo sa'kin?!" taranta kong tanong.

"Wow ha! Ikaw nga 'tong parang ahas kung makalingkis sa akin tapos ako ang tatanungin mo n'yan?"

Hindi na ako nakasagot pa. Totoo naman kasi na ganoon ang nangyari. Ako itong yumayakap sa kaniya at kitang-kita ko iyon kanina. Pero, syempre magiging defensive ako. Ayaw kong isipin niya na gustong-gusto ko ang nangyari, na siya namang totoo.

"Sorry. Hindi ko naman alam na kayakapan na kita eh. Nakita mong tulog ako, edi sana inalis mo ako sa pagkakayakap sa'yo. Hindi mo naman ginawa, so, kasalanan mo iyon," palusot ko.

"Eh ba't ko naman gagawin yun?" hirit niya. "Ang cute mo kayang tingnan habang tulog. Para kang baby, ginawa mo pa talagang unan itong dibdib ko."

Hayys, dahil sa kahihiyang iyon ay dali-dali akong lumabas sa tent.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong niya.

"Basta! Wag ka nang makialam!"

Sa totoo lang ay di ko alam kung saan ako pupunta sa oras na iyon. Gusto ko lang talagang kumawala sa kakahiyang nagawa ko. Ba't kasi ganun ang nangyari? Ba't ba nagtabi pa kami sa pagtulog? Kung hindi lang talaga sana hiniram ang tulugan ko, hindi sana nangyari ito eh. Hayyys, nakakahiya.

Samantala, dumiretso na lang ako sa palikuran. Pagkarating doon ay dali-dali kong sinara ang pinto. Dahil sa hiya ay napasandal ako sa pinto ng c.r..

"Ano ba 'yan Kid. Ba't mo ba siya niyakap? Nakakahiya," sabi ko sa isip ko at maya-maya'y napa-aray na lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Dahil naroon ako sa likod nito ay ramdam na ramdam ko ang malakas na pwersa sa pagkakabukas nito. Pagkabukas ay walang iba akong nadatnan kundi si Prime.

"Anong ginagawa mo? Ba't ka pumunta dito?" tanong niya.

"Uhmmm... Wala. Pake mo ba?" naiirita kong sagot.

"Nagtatanong lang eh. Galit na galit?"

Hindi ako sumagot.

"Tara na, mag-aalmusal na raw sabi ni Pat," pagyaya niya.

Sa tagpong iyon ay wala na'kong nagawa kundi ang sumunod. Sinundan ko na lang siya habang tinutumbok ang daan pabalik sa site. Pagdating naman namin ay nagsisimula na ang ibang mag-almusal, kami na lang pala ang hinihintay. Dahil doon ay sumali na kami sa salu-salo, at muli ay siya na naman ang katabi ko.

Doon muli sa lamesang gawa sa kawayan kami kumain. Tulad kagabi ay marami ring pagkaing nakahain. May itlog na nilaga, sunnyside-up at scrambled. Meron ring hotdog, tocino at bacon. Halatang may budget ang grupo namin dahil talagang katakam-takam ang mga pagkaing naroon. Panigurado, lahat na naman ay solved at busog. Kaya sumandok na rin ako ng kanin at ganun rin si Prime.

Pagkatapos mag-almusal ay napagdesisyunan ko nang maligo. Pumunta na ako sa palikuran habang dala-dala ang isang bag na may lamang tuwalya at damit na pamalit. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang isasagawang activity ngayong araw. Kailangang magmadali.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon