Part 3: First Day of Class

73 6 0
                                    

Pagkasakay ko sa bus, tulad ng dati ay nakikinig ako ng mga kanta ng "TheBenjamins". Suot-suot ko ang aking earphone habang nakapikit at damang-dama ang bawat liriko ng mga kanta.

Samantala, sa sandaling iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang maaaring maganap sa unang araw ng klase. Bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil sa muling pagkakataon ay haharapin ko na naman ang takot ko - Ang pagharap sa maraming tao. Paano ba naman kasi, sa bawat first day of school, di mawawala ang self-introduction. Sa sobrang inis ko ay napabuntong hininga na lang ako. Napakahirap talaga gumalaw nang may pumipigil sa'yo. Sana tulad din ako ng iba na may tapang at lakas ng loob para harapin ang takot nila.

S'ya nga pala, di nagtagal ay narating ko na rin ang school. Habang naglalakad ako sa loob ng campus ay nakita ko ang napakaraming estudyante. Bawat isa ay sari-sari ang emosyong nakapinta sa kanilang mukha. May mga malalaki ang ngiti at tuwang-tuwa, marahil ay dahil nagkita-kitang muli silang magtotropa matapos ang mahabang bakasyon. Ang iba nama'y nakasimangot at di mapakali. Di ko alam kung bakit, I assume na siguro ay baguhan lang sa campus at di pa familiar sa mga facility. Buti na lang pala'y nilibot ko na ang buong campus noong natapos ako magpa-enroll kinahapunan, dahil do'y di na ako malilito't magtatanong sa ibang tao kung saang lupalop matatagpuan ang iba't-ibang facilities. Ginawa ko 'yun dahil kung maaari lang talaga'y ayoko nang makisalamuha sa iba. Kahit simpleng pag-uusap ay ayoko na rin.

Alas-otso y medya na nang magsimula ang flag ceremony. Nagsipila na ang mga estudyante sa campus gym. So, pumila na ako sa engineering department, may karatula kasing nakalagay kung saan mamamalagi ang mga estudyante per course. Nakita ko ang karatula para sa mga engineering student kaya doon na'ko pumila.

Dahil first day of school, nagkaroon ng maikling programa. Nagkaroon ng maikling speech ang head of university at iba pa. Hindi nagtagal at natapos iyon at pumasok na ang mga estudyante sa kanya-kanyang silid. Ako naman ay hinanap ko na ang room ko sa oras na iyon. Sa kabutihang palad ay madali ko itong nakita.

Papasok na lang ako sa pinto nang bigla akong natigilan. Habang hawak-hawak ang door knob ay sobrang lakas naman ng kalampag ng aking dibdib. Heto na ang tagpong iniisip ko kanina pa. Nakailang segundo rin ako sa tapat ng pinto bago ako tuluyang pumasok at malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Nakayuko akong pumasok at naghanap ako ng mauupuan. Napakabilis ko kumilos sa tagpong iyon. Ayokong masyadong ma-expose ang sarili sa paningin ng bawat estudyanteng nakikita ko.

Sa buong araw, naubos ang oras sa pagpapakilala ng mga estudyante at pagtatalakay ng mga instructor sa kanya-kanya nilang classroom policy at grading system. Ganun rin ang nangyari sa ikalawa't ikatlong araw, dahil ang ibang instructor ay di pumasok nitong mga nakalipas na araw. Napakaluwag sa dibdib na nalampasan ko ang self-introduction part, achievement na maituturing ito sa mga tulad ko. Hindi talaga maihalintulad ang kabang naramdaman ko noon, buti na lang at nalampasan ko.

Ilang minuto na lang bago matapos ang chemistry class ko, ang huling klase ngayong araw, nang pahabol na nagpaalala ang instructor namin.

"Class, I just want to remind you all that there will be no classes tomorrow, because there will be a program to be held at our campus gym for freshmen. There will be a seminar, exhibits and other things. So, see you tomorrow class! I'll be there!"

"Thank you po," sabay-sabay nilang tugon.

"And..... attendance is a must!" pahabol niya.

Hayyys, panira naman. Balak ko pa namang di na pumasok, total wala namang klase. Sa totoo lang kasi, ang tatalakayin lang naman sa sinabing seminar ay mga school policy at kung anu-ano pa na nakalagay na sa student manual na binigay noong enrolment pa. Atsaka yung mga school exhibit na 'yan, naku, sino pa bang estudyante ang naeexcite sa mga ganyan, eh kadalasan, mga picture lang naman ng founder ng school at former deans ang nakapaskil doon. Hindi naman sa ayoko malaman ang history ng school ko, pero parang ganun na nga.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon