Part 25: Pahinga sa Ilalim ng mga Mirasol

27 3 0
                                    

             (Prime's Point of View)

Kinabukasan ay ginawa namin agad ang plano. Gusto ko nang matigil ang sakit na nararamdaman ko kaya't kailangan nang matapos ito.

Maaga akong pumasok, at ganun rin naman si Jane. Napag-usapan na namin ang plano at lahat ay maayos na. Handa nang pumunta si Jane sa student center na magiging tagpuan naming dalawa. Kailangan na makita o mapansin kami doon Kid na magkasama. Iyon ang plano kaya iyon ay dapat maganap.

Habang nasa ganoon akong eksena, biglang nagflashback lahat ng mga ala-ala namin ni Kid. Mula sa unang pagkikita, unang pagtulog na magkasama, unang pagkain na pinagsaluhan at maging noong una ko siyang iniangkas sa motor. Makakalimutan ko rin ba ang una naming halik na sadyang kakaiba at espesyal. Lahat iyon ay kakalimutan ko na. Lahat iyon ay mawawalang-bahala na pagkatapos nito. Sabihan niyo na akong iyakin, pero hindi ko mapigilang muling mapaluha.

"Ok ka lang Prime?" wika ni Jane nang makita akong nagpupunas ng aking mata.

"Ah, oo. Wag mo akong intindihin."

"May panahon pa naman, Prime. Pwede pa nating itigil 'to kung hindi mo kaya."

"Hindi, ituloy lang natin," wika ko at hindi na nga umimik si Jane at tumuloy na siya sa student center.

Matapos iyon, mga ilang minuto lang ang nakalipas ay nadatnan ko na si Kid. Napakaamo ng kaniyang mukha. Ang mukha na bumihag sa aking puso. Naglalakad siya at tila papunta kung saan. Suot-suot niya ang paborito niyang jacket. Pansin ko roon ang ibinigay kong sunflower patch, ngunit mas pumukaw ng aking pansin ang kanyang mukha na tila may bigat pa rin sa dibdib, pero pinili kong hindi ito alalahanin. Makakasagabal lang 'to sa plano ko.

Samantala, agad-agad akong sumakay sa motor ko at agad na tinungo ang student center. Tulad ng plano ay kailangang mapansin ako ni Kid kaya't sa daan kung saan siya naglalakad ako mismo dumaan, ngunit hindi ko siya pinansin. Umakto ako na parang hindi ko siya nakita. Tagumpay naman ang plano ko dahil nakita ko sa side mirror kung gaano nagulat si Kid nang makita ako. Nakita ko rin kung paano niya ako sundan kaya sa tagpong iyon ay nagpatuloy lang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Kung dapat ba itong maranasan ni Kid, pero di ko na alam ang gagawin. Hindi ko na kayang mag-isip pa. Pagod na ako.

Tumigil ako sa student center at doo'y nagkita kami ni Jane. Halata sa galaw at mukha ni Jane ang kaba, ngunit sinenyasan ko siya na kumalma at huwag mag-alala. Halatang ayaw niya ang mga pinaggagagawa namin ngunit naumpisahan na kaya't kailangan na lang ay tapusin.

Matapos ang ilang sandaling pamamalagi namin student center ay sabay kaming sumakay sa motor ko at tinumbok ang botanical garden. Habang papunta doon, muli ay natanaw ko si Kid sa side mirror. Sinusundan niya kami. Maya-maya...

"Prime?" biglang pagtawag ni Jane.

"Bakit?"

"Huwag na lang kaya natin ituloy 'to. Naaawa ako kay Kid."

"Hindi pwede. Tapusin na natin, umabot na tayo dito eh. Maki-ride ka na lang."

"Hayyys, sige, ikaw bahala. Basta hindi ako nagkulang na sabihan ka."

"Oo, alam ko."

Matapos iyon ay bumaba na kami sa botanical garden. Pumasok kami doon at pumwesto sa tambayan namin ni Kid. Oo, doon mismo. Doon ay umakto kami na tila isang tunay na magkasintahan. Sa pagkakataong iyon ay alam kong nakikita na kaming dalawa ni Kid. Ramdam ko na pinagmamasdan na niya kami. Sa tagpong iyon ay ipinagtaka ko kung bakit hindi pa rin siya nagre-react. Dapat ay nagagalit na siya ngayon. Dahil doon, isang bagay ang ginawa ko. Wala iyon sa plano kaya't lubhang ikinagulat ni Jane ang ginawa ko. Hinalikan ko siya. Naglapit ang aming mukha at naglapit ang aming mga labi. Sa pagkakataong iyon ay nakita ko kung paanong nawasak ang mundo ni Kid. Nakita ko siya na gulat na gulat at may luha na ring tumulo sa kanyang mga mata. Matapos iyon...

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon