Part 20

8.9K 202 54
                                    

Note: LAST UPDATE. Thanks for reading, and for the votes and comments! :)

INIISIP ni Ariah kung tama ang mga pinsan-na nahuhulog na ang puso niya kay Rush-nang bumukas ang pintong tinititigan niya. Past ten PM na iyon ng gabi. Alas otso sila nag-dinner lahat kanina. Pagkatapos ng dinner, nagpaalam si Rush na aalis kasama si Rohn. Naiwan siya sa hotel room na nag-iisip pa rin.

"Hinihintay mo ako?" mababang tanong ni Rush. Balik na ito sa usual na suot-jeans at t-shirt. Nahuli kasi nitong nakatingin siya sa pinto. "O iniisip mo kung pa'no lumipat ng ibang kuwarto na hindi ka mahuhuli ng pamilya mo?" dagdag nito. "Puwede kong gawan ng paraan-"

"Hindi 'yon ang iniisip ko, Rush." putol ni Ariah. Hindi nga lang niya puwedeng aminin kung ano ang talagang iniisip niya. "Sa business," alibi niya. "New designs ng mga sapatos for millenials."

Tumango ang lalaki. "Business ang iniisip mo sa unang gabi natin? Hindi ako?"

Biglang bumalik kay Rush ang mga mata niya. Magaang tumawa ang lalaki. Inabot ang ulo niya at hinaplos ang buhok niya.

"Joke lang, 'to naman," sabi nito. Lumipat sa pisngi niya ang kamay at pumisil nang magaan. "Parang tatakbo na agad palabas."

Hindi nag-react si Ariah. Tumingin lang siya sa mga mata ni Rush at ngumiti. Hindi niya naisip matulog sa ibang kuwarto pero hindi rin niya naisip na may mangyayari sa kanila ni Rush nang gabing iyon. Okay lang sa kanyang nasa iisang kuwarto sila.

Lumabas uli si Rush-kinuha lang ang bouquet ng red roses na iniwan lang yata sa labas ng pinto. Umupo sa tabi niya at inabot sa kanya ang bouquet. "Salamat, Ariah."

"Unli talaga ang pasasalamat?" magaang balik niya. Inamoy-amoy ang mga rosas. "May gagawin ka pa ba? 'Una na akong matulog?"

"'Ligo lang ako," sabi nito at tumayo na para pumasok sa banyo. Lagaslas na ng shower ang narinig ni Ariah nang mga sumunod na sandali. Kung kanina sa pinto ng kuwarto siya matagal na nakatitig, ngayon naman ay sa pinto ng banyo. Pareho pa rin ang iniisip niya: Nafo-fall na ba ako talaga kay Rush?

Tanda ni Ariah na sinabi niya sa sariling wala na siyang ibang lalaking hahayaang makahawak sa katawan niya pagkamatay ni Floro. Hindi na rin niya naisip na may ibang lalaking hahalik sa noo niya, lalo na sa lips. Hindi rin niya naisip na magpapaubaya siya sa yakap ng ibang lalaki.

Pero bakit iba pagdating kay Rush? Ginawa nito lahat ng inisip niya dati na hindi niya gagawin pero wala siyang naramdamang pagtutol. Gusto niya lahat ng ginawa nito. Walang pagtutol galing sa utak niya, lalong wala galing sa puso.

Bakit?

Nasagot ang tanong ni Ariah nang lumabas si Rush ng banyo na puting tuwalya lang ang takip sa ibabang bahagi ng katawan. Literal na napanganga siya. Ang perfect groom niya, perfect din pala 'pag hubad!

At natagpuan ni Ariah ang sarili na naglalakbay ang mga mata mula sa dibdib ni Rush na may mga pinong balahibo pababa sa flat na abs at pababa sa-napalunok si Ariah, nagulat siya sa sarili. May parang nanunuksong lakas galing sa loob na niya, tine-tempt siyang tumayo sa kama at lumapit sa asawa-para damhin ang hubad na katawan nito! Nag-init ang mukha ni Ariah. Bigla niyang ibinalik ang tingin sa ulo ng dragon sa kanang bahagi ng dibdib ni Rush, doon siya nahuli nitong nakatitig.

