Part 29: Photography Contest

36 2 0
                                    

(Prime's Point of View)

After 19 years

"Pa! Wake up! Malelate na tayo! Maaga mag-i-start yung contest!"

Iyan ang ingay na bumungad sa akin ngayong umaga, pero dahil sa pagod ay nakatulog akong muli, at maya-maya lang...

"Pa!!!!! Ano ba 'yan, gumising ka na! Diba sabi mo aagahan natin ang punta, tapos ngayon di ka pa bumabangon! Kainis naman."

"Oo na. Babangon na si papa. Eto na po."

Sa tagpong iyon ay tuluyan na akong gumising at bumangon. Oo, tama ang iniisip niyo, isa na akong tatay. I'm in my 40s. Nag-asawa na ako at 'yang batang gumigising sa akin ay ang nag-iisa kong anak, si Kidilyn. 13 years old, at tama kayo, syempre ipinangalan ko siya kay Kid, pero law of nature, hindi siya galing kay Kid. Pero sana nga... galing na lang talaga si Kidilyn sa kaniya, kasi gustong-gusto siya ng bata. Sa mga reaksiyon pa nga lang ni Kidilyn sa mga kwento ko tungkol kay Kid, sure ako na magkakaintindihan at magkakasundo sila. Hindi rin niya alintana kung ano man si Kid. Naikwento ko kasi ang mga nangyari at kung anong namagitan samin ni Kid noon at naunawaan niya lahat ng iyon. Nakakatuwang isipin na malawak ang pang-unawa ng anak ko patungkol sa ganitong mga bagay. Sabi pa nga niya... ang special daw ng "love story" naming dalawa ni Kid.

Samantala, tungkol kay Kidilyn, bunga siya ng isang fixed marriage na inarrange ni papa sa akin noon sa Amerika. Tutol na tutol ako sa plano ni papa na iyon. Nagrebelde at naglayas pa nga ako sa Amerika para lang hindi iyon matuloy. Nagpakalayu-layo ako at ilang araw rin akong nagpalabuy-laboy para takasan ang tadhanang naka-abang sa akin. Hindi ito ang gusto kong mangyari at ipinangako ko kay Kid na siya lang ang taong makakasama ko sa buhay. Babalikan ko pa siya at iyon ang dapat na mangyari.

Matapos ang ilang araw na wala ako sa poder nila papa, hindi naging madali ang lahat. Umabot sa punto na hindi ko na alam kung saan pa'ko maaaring tumuloy. Ubos na rin ang dala kong pera kaya't maging ang pagkain ay prinoblema ko na rin. Dahil doon ay mismong ako na ang umuwi. Pagka-uwi ko ay ipinagpatuloy pa rin ni papa ang kanyang plano. Syempre ay tumutol pa rin ako, pero matalino si papa, plinano niyang mabuti ang lahat para lang ito ay matuloy. Dumating ang pagkakataon na wala na akong nagawa kaya't natuloy ang pagpapakasal ko sa babaeng iyon. Para akong isang kriminal na na-corner ng mga pulis at walang magawa kundi ang sumuko at magpaubaya. Tuwang-tuwa si papa sa tagumpay ng kaniyang plano, at kabaligtaran naman ang naging reaksiyon ko doon.

Kinasal ako. Nagsama kami ng babae at may nangyari sa aming dalawa, tulad rin ng kagustuhan ni papa na magkaroon siya agad ng apo. Sa kasawiang palad, namatay ang babae matapos maipanganak si Kidilyn. Sa puntong iyon, kahit mali ay may puwang sa isip ko na natuwa ako sa pagkawala ng tali sa pagitan naming dalawa ng babae. Dahil nga binawian siya ng buhay, hindi na matutuloy pa ang pagsasama namin at maisasakatuparan ko na ang pangako ko kay Kid, na siya lang ang taong mamahalin at makakasama ko habang buhay.

Matapos iyon ay binalak na naman ni papa na magkaroon ako uli ng asawa tulad ng dati. Iyon ang naging paraan niya upang makalimutan ko si Kid, at maiwasan ang sinasabi niyang pagkakasala ko, pero, hindi siya nagtagumpay.

Makalipas ang ilang taon, tulad ng sinapit ng babaeng nakasama ko, binawian rin ng buhay si papa dahil sa isang sakit. Lubos na ikinalungkot ni mama ang nangyaring iyon. Lugmok na lugmok siya sa nangyari pero kailangang harapin ang reyalidad na wala na si papa. May dala rin itong lungkot sa akin ngunit hindi ko malilimutan ang mga nangyari bago siya namaalam.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon