Part 15: Sticky Notes

31 4 0
                                    

Naging busy ako sa school sa mga nakalipas sa araw. Malapit na rin kasi ang midterm para sa second semester, kaya naging busy na'ko sa kakareview. Madalas na nga akong nasa library para mag-advance study. Doon ay malaya at tahimik akong nakakapag-aral. Mahirap na rin kasi, baka bumagsak.

Sa mga araw na iyon, naging madalang pagkikita ni Prime, gawa ng busy rin s'ya sa nalalapit na photo exhibit nila. Pagdating kay Mac, medyo madalang rin ang pagkikita namin. Inakala ko na magiging madalas ang pagkikita dahil sa mga nasabi niya noon, pero mali ako.

Ngayong araw, mag-aalas-tres ng hapon, nagawi ako sa library para muling mag-advance study. Kumuha ako ng mga libro at humanap ako ng mapupwestuhan. Tahimik lang ako doon, ngunit sa kalagitnaan ng pag-aaral ko ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Dahil sa tutok ako sa pagbabasa ay di ko na ito pinansin dahil baka sino lang ito, at isa pa, andami ko pang aaralin na mga lessons. Lahat for major subjects. Wala na akong oras para usisain pa kung sinuman iyon.

Maya-maya, nagulat na lang ako kasi biglang may isang bulaklak na sumulpot sa librong binabasa ko. Isang sunflower. Pagkalingon ko, si kuya Mac ang nadatnan ko. Ayan na siya, bitbit-bitbit ang maamong mukha at pamatay na ngiti. Napabuntong hininga na lang ako. Ito na ba nga ang simula ng suyuan?

"Oh, kuya Mac, ikaw pala," pagbati ko.

"Hi! Musta? Ginulat ba kita?"

"Ah hindi, hindi. Nabigla lang."

"Oh, para sa'yo pala 'yan," wika niya sabay turo sa bulaklak. Kinuha ko ang bulaklak at dali-dali ko itong inilagay sa bag. Nahihiya kasi ako na baka may makakita, atsaka ayokong pag-usapan kami ng mga tao. Nakita ako ni Mac habang ginagawa iyon, pero di nya ako tinanong ni pinigilan. Marahil alam nya sa panig ko na sa una pa lang, sinabi ko na ayaw ko nang ganito. Iyon ang nasa isip ko.

Samantala, pilit at mahina ang boses namin sa mga tagpong iyon gawa nang bawal mag-ingay sa library. Hindi ko alam kung pano kami makakapag-usap ng matino, baka kasi mapaalis kami roon ng librarian. Habang nagbabasa ako ng mga libro ay walang tigil naman siya sa pagsasalita o sa pagkukuwento. Nilingon ko nga ang librarian at ilang mga tao sa paligid at napansin kong nagsisitinginan na sa aming dalawa. Napansin rin iyon ni kuya Mac kaya natigilan siya. Maya-maya nama'y lumabas siya. Makaraan ng ilang sandali ay bumalik siyang muli. Nabigla na lang ako dahil naglabas na siya ng sticky notes. Hanep rin eh, maparaan. Doon nga kami nag-usap.

Masaya naman ang naging pag-uusap naming dalawa doon. Nagpalitan kami ng mga mensahe habang abala ako sa aking ibang gawain. Para kaming bata sa mga pinaggagagawa namin. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon pa rin sa dati ang pakikitungo ko sa kanya, kahit alam kong may gusto siya sa akin. Akala ko ay mababago na ang lahat pagkatapos ng pagtatapat niya, mabuti na lang talaga at ganoon ang nangyari.

Samantala, araw-araw na sumusulpot si kuya Mac saan man ako pumunta. Para siyang isang assistant o guard na masigasig sa kanyang trabaho na kulang na lang ay pagmasdan ang buong galaw ko. Sa totoo lang, nakakailang ang ginagawa niyang iyon, pero mabuti na lang at ginagawa niya iyon na hindi halata o lantaran sa ibang tao. Ipinagpatuloy rin niya ang pagbibigay sa akin ng mga kung anu-ano. Kinausap ko siya tungkol doon at sinabi ko na hindi naman iyon kailangan, pero sadyang makulit si kuya Mac at di pa rin talaga siya tumigil. Tinatanggap ko na lang ang mga ito gaya ng dati, ngunit di ko na inuuwi sa bahay. Ang alam kasi nila mama ay natigil na itong pagtanggap ko ng mga kung anu-ano. Patay ako sa kanila kung malaman nila na hindi pa pala.

Kinahapunan, pauwi na sana ko nang  napagdesisyunan kong pumunta uli sa library para humiram ng ilang libro. Pagkalabas ko doon ay nadatnan ko si kuya Mac na nasa labas. Dumiretso lang ako sa paglakad na kunwari ay di s'ya nakita. Ngunit sadyang gumagawa talaga ng paraan ang pagkakataon para magkita kami.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon