Part 18

3.8K 139 10
                                    

Pagkilala sa Nakaraan

"PAKILINAW, 'Lah," si Ariah kay Ellah. Naguluhan siya sa dala nitong balita. Mga alas tres ng hapon iyon, bisita niya sa bahay si Ellah. Galing lang ang pinsan sa resort ni Marrio sa Nasugbu. Hindi pa alam ni Yosah ang balita. Nasa Pugad Agila ang pinsan at busy sa Diyosas. Month iyon na ito muna ang in-charge sa store.

Tinawagan siya ni Ellah nang nagdaang gabi lang. May ibabalita daw na importante. Bago pa mag-lunch, nasa bahay na si Ellah kasama si Marrio. Sa kilos ng dalawa, mukhang nagkaayos na. Parang aso't pusa lang na away-bati ang dalawa dati pa. Nilalait ni Ellah mula ulo hanggang paa ang asawa kapag naasar pero mahal na mahal naman. Hindi rin kayang tiisin.

Si Marrio, hayun at kainuman na ng mga kapatid niya. Nag-aagawan na ang dalawa sa pagse-selfie gamit ang cell phone pa rin ni Marrio. Ipagmamayabang na naman ng dalawa sa Facebook na may kainumang model. Malamang, ang cell phone na rin ni Marrio ang gamiting pang-Facebook. Ang sinasabi ni Ellah na isip batang model na asawa, kayang kayang sabayan ang mga kapatid niya. Palagay ni Ariah, cool at mabait talaga si Marrio at hindi nagbabait-baitan lang. Pati nga ang kapatid ni Ellah na si Loy, laging kampi pa kay Marrio kapag nag-aaway ang mag-asawa.

Para hindi maparami ang inom, kailangang sumama sa inuman si Rush at ang Tatay niya. Ang dalawa ang nagli-limit kung hanggang saan lang ang inuman. Kapag sinabi ng ama na hinto na, agad agad ang kilos ng back up nito. Ililigpit ni Rush ang mga bote ng alak. Kung may laman pa, deretso tapon. Iniisip ni Ariah hanggang nang sandaling iyon kung bakit hindi makapalag kay Rush ang mga basagulero niyang kapatid. Kung dahil kakampi ng lalaki ang ama nila o takot ang mga ito kay Rush, hindi alam ni Ariah.

"Tototoong may sumpa," ulit ni Ellah. "At totoong konektado kay Senorita Queen. May bisa talaga, Ariah!" sabi ni Ellah. "Ang mas nakaka-shock na katotohanan, kadugo si Marrio ng mga Pulgas!"

Nganga si Ariah. Ilang segundo na in-absorb muna ang sinabi ng pinsan. Nagkuwento na si Ellah, ang eksena daw kung saan natuklasan nito at ni Marrio ang katotohanan tungkol sa sumpa...

--------

"'Yon pala ang totoong sumpa," si Ariah pagkatapos ng pagsasalaysay ni Ellah. "Wala sa ating mga Mahinhinon, sa inyo ni Marrio magkakabisa kung 'di n'yo nagawan ng paraan?"

Tumango si Ellah. "Naliwanagan lang ako pagkatapos ng mga nangyari—kaya pala sa akin ibinigay ni Lola Pinang ang singsing. Alam din niyang kami dapat ni Marrio ang magsama para matapos ang sumpa."

"Buti naman at malinaw na ngayon, 'Lah..."

"May problema, Ariah," si Ellah at mas lumapit sa kanya. Ang maaliwalas na mukha nito, parang langit na natabunan ng gray clouds. Halatang halata na nagpigil lang ng luha.

Nag-alala siya. "Ano'ng problema? 'Kala ko okay na kayo ni Marrio?"

"Si Lola Pinang lang pala ang may gusto ng kasal," sabi ni Ellah. "Sumunod lang si Em. Ang mas masaklap, fake ang kasal namin. Hindi rin alam ni Em..."

"Oh, no..." inabot niya ang pinsan at niyakap. Mayamaya lang, humihikbi na ito. Yumakap na rin sa kanya. "Wala palang gamit ang check na pinunit mo, eh." ang half million na pinirmahan niya na pinunit lang nito ang sinasabi ni Ariah. "Walang kasal na kailangan i-annul?"

"Ganoon na nga. Dapat matuwa ako kasi hindi kami nakatali sa isa't isa 'di ba? Pero bakit masakit?"

"Mahal mo na kasi," sabi niya at hinagod ang likod nito. "Ano'ng balak mo ngayon?"

"Fight sana pero 'di ko kinaya ang alindog ng first love, teh!"

"First love ni Marrio?"

"Top model na naka-base na sa Singapore. Grabe! Nese kenye ne eng lehet! Ano naman laban ko do'n?"

"Kung sure ka naman sa nararamdaman ni Marrio—"

"'Yon nga ang masaklap, eh," nagpunas ito ng luha at dumistansiya na sa kanya. "'Di ako sure. Sa kama lang naman ako mahal niyan ni Em. Kung itutuloy ko pa 'to, mawawala na pati respeto ko sa sarili. Hindi puwedeng gano'n. Hindi tayo gano'n, 'di ba? Naging mga desperadang virgins lang naman tayo kasi buhay ang nakataya."

Ilang segundo siyang napapatitig sa pinsan. Mayamaya ay huminga siya nang malalim. Inabot niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. "Plano mong umalis sa condo niya?"

Tumango si Ellah. Tumango rin si Ariah bilang pagsang-ayon.

"Kahit saan mo gustong pumunta, sagot ko na, 'Lah. Mabubuo rin 'yang puso mo. 'Pahinga mo muna."

"Ano pa nga ba?"

"Fight lang!"

Tumango si Ellah at yumakap uli sa kanya. "Salamat, Donya! Kumusta ang pagsuko sa Bataan?"

"Baliw!"

"Sigurado kang hindi ka tinatablan ng charm ni ehem?"

Hindi na siya sumagot. Nagpatuloy sa pang-aasar si Ellah hanggang tawa na sila nang tawa.


Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon