Pagdalaw Ng Isang kababayan
"BATA ka pa para mamatay, Ria," si Manang Lumeng bago humigop ng kape. Ria ang nakasanayan nitong itawag sa kanya. Mga fifteen minutes nang nakaupo si Ariah sa tapat nito sa maliit na donut house na iyon. Tig-isa na silang cup ng kape at donut. Walang ginawa si Manang Lumeng kundi titigan siya na parang ina-analyze ang magiging kapalaran niya base sa mukha.
Mapait na ngiti na lang ang reaksiyon ni Ariah. Walang tao sa Pugad Agila ang hindi nakakaalam tungkol sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Parang teleserye ang buhay ng angkan nila na inaabangan ng lahat ang magiging ending—hindi nga lang ng 'serye' kundi ng mga buhay nilang magpipinsan. Inaabangan siguro ang balita kung paano sila namatay isa-isa. Medyo malungkot lang para sa kanilang tatlo na nasa present generation. Nakapila sila sa posibleng maagang pagkamatay.
Na virgin!
"Ang lungkot lang Manang Lumeng pero hindi talaga namin mababago ang bad news na 'yan," sabi ni Ariah, tumingin sa view sa labas na nakikita nila sa glass wall. "Una-unahan na lang ho siguro kaming tatlo. Sa buwan lang naman nagkakalayo ang mga edad namin."
"Wala ka bang planong gawin?"
"Ano ba ang tamang gawin, Manang Lumeng?"
"Hindi mo ba naisip na iligtas ang sarili mo sa sumpa?"
"Kung pag-aasawa ho ang sinasabi n'yo, hindi ko naisip na solusyon. Ayoko, Manang. Ayokong maging miserable at mangunsumi habangbuhay."
"Hindi ko sinabing kailangan mong mag-asawa, Ria," ang sinabi nito at ngumiti. "Kung pabor ako sa pag-aasawa, hindi sana ako nagpakatandang dalaga. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng disgusto mo—ang mismong pamilya mo, hindi ba? Ganoon din ako noon..." Huminga ito nang malalim at tumingin sa malayo. "Ang gusto kong malaman ngayon, kaya mo bang iwan ang mga magulang mo sa dalawang iyon?" Ang mga kapatid niya ang tinutukoy ni Manang Lumeng. "Kung kagaya kitang hindi matiis ang mga magulang, kumilos ka, Ria. Pag-isipan mo ang naisip kong solusyon."
Napatingin si Ariah nang ilapag nito sa harap niya ang malinis at puting-puting face towel. "Lagyan mo ng pulang burda."
"Ano'ng klaseng burda, Manang?"
"Puwede ka bang mahalin?"
Napamaang siya rito. "Seryoso ho?"
Tumango si Manang Lumeng. "Ibibigay kong regalo sa lalaking gusto kong makilala mo."
"Manang Lumeng—"
"Sa lalaking magliligtas sa buhay mo, Ria."
"Ano'ng sinasabi n'yo?"
"Isang gabi lang naman. Ibigay mo sa kanya ang katawan mo."
Ang laki ng pagkakanganga ni Ariah habang nakatitig kay Manang Lumeng.
Umuwi siya nang araw na iyon na iniisip ang mga sinabi nito. Tinapos niya ang pagbuburda sa face towel. Pagkatapos ng tatlong araw, dumaan uli sa bahay nila si Manang Lumeng. Kinuha nito ang face towel na natapos na niya ang burda. Bago umalis, nag-iwan sa kanya ng numero—ang numero daw ng lalaking tutulong sa kanya pero hindi niya muna dapat i-text o tawagan hanggang hindi nito sinasabi. Nag-iwan rin ng numero si Manang Lumeng. Marunong na palang gumamit ng cellphone. Dati ay asar na asar ito sa maliliit na letra sa keypad ng gadget. Aba ngayon, marunong na mag-text sa touch screen!
Kinuha na lang ni Ariah ang maliit na papel na pinagsulatan ni Manang Lumeng ng numero ng lalaking nirerekomenda nitong 'tagapagligtas' niya.
Lagi nang naiisip ni Ariah ang napag-usapan nila ni Manang Lumeng. Nagsusumiksik na sa utak niya ang posibleng bagsakan ng mga magulang kapag namatay siya nang maaga. Tama naman si Manang Lumeng, hindi siya dapat maghintay na lang na mangyari sa kanya ang sumpa. Kung mahal niya ang mga magulang, kailangan niyang kumilos. At kung payag naman ang lalaki na maging taga-punit lang ng hymen, pikitmata na lang niyang isasalang ang sarili sa isang gabi ng sex.
Hindi para sa sarili kundi para sa mga magulang niya.
Isang araw pagka-text ni Ariah kay Manang Lumeng na handa na siyang tanggapin ang tulong nito, may unregistered number na nag-text sa kanya.
Don't fall in love with me, ang sabi ng text message.
Wat? Hu u? reply ni Ariah, break niya sa pagtitiklop ng pantalon.
Your mystery man
Sino ka nga?
Floro.
Sino'ng Floro?
Puwede ka bang mahalin, face towel?
Nganga si Ariah. As in ang laking pagkakanganga. Hindi na siya nakaisip ng sagot. Tinapos muna ni Ariah ang lahat ng trabaho nang araw na iyon.
Ang sumunod na limang araw, lagi na silang magka-text ni Floro sa umaga at magkausap sa gabi bago siya makatulog. Wala silang particular topic. Kung ano ano lang. Mula sa mga tela hanggang sa dumi ng pulitika. Nag-eenjoy siyang kausap si Floro. Tawa siya nang tawa nang sabihin nitong hindi raw ito naghahanap ng pag-ibig dahil sobrang bata pa. Nang itanong niya ang edad, agad agad inamin nitong senior citizen na. Senior citizen na malakas pa raw ang tuhod. Sisiw lang daw ang 'tulong' na kailangan niya. Sa totoo lang, hindi alam ni Ariah kung joke o totoo iyon. Malay ba niya sa kakayahan ng senior citizen sa sex. Mas alam niya ang tungkol sa senior citizen discount!
May tiwala lang talaga siya kay Manang Lumeng. Hindi siya nito isusubo sa lalaking hindi siya maililigtas kay Kamatayan. Hindi pa nakikita ni Ariah nang personal si Floro pero gusto niya itong kausap. Hindi niya alam kung bakit.
Sa huling araw ng isang linggo na lagi silang magkausap, napagkasunduan na nila ni Floro na magkita na. Bahay sa Talisay Batangas ang address na ibinigay nito. Bago ang araw na magkikita nila, nagdesisyon si Ariah na ipaalam na sa mga pinsan ang balak niyang 'paglaban' sa sumpa.
Pero si Ellah lang ang dumating sa regular 'meeting' nila. Si Yosah, hindi pa rin talaga buo ang paniniwala sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Paano daw kung tsismis lang? Sayang daw ang iningatang virginity. Kamot-ulo na lang sila ni Ellah. Sa kanilang tatlo kasi, si Yosah ang walang pamilyang maiiwan kaya walang inaalala.
Ok. Kita na tayo, reply niya sa text ni Floro.
BINABASA MO ANG
Rush (The Gentle Soul) PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins Book 3: Macaria (a.k.a Ariah)