Part 17

3.3K 143 12
                                    

Pagkalito

"YOSH?"

"O?"

"Mag-isa ka lang ba?"

"Oo, bakit?"

"Wala si Rohn sa tabi mo?"

"Nasa banyo pa, naliligo. Bakit, Ariah?"

"May tanong ako, seryoso."

"Tanong mo na. Tungkol saan?"

"'Wag kang tatawa!"

"May gano'n? Eh, hindi ko pa naman naririnig ang tanong mo. Baka nakakatawa pala!"

"Yosh!"

"Okay, sige. Hindi ako tatawa. Sa kalaliman ng gabi talaga ang tanong?"

"Paano mo nalamang gusto mo si Rohn?"

"Ha? Gusto? Gustong ikama?"

"Ikama agad talaga?"

"Gano'n ang atraksiyon, 'di ba? Hindi ko pa naman kilala 'yong tao. Wala akong alam sa personality niya no'ng nag-meet kami. 'Yong panlabas lang muna talaga ang makikita mo sa lalaki."

"Okay. Sige. Isipin natin na ganoon nga. Paano mo nasiguro na 'yong nafi-feel mo ay...atraksiyon?"

"Gaga ka!" bulalas nito at tumawa. "Lakas mong maka-push sa akin kay Rohn dati, ah! Para kang expert sa panggagapang ng lalaki 'tapos 'yan lang 'di mo pala alam?"

Natawa na rin lang si Ariah. Sapul na sapul siya. "Si Floro nga ang may ideya no'n, Yosh! Accomplice lang naman ako!"

"Bakit, kanino ka attracted? Umamin ka! Kay macho man—"

"Hindi, ano ka ba?" putol niya agad. "Naisip ko lang bigla ang mga love stories n'yo," palusot niya at napalunok. Masama talaga ang tinutungo ng utak niya. Binanggit lang ni Yosah ang 'macho' si Rush agad ang naisip niya—ang tattoo sa braso, ang tangkad at laki ng katawan, ang pakiramdam na makulong sa yakap nito...

Muntik nang mapamura si Ariah. May mali talaga. Wala ang weird niyang pakiramdam dati. Kailan ba nagsimula iyon?

"Ariah!" untag ni Yosah. "May nangyari 'no? Ba't ka nagkakaganyan, umamin ka nga?"

"Wala ah!" parang tunog defensive siya. "Advance ka masyado. Nagtanong lang, kung ano ano nang iniisip mo. 'Baba ko na nga 'to." at tinapos na niya ang tawag. Pahalang na lang siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame.

Ano'ng nag-iba, Ariah?

Mariin siyang pumikit—para mapapitlag lang sa mahinang katok. Humingi siya ng gatas kay Manang Lumeng. May pakiramdam kasi si Ariah na kailangan niya ng pampalalim ng tulog.

Bumangon siya at tinungo ang pinto—para mapamaang lang sa taong nabungaran niya. Hindi kasi si Manang Lumeng ang naroon. Si Rush na may hawak na isang yellow rose!

Gustong lumubog ni Ariah sa kinatatayuan nang literal na napanganga si Rush pagkakