Part 19: Bahaghari

32 4 2
                                    

Nakakagulat ang eksenang aming nadatnan. Kitang-kita naming dalawa ni Prime ang paghahalikan ni kuya Mac at ng isang babae. Ginagawa nila iyon habang magkayakap. Halos mahubaran na nga ang babae sa paghahalikan nila. Oo, doon sa paradahan ng sasakyan sa campus, doon nila ginawa ang kalaswaan na iyon. Palibhasa'y walang tao, tago, at malayo sa istorbo at ibang estudyante, malaya nila itong nagawa.

Kilala ko yung babae. Namumukhaan ko siya. Isa siya sa sinabi dati ni Kuya Mac na bago niyang kaibigan na bumati sa kaniya noong minsan sinamahan niya ako habang palabas ako ng campus. Oo siya yun. Siya rin yung babaeng kasama niya noon sa exhibit.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tagpong iyon. Hindi pa naalis ang pag-aalala ko kay mama sa sandaling iyon, tapos ito ang makikita ko. Nakakabaliw. Para akong tuliro na ewan. Parang sasabog ang utak ko sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko.

Ilang sandali lang ay nakita na kami ni kuya Mac. Agad-agad siyang kumalas sa pakikipaghalikan nila ng babae. Hindi naman maipinta ang kaniyang mukha sa pagkabigla.

"Sh***t! Kid??! Anong ginagawa niyo dito?!" wika ni kuya Mac.

Hindi ko siya sinagot. Maya-maya'y pinaalis na niya ang babae at dali-daling lumapit sa amin. Balak ko sanang lumayo para di na makausap pa si kuya Mac nang bigla akong hinawakan ni Prime sa kamay.

"Kid, tara na," wika niya. Bagama't nagtaka ako sa ginawa niyang iyon ay hindi na ako nagtanong pa. Sinundan ko na lang siya.

Ang motor ang tinumbok niya at dali-dali siyang sumakay dito at agad na pinaandar. Saktong sasakay na sana ako nang biglang akong hilain ni kuya Mac papunta sa kaniya.

"Kid, mag-usap tayo please! Magpapaliwanag ako!" wika niya. Kitang-kita ko ang sobrang hiya sa kilos niya na halatang namomroblema sa ginawa niya kanina. Kakausapin ko sana siya nang biglang sumingit si Prime.

"Bitawan mo siya!"

Dahil doon ay nabaling ang tingin ni kuya Mac sa kaniya.

"Wag ka makialam dito pre," sagot naman ni kuya Mac.

"Ikaw ang wag makialam. Pabayaan mo kami dito ni Kid. Huwag na huwag mo siyang kausapin! Doon ka sa babae mo! Maglampungan pa kayo!"

Nakita kong di natinag si kuya Mac, na  imbis na tumigil ay hindi niya pinansin ang sinabi ni Prime.

"Kid, kausapin mo'ko pleaseee! Magpapaliwanag ako!"

"Sabing wag mo na siyang kausapin eh," sagot muli ni Prime. "Tanga ka b....

Sa tagpong iyon, nagulat na lang ako dahil isang malakas na suntok ang natanggap ni Prime mula kay kuya Mac. Hindi na nga niya naituloy pa ang sasabihin niya. Dali-dali ko namang nilapitan si Prime. Nakakaawa ang lagay niya habang hawak-hawak niya ang panga kung saan tumama ang suntok ni Kuya Mac. Kitang-kita ko kung paano niya pigilan ang sakit na nadarama, at ilang patak rin ng dugo ang nakita kong dumaloy sa kaniyang bibig.

"Ano bang problema mo?!!!" galit na tanong ko kay Mac.

"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya Kid. Sorry talaga. Gusto lang naman kita kausapin. Gusto ko lang bigyang linaw ang lahat ng mga nakita mo kanina."

"Bigyang linaw? Ha?! Malinaw na sa akin lahat kuya Mac! Hindi mo na ako kailangang kausapin pa, OK?! Sapat na ang mga nakita ko. Sapat na ang mga nangyari ngayon. Kaya please lang!"

"Pero Kid..."

Sa sandaling iyon ay hindi ko na siya sinagot. Pilit niya akong kinakausap pero di ko na siya pinansin. Nararamdaman ko na gustong-gusto niya ako kausapin, pero para saan pa? Wala na kaming dapat pag-usapan.

Sunflower Patch (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon