Part 10: Leaves

44 5 0
                                    

Matapos ang mahabang oras na biyahe pauwi, nadatnan ko agad sila mama at ate nang bumaba ako sa bus. Nag-aabang sila sa labas na akala mo ay may hinihintay na kamag-anak na balikbayan, eh ako lang naman ang dadating. Malayu-layo pa ako sa kanila ngunit kita ko na agad ang malalaki nilang ngiti na halata ang saya at excitement sa pagdating ko.

Nagmano ako kay mama at nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay akala mo ay mga imbestigador sila kung makabato ng kung anu-anong tanong sa akin.

"Anong nangyari Kid?"

"How is itttt?"

"Masaya ba?"

"May nakilala ka bang chicks?"

"Magkwento ka naman d'yan."

Iyan ang mga tanong na narinig ko. Ni hindi ko pa nga naibababa ang mga gamit ko ay todo na sila kung makatanong. Sa sobrang excited ay ni matulungan ako sa pagbuhat ng mga dala ko ay hindi nila nagawa. Pero sa totoo lang, hindi ko rin naman sila masisisi. Kagagaling ko lang naman sa isang "SOCIAL ACTIVITY". Ako na isang introvert. Magkakaugaga talaga ang sinuman sa pagtatanong kung anong naging reaksyon ko o kung ano ang naging experience ko, dahil kumbaga, isa akong pilay na tumakbo. Imposible o ironic na gawin ko ang mga ganoong bagay.

"Ma, ate, di niyo po ba muna ako tutulungan sa mga dala ko?"

"Ayy sorry naman," sagot ni ate. "Eto oh, tutulungan ka na oh. Basta magkwento ka sa amin kung anong mga nangyari ha?"

"Oo nga anak. Gusto lang naman namin malaman kung anong naging experience mo, 'yun lang naman," hirit ni mama.

"Hayyys, ano ba pang magagawa ko?" sabi ko sa isip. "Opo. Magkukwento po ako...

At nakita ko ang pagkatuwa sa kanilang mga mukha na akala mo'y mga musmos na batang nabigyan ng candy o ano pa man.

...pero magpapahinga po muna ako. Mamaya na lang po ako siguro magkukuwento," hirit ko.

"Oh sige anak, pahinga ka muna."

Sa totoo lang, inaantok na rin talaga ako sa mga oras na iyon at di ako nakapagpahinga sa biyahe. Dumiretso na ako sa kwarto at doon ay agad-agad akong nagbihis. Inihiga ko ang hapo kong katawan sa malambot na kama at matapos iyon, ilang sandali lang ay nakatulog na ako.

Madilim na ang paligid nang nagising ako. Mag-aalas-otso na pala ng gabi. Sakto naman dahil oras na rin iyon ng aming hapunan. Pagkababa ko sa kusina ay nakita ko na nakahain na ang mga pagkain.

"Oh Kid, gising ka na pala. Halina't maupo ka na para makapagsimula na tayong maghapunan," anyaya ni mama.

"Tara na Kiddddd," hirit naman ni ate. "May ikukuwento ka pa sa 'min daliii. OMG, I'm so excited!"

Kaya pala. Kaya naman pala nila ako pinapamadali. Gusto lang pala nila akong magkwento. Akala ko ay nakalimutan na nila ang bagay na iyon habang tulog ako. So, dahil naipangako ko naman na iyon sa kanila, naupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Maya-maya, ayan na si ate at nagsimula nang bumanat ng mga tanong.

"So, how's the experience Kid? tanong niya. "Magkwento ka na ah."

"Pwede bang mamaya na ate? Puno pa nga ng pagkain ang bibig ko oh."

"Ang selan naman neto. Nagtatanong lang eh. How is it??? Spill the tea!!!!"

" T-E-A," sarkastiko kong tugon.

"Sabi ko spill, hindi spell. Pilosopo! Kamusta kasi yung lakad mo???"

"Ok lang naman," tugon ko.

"Oh, tapos?"

"Wala, ok lang."

Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa ni mama.

"Ano ba yan Kiddd," giit ni ate. "Lagi na lang ganyan ang sagot mo kapag tinatanong ka namin. Hindi ba pwedeng magbigay ka naman ng detailed na sagot? Yung mga ginawa niyo. Kung sinong mga nakilala mo. Kung naging masaya ka ba, ganooonnn!"

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon