Part 20: Sunflower Patch

36 3 2
                                    

Lumipas ang mga araw, ngunit ang mga araw na iyon ay hindi na tulad ng dati. Oo, panibagong mga araw na naman ang lumipas, tulad ng dati ay ganun pa rin ang nasisiliyan ko, pero may isang bagay ang tunay na nagbago.

Matapos ang pag-come out ko ay para akong nabuhay muli. Hindi ko akalain na malaki ang magiging epekto ng pag-amin kong iyon. Mas gumaan ang buhay ko. Mas naging open ako sa mga bagay-bagay. Hindi tulad ng dati na may limitations ang mga sasabihin ko. Dapat lalaki ako mag-isip. Dapat ay lalaking-lalaki ako kung umasta. Dapat ay matigas. Dapat ay hindi malamya. Kung hindi ay paghihinalaan akong bakla at baka ano naman ang mangyari sa akin. Baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng ibang tao. Ayaw ko nang mangyari iyon.

Siya nga pala, nasabi ko na rin iyon kay ate Pat. Masaya ako dahil wala siyang naging problema tungkol doon. Mas naging close pa nga kami at proud na proud siya sa ginawa ko. Si kuya Mac naman ay hindi na nagpapakita sa akin. Nakakapanibago na kung dati ay lagi siyang sumusulpot bigla-bigla, ngayon ay di ko man lang siya nasilayan. Kahit anino niya ay hindi nagparamdam sa akin. Mabuti na siguro iyon, wala naman na sigurong dahilan para magkita kaming muli.

Isang araw sa school, katatapos lang ng isang klase ko nang napagdesisyunan kong pumunta sa student center para mag-meryenda. Sakto rin kasing vacant time ko iyon. Kasalukuyan akong naglalakad papunta doon nang maya-maya'y biglang sumulpot si Prime at inakbayan ako.

"Musta Kid?" wika niya.

"Oh Prime, ikaw pala. Ok naman ako. Ikaw ba?"

"Syempre ok rin. Saan ang punta mo?"

"Ah, sa student center. Mag-memeryenda lang. Gusto mo ba sumama?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Kasama mo na nga ako papunta doon eh."

Tawanan. Pagkarating ay agad naman kaming bumili ng makakain at pagkaraa'y naghanap ng puwestong mauupuan. Sa tagpong iyon ay masaya kaming nagkwentuhan sa mga bagay-bagay, sa pag-aaral, at syempre, sa kalokohan. Mawawala ba 'yun?

Nasa ganoon kaming eksena nang biglang sumulpot si Ate Pat. May dala-dala rin siyang pagkain at maiinom.

"Hi! Prime and Kidddd!"

"Hello Ate Pat," tugon ko.

"Pwede bang maki-upo?" tanong niya.

"Syempre naman. Ikaw pa ba," tugon naman ni Prime.

"Perfect! Uhmm... Prime, wag ka magagalit kung tatabi ako kay Kid ha?"

"Huh? Ba't naman ako magagalit?" pagtataka niya.

"Susss! Pakipot ka pa."

"Bakit nga? tanong muli ni Prime.

"Charot lang! Eto kamo hindi mabiro. Char char lang."

Hindi na umimik si Prime. Hindi ko maintindihan kung para saan ang sinabing iyon ni Ate Pat, pero ang alam ko ay nagdulot iyon ng saya at tawanan saming tatlo. Maya-maya...

"Uyyy, alam niyo ba na..." wika ni Ate Pat.

"Hindi," agad na sagot ni Prime.

Natawa naman ako dahil matapos iyon ay ang sama na ng tingin ni Ate Pat sa kanya. Akala mo kung inaway o ewan.

"Umayos ka nga Primeee! Nagkukuwento ako ng maayos eh."

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na agad," wika ni Prime sabay tawa.

"So, eto na nga. Alam niyo ba na maghohost ang school natin sa friday, next week, para sa isang campus tour? May magpeperform dito sa campus!"

"Totoo?" wika ko.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon