Part 4: Calculator

81 6 0
                                    

Naging busy ako sa school sa mga nakalipas na araw. Wala akong ibang inatupag kundi ang aralin ang mga lessons. Iyon ang mga bagay na inatupag ko. Nag-advance study ako para magkaroon ng stock knowledge at para hindi na ako gaanong mahirapan sa mga activities. Mahirap na, baka bumagsak. Ngayon, goal ko kasi ang mapasama sa dean's list, at hindi ko magagawa iyon kapag may mababa akong marka.

Samantala, nakuha ko na rin pala ang ipinatahi kong uniform kaya nasuot ko na rin ito kinalaunan. Sa mga lumipas na araw ay madalas ako sa library para sa paggawa ng ilang activities. Doon ako lagi tumatambay at naglalagi. Doon na umiikot ang mundo ko, pero sa mga araw na iyon ay di ko nakita si Prime. Nakakapanibago lang dahil ni anino niya ay di nagparamdam sa akin. Medyo lumuwag ang loob ko dahil doon, hindi kasi talaga ako sanay na may kumukulit at umaaligid sa akin na di ko naman lubos na kilala.

Time check, 10:30 AM. Vacant time ko ngayon kaya lumabas ako ng campus para bumili ng ilan pang kakailanganin ko sa pag-aaral. Buti na lamang at malapit ang campus sa centro ng bayan kaya marami-rami ang stall na mabibilhan.

Bibili na ako ngayon ng calculator. It's a must na may calculator ka kapag isa kang engineering student, specifically ang scientific calculator o "sci-cal" for short. Wala yata akong kilalang engineering student na walang sci-cal. Hindi pwedeng mawala iyon sa mga bagay na kailangan namin. Kailangan iyon sa mga subjects na may advance at heavy computation lalo na sa statistics at calculus, mga major subjects.

Sa totoo lang, hindi pa ako nakabili dati dahil wala pa akong idea kung anong type ng calculator ang kailangan ko, at isa pa, wala pa akong ipon noon. Ang mahal kaya ng mga sci-cal ngayon. Aabot na sa isang libo. Mga dalawang linggong baon ko rin 'yon.

Ngayon ay nakaipon na ako, so makakabili na nga ako. At may sinuggest sa amin ang prof namin, kaya iyon na ang bibilhin ko.

Samantala, halos mag-iisang oras na rin ang lumipas pero hirap pa rin akong makahanap nito. Napuntahan ko na rin halos lahat ng school supplies shop na maaaring magbenta ng ganoon, pero negative, di daw available ang ganun sa kanila. At itong huling shop na napuntahan ko ay wala pa rin.

Hayys pagod na ako. Kanina pa'ko lakad ng lakad sa ilalim ng tirik na araw. "Ba't kaya wala na akong makita?" sabi ko sa isip ko. Bad timing siguro ako at naunahan na ako ng ibang estudyante kaya nagkaubusan na. Maghihintay na lang siguro ako ng ilang araw para sa susunod na stock, pero kailangan ko na talaga iyon. Nakakapanghinayang naman. Sana naman ay di ako mahirapan sa mga darating na araw nang dahil wala pa akong sci-cal.

Dahil doon ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa campus, malapit na rin kasi magtanghalian. Wala na talagang oras.

Kasalukuyan akong palabas sa shop nang nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Prime! Yung lalaking nakabangga sa'kin. Akalain mo nga naman oh, magkikita uli kami rito. Nagkataon ding naroon siya sa shop at may binili. Sa tagpong iyon ay gusto ko sanang lumihis ng lakad para di niya ako makita, kaso, huli na ang lahat. Nagkatitigan kami at nagulat siya sa pagkakita sa akin. Ako naman, kunwari ay nagulat din. Hindi ko na sana siya papansinin nang bigla niya akong kinausap.

"Uyyy ikaw pala!" sabi niya at mukhang tuwang-tuwa siya nang makita ako.

Muli ay nginitian ko siya ng hilaw, at tutuloy na sana ako sa paglakad nang hinawakan niya ang braso ko, dahilan para muli ko siyang harapin.

"Uy teka, wag ka naman umalis agad, gusto lang naman kita kausapin," sabi niya. Sa sandaling iyon ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Matagal-tagal na rin niya kasi itong hawak-hawak.

"Ay sorry pre, hinawakan pa kita."

"Uhmmm.... sorry rin," tugon ko naman.

"Huh? Ba't ka nagsosorry? Eh ako nga ang may kasalanan sa 'yo. Viniolate ko ang personal space mo," sabi niya na nagulat sa inasal ko.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon