Nag-iisang babaeng anak si Ariah at pasaway na mga lalaki ang kapatid. Siya ang sumusuporta sa lahat ng kailangan ng pamilya. Matanda na ang mga magulang kaya kung totoo ang sumpa na mamamatay ang mga Mahinhinon virgins, paano na ang mga magulang niya? Magiging kawawa ang mga ito kung maiiwan sa mga kapatid na basagulero.
Kaya naghanap siya ng lalaking solusyon sa sumpa—isang gabi lang. Pero hindi one night sex ang ibinigay sa kanya ni Floro, respeto at pagmamahal. Ang bilis nahulog ang loob ni Ariah kahit sobrang layo ng edad nila. Kaya lang, iniwan din agad siya ng asawa. Iniwan siyang virgin!
Hindi akalain ni Ariah na may ibang plano pala si Floro. Plano para sa kanila ng trusted man nito—si Rush, ang lalaking sa unang tingin ay malupit at walang kilalang emosyon. May tattoo pang dragon sa buong braso at nasa dibdib ang ulo!
Pero sa kung ano'ng dahilan, may hatak kay Ariah ang itim na itim na mga mata ni Rush. Mga matang parang ang daming itinatago. Mga matang nang mga sumunod na araw ay gusto na niyang tinititigan.
Ramdam ni Ariah na nag-iiba na ang tibok ng puso niya. Sasaluhin kaya ni Rush ang pagkahulog niya?
BINABASA MO ANG
Rush (The Gentle Soul) PREVIEW
UmorismoMahinhinon Virgins Book 3: Macaria (a.k.a Ariah)