"Hindi naman...hindi naman pala galit ang dragon mo," wala sa loob na nasabi niya. Inilayo ang tingin pero bumalik din nang narinig niyang magaang tumawa si Rush. Maikli at suwabeng tawa. Ang sexy sa pandinig. Parang ang may-ari ng tawa.

Grabe, malala na talaga ang tama ko!

Pati tawa, sexy na sa pandinig niya? Wala nga lang nakakatawa sa sinabi niya. Bakit tumatawa si Rush?

"Ba't ka tumawa?" balik ni Ariah kay Rush. Totoo namang hindi galit ang dragon na tattoo nito. Hindi nakanganga na mukhang aatake. Payapa ang dragon sa dibdib nito. Pero buhay na buhay ang mga mata.

"Wala," si Rush na natatawa pa rin. "May iba lang akong naisip, Ariah." Isinuot nito ang bath robe at ginamit na sa buhok ang tuwalya. Nakatalikod na sa direksiyon niya ang asawa. Ang malapad na likod naman nito ang tinititigan niya.

"Ibang dragon?"

Tumawa na naman si Rush. "Puwede bang 'wag nating pag-usapan ang mga dragon?" humarap ito sa kanya-bagong ligo, matangkad, macho, may kakaibang kinang ang mga mata sa ngiti at...at bahagya lang nakabuhol ang robe. Kita niya mula dibdib pababa sa-gusto niyang bumuga ng hangin sa ere na naka boxers ito sa ilalim ng robe. Kung hindi ay kita na niya lahat!

"'Wag tumingin sa dragon, Misis."

Nakangangang bumalik sa mukha ni Rush ang mga mata niya. Sigurado si Ariah na pulang pula ang mukha niya nang magtama ang mga tingin nila at nahuli niyang nagpipigil ito ng ngiti. Huling huli ng asawa ang pagfi-fiesta ng mata niya sa katawan nito!

Tumalikod si Ariah. Mariing pumikit at ibinagsak ang sarili sa kama. Hinila niya ang comforter at itinakip sa sarili. Buong-buo ang tawa ni Rush.

"Nahiya si Misis," sabi pa. Base sa boses, nahulaan na niyang ang lapad ng ngisi. Hindi tuloy alam ni Ariah kung paano siya titingin sa mga mata nito na hindi siya mamumula. Confirmed. May pagnanasa na talaga siya kay Ambrosio Mamanlao!

Ilang segundo pa, nawala na ang maliwanag na ilaw. Lampshade na lang ang ilaw sa kuwarto. Naramdaman ni Ariah na gumalaw ang kama sa tabi niya. "May kuwento ako," sabi ni Rush. "Masakit at malungkot na kuwento."

Napadilat si Ariah. Seryoso na ang boses ni Rush. Ano'ng ikukuwento nito?

"Hindi mo maririnig kung hindi mo ako haharapin, Ariah."

May pakiramdam si Ariah na gustong mag-open up ni Rush. Gusto nitong mas ipakilala sa kanya ang sarili. Oo nga naman, wala siya alam sa nakaraan nito. Dahan-dahan siyang nag-iba ng posisyon, humarap na kay Rush. Flat na flat ang likod nito sa kama. Siya naman, nakatagilid lang paharap sa lalaki.

"Tungkol saan ang kuwento?"

"Sa akin, sa gagong ako noon."

Nagtama ang mga mata nila. Wala nang bakas ang lalaking tumatawa kanina lang. Blangko na uli ang mukha nito at malamig ang mga mata...

            --- END OF PREVIEW ---

            --- END OF PREVIEW ---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon