New eBook Alert!

1K 17 0
                                    

Hi everyone! Victoria Amor's new story is out!

Read excerpt here: 👇

NAKAKABALIW ba ang love? 
Nag-survey pa ako para may proof ang magkakaibang opinyon. Five ang respondents. College friends. Three ang mga single, two naman ang proud ipagsigawan na taken na sila. Ang mga taken na 'to, perfect example ng friends na nagka-jowa lang, naglaho na.
YES! 'Yan ang sagot ng single friends. Kaya nga wala silang balak magka-jowa. For them, matagal nang naging synonym ng ‘romantic relationship’ ang ‘stress’. Mga single na pretty and yummy raw sila kasi walang stress. Ang tawa ko sa mga ‘yummy’ na claim nila. Mag-check daw ako ng photos ng mga ‘taken’ para alam ko ang difference. Ang proof ng point—mga sarili nila. Pretty naman talaga sila kaya sige, accepted na agad ang point. Single rin ako kaya may bias. Sorry na.
Sa chat group ang balitaktakan.
Sagot naman ng dalawang nag-disappear na lang nang magka-jowa, ang absence ng love raw ang nakakabaliw. Ang claim nila, lonely ang mga single. Bumanat pa ng hashtag alone. Sinasabi lang daw ng mga single na happy sila pero sa totoo lang, ang empty raw ng feeling. Umiiyak daw every night at nagwi-wish na sana, may someone to hold din sila. Pero wala kaya unan na lang. Kawawa daw ang unan. Overused. Hindi raw dapat i-flex ang pagiging single. Ano daw ang nakaka-happy sa pagiging alone?
Lakas maka-attack ng mga impakta, 'di ba? Nanggigil ako nang slight. Gusto kong ihampas sa mga pagmumukha ang sinasabi nilang unan na iniiyakan ng mga single. Wow lang, ah? 'Di ko kinakaya ang sure na sure nilang opinyon sa mga single. Gusto kong bumanat ng depensa for singles pero later na lang. Share muna ako ng ilang details. Ang five respondents na 'to, college barkada ko. Actually, seven talaga kami sa group. Four ang single pa rin this year, two ang may jowa na feeling pinagpala. Ang nag-iisang lalaki sa group, nasa Thailand at babae na. Sobrang busy yata, inabot na ako ng self-imposed deadline, hindi pa rin na-seen ang message. Natulog lang ang survey question sa inbox niya.
Gusto kong bumanat ng sagot sa dalawang taken na pero nag-change mind ako. Hinayaan ko na lang sa gusto nilang pinawalaan. Opinyon nila 'yon, wala akong pakialam. Kung feeling nila eh, sila lang ang happy sa earth dahil may jowa sila, go lang. Kung feeling nila eh, sila lang ang pinagpala dahil may jowa sila, sige lang. Sila na ang mga certified happy people—DAHIL MAY JOWA.
Okay na sana, hindi na ako iimik pero bumanat pa uli ang dalawa. Ang pagiging happy raw ng mga single, fake lang! Ah, sumagot na ako. Sabi ko, 'wag masyadong sure sa happiness nila kasi walang forever. Maghihiwalay rin sila ng mga jowa nila! LOL react ang mga single sa chat group. 'Ayun, seconds lang, nag-leave ang dalawang may jowa. Na-block na kaming apat. Tawa na lang ang team single. Hindi na kami masyadong affected. Nawala naman na talaga sila mula nang nagka-relationship kaya anong kaibahan ma-block man kami?
Single kami, 'no? SANAY NA SANAY KAMING MAG-ISA. 'Yan, all caps para intense. So, 'yon nga, life goes on for us, happy singles. Balik sa mga buhay sa labas ng social media—habang tuloy din ang mga impakta’t bruha sa paga-associate ng happiness ng isang tao sa presence ng lalaki/babae, at loneliness sa absence nito sa buhay nila. Sige, push n’yo 'yan!
Ah, wait. Introduction muna ng aking single self, ha? It’s Xantha Lorenzo. Just a simple girl with simple dreams—char! My friends call me Xy. Ano pa ba? Ah, I’m twenty four years old and I’m paying my own bills.
Online job ang major source of income ko kaya okay lang mag-ala wanderer. Okay ako kahit saan basta may Wi-Fi. I thought, ang journey ko sa earth, forever nang mundane lang. Gigising ako sa umaga at gagawin ang routine ko, tatapusin ang ordinary activities na ginawa ko rin nang nagdaang araw. Uulitin na naman hanggang matapos. At uulitin ulit sa susunod na araw.
Hindi pala.
Nagbago ang lahat mula no’ng twilight na iyon sa Baguio na ang lakas ng ulan. That day talaga, 'yong unexpected na twist sa life story ko, nangyari na. 'Yong mundo kong ang tahimik at organized, biglang nag-crumble at binagsakan ako ng mga blank pieces of puzzles. Pinupulot ko at pinipilit buuin ang clear picture para maintindihan ko lahat pero wala. Mas nagiging malabo habang tumatagal. Hanggang hindi ko na alam kung saan ang pupuntahan ng life story ko.
Hindi ko naisip na ang moment na iyon, start pala ng memorable journey ko. Para mas clear ganito na lang—noong araw na iyon na parang araw ng kamalasan—nagsimula ang isang hindi ordinaryong kuwento...

-- :) --

You can purchase a full copy of MY IMMORTAL 1 @ Ko-fi:
https://ko-fi.com/s/bc7d1f639e

Or @ https://payhip.com/b/YvWM

If you prefer other modes of payment like Gcash or Paymaya, just send a private message for details.

Happy reading! :)

Happy reading! :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon