Part 17: Bitter Sweet

31 4 0
                                    

Lumipas ang ilang araw. Kasunod nito ay ang pagtatapos ng midterm exams namin. Medyo lumuwag-luwag ang mga gawain ko dahil doon. May mga pagkakataon na walang nagiging klase, kaya marami akong oras para gawin ang ibang mga bagay. Meron ngang pagkakataon na pumupunta ako sa library, ngunit hindi dahil upang magreview o mag-advance study, kundi ay magliwaliw kahit papaano. Madalas na rin kami nagkikita ni Prime. Tulad ko ay natapos na rin ang kanilang mga pagsusulit.

Ngayon, heto at nandito ako sa may student center, nakaupo at hinihintay ang pagdating niya. May usapan kasi kami, as usual, na sabay kami manananghalian.

Maya-maya, mula sa likod ko ay narinig ko ang isang boses.

"Hi! Kid!"

Paglingon ko ay nakita ko si kuya Mac.

"Oh, kuya Mac? Musta?" pagbati ko.

"OK lang naman. Ikaw?"

"Mabuti rin," tugon ko. "Upo ka muna."

"Ay hindi na. Ok lang ako. May ibibigay lang sana ako."

"Huh? Ano?"

Mula sa kanyang bag ay ibinigay niya sa akin ang isa na namang bulaklak ng sunflower at sandamakmak na tsokolate. Nakakabigla ang dami nito.

"Andami naman nito kuya. Para saan 'tong ganito kadami?"

"Wala lang. Gusto ko lang. Diba't sabi ko, lahat gagawin ko para sa'yo, lahat ibibigay ko."

"At sinabi ko rin naman na hindi na kailangan ng mga ganito," hirit ko. "Napakarami nito kuya. Pwede namang ipunin mo na lang yung pera na pinambili mo dito, doon mas matutuwa pa ako."

"No Kid, I insist. Wag ka mag-alala. Please take all of these."

Muli ay tinanggap ko na lang ito at agad na inilagay ito sa bag. Kitang kita ko ang reaksyon niya habang ginagawa ko iyon. Blank face na gaya ng dati, pero nahiya na ako sa ginagawa ko. Dahil doon ay 'yung bulaklak na lang ang itinago ko at hinayaan ko na lang ang mga tsokolate sa lamesa. Nakakahiya man na may makakita pero dinedma ko na lang.

Maya-maya...

"Uhmmm, Kid?" pagtawag niya.

"Hmmm?"

"Balita ko pumunta ka raw noong nakaraang exhibit ah. Doon pala ang lakad niyo ni Prime?"

"Ah oo. Sorry kung di ko na nasabi sa'yo noon. Nagmamadali kasi kami noon eh."

"Ok lang. Wag mo na isipin 'yon," tugon niya.

"How about you kuya? Pumunta ka rin ba?" tanong ko na kunwari ay di ko siya nakita sa araw na iyon.

"Ah oo. Sayang nga eh, sana nagkita tayo doon. Hindii ko kasi alam na nandoon ka rin, edi sana sama-sama tayo nila Prime na naglibot doon."

"Ah, oo nga," tugon ko.

Tahimik. Matapos iyon ay nagpaalam na siya. Kitang-kita ko pa ang kanyang pag-alis ngunit maya-maya ay muli siyang bumalik at nagtanong. Buong akala ko ay aalis na siya sa oras na iyon.

"Kid!"

"Hmmmm? Ba't napabalik ka?"

"Uhmmm.... noong sa exhibit ba... may naalala ka bang nasabi o naikwento si Prime sa'yo?"

"Naikwento? Si Prime? Uhmmm.... wala naman. Tungkol saan ba?"

"Ah, wala wala, kalimutan mo na pala," sagot niya.

"Huh? Ano ba yun?"

"Wala, wala. Sige pala, mauna muna ako ha? Enjoy my gifts!"

"Teka lang kuys, wait!!!"

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon