Part 5

4.4K 153 7
                                    

ANG sumunod na scene pagkatapos ng unang pagkikita namin ni Rush, biyahe na papuntang Baguio. Itim na Innova ang gamit namin, ang napansin kong sasakyan sa garahe nang dumating ako.

Sa ilang oras na biyahe paakyat sa Baguio, tatlo lang ang ginawa ko—makipag-usap kay Floro sa text, makipag-usap kay Floro sa cell phone at tumitig sa view sa labas. Si Rush naman, tahimik lang sa manibela. Ang naririnig lang na tunog sa loob ng sasakyan—old songs.

Old songs na nakakaantok pero si Rush, mukhang pampagising pa ang mga lumang kanta. Pinigil kong ngumiti. Napaisip ako kung ilang taon na ba ang lalaki. Hula ko, wala pa namang forty. Bakit kaya mga type of music na ni Floro ang gusto niyang pakinggan?

Pero dahil hindi naman ako ang nasa manibela na madi-distract ng tunog na hindi gusto, nakinig na lang din ako. Hindi na rin ako umimik hanggang umabot ang mga kanta sa Suddenly at Can't Help Falling In Love—na inulit-ulit pa ni Rush.

Senti siya, sa isip ko na lang nang sandaling iyon, itinutok ko sa view sa labas ang atensiyon. Hinuhulaan ko ang sitwasyon ni Rush kaya ganoon ang type na kanta—nami-miss ang asawa or girlfriend, in love or sawi?

Mali nga lang ako.

Wala sa tatlo.

Pagdating namin sa rest house sa Baguio, sa unang beses nang mahabang usapan namin ni Floro, nalaman kong single si Rush at thirty-five years old na. Hindi ko alam bakit biglang nalipat sa kanya ang topic namin ni Floro na nagsimula lang naman sa tanong niya tungkol sa breakfast na niluto ni Rush.


Pagkikita

"MACARIA MAHINHINON?"

Nasa pintuan si Ariah nang magtama ang mga mata nila ni Floro hindi-pa-niya-alam ang surname. Sa impormasyon na galing kay Manang Lumeng, Floro na mabait, handang tumulong at ligtas siya—iyon lang ang ipinasa sa kanya. Sa mga naging pag-uusap naman nila ni Floro, wala itong kahit anong binanggit tungkol sa hitsura bukod sa five nine ang height. Hindi nag-expect si Ariah ng kahit ano. Kahit pa gray haired na lalaki man ang humarap sa kanya, okay lang basta kaya pa siyang i-devirginize. Ayaw niyang mag-isip o mag-analyze, sigurado kasing magbabago ang isip niya. Alam niyang 'desperada moves' ang ginawa niya pero may choice ba? Wala naman. Kaya inihanda na niya ang sarili. Hindi na rin naman siya bata. Basta ang pinaka-rule sa tapon virginity misyon niyang iyon—may condom!

"Ako nga," mababang sabi ni Ariah. "Pero Ariah na lang."

Si Rush ay naramdaman niyang nilampasan siya bitbit ang kanyang gamit. Hindi na nagbigay ng utos si Floro. Parang alam na agad ni Rush kung saan dadalhin ang mga gamit niya. "Ikaw si Floro?" Nahawa si Ariah sa ngiti nito. Naghintay siya ng hindi magandang pakiramdam pero wala. Ang ngiti at titig ni Floro, parang nag-iimbitang lumapit siya. Wala siyang makapang pag-aalangan sa sarili. Hindi alam ni Ariah kung bakit. Siguro dahil sa mabait na dating nito.

May hawig sa artistang si Joel Torre si Floro. Dark brown ang buhok, walang uban. Science malamang. Maputi, matangkad at payat pero may tindig pa rin. Ang napansin lang ni Ariah, parang pagod ang mga mata nito kahit nakangiti.

"Kaya ko pa, Miss Mahinhinon," ang sinabi ni Floro bago magaang tumawa. Napansin ang pagtitig niya sa kabuuan nito. "Pero bago ang iniisip mong masama sa perpekto kong katawan, yakapin mo muna ako." inilahad nito ang mga braso.

Tumawa rin si Ariah. Nagulat siya sa sarili na hindi siya nag-alangan. Buo na ang plano at gusto niyang gawin iyon. Naihanda na rin niya ang sarili pero hindi malayong makaramdam siya ng pagdadalawang-isip kapag nakita na niya ang lalaki—pero wala. Hindi rin alam ni Ariah kung bakit wala siyang maramdamang iba. Panatag ang pakiramdam niya. Wala rin siyang maramdamang pagkaasiwa o takot kay Floro.

Lumapit siya at nagpayakap kay Floro. Maingat ang yakap nito, parang welcome lang sa kapamilyang dumating. Naka simpleng dark brown na pantalon, white T-shirt sa ilalim ng light brown na jacket ito. Napangiti si Ariah. Ang linis ng dating pati ng amoy ni Floro. Hindi siya magka-kaproblema kapag nagtabi sila. Bigla tuloy siyang naging conscious sa sarili. Sabon at shampoo lang ang amoy niya at baby powder sa mukha. Baka siya pala ang hindi pasado kay Floro.

"Welcome, Ariah. This house is yours," sabi nito at naramdaman niyang hinagod ang buhok at likod niya bago bahagyang dumistansiya para mariin siyang halikan sa noo.

"Ano'ng yours ang sinasabi mo?" nagtatakang tumingala siya.

"Isa ang bahay na 'to sa mga maiiwan ko." at sumunod na sinabing ibibigay daw na regalo sa kanya.

"H-Ha?" naguluhan siya sa sinasabi nito. Mang-iiwan na agad hindi pa man sila nagse-sex? "Ano'ng sinasabi mo diyan—" tinakpan na nito ng dulo ng mga daliri ang labi niya para huwag na siyang magsalita.

"I'm so happy to see you," ang sinabi ni Floro at hinaplos ang pisngi niya pagkatapos siyang titigan. "Ang tagal ko nang walang magandang babae!" at tumawa. "Na-miss ko pala ang pakiramdam ng yakap."

"Pangit lahat?" sakay naman ni Ariah sa sinabi nito. "Ako lang ang maganda?"

Tumawa si Floro. "Wala na akong naging babae pagkamatay ng huling asawa ko."

"Ilan ba ang naging asawa mo?"

"Three."

"Ikaw na ang guwapo!"

Tumawa na naman si Floro.

"Anak?"

"Walang tunay na anak. Mga anak-anakan, marami." Kinabig siya nito at niyakap uli. "Kumain tayo bago ka magpahinga."

"Ang lamig dito..."

"Meng!" malakas na sabi ni Floro. "Ikuha mo'ng jacket si Ariah sa kuwarto ko!" Walang sumagot sa inutusan nito pero mayamaya lang, mula sa kusina ay lumabas si Manang Lumeng, ngumiti sa kanya bago umakyat sa itaas.

Gulat si Ariah. Nakaawang ang bibig na humabol na lang kay Manang Lumeng ang tingin niya. Naguluhan siya sa role ni Manang Lumeng—katiwala ba sa rest house ni Floro sa Baguio o kasambahay nito?

Inirekomenda siya sa mismong amo?

Ah, mag-uusap sila ni Manang Lumeng.


Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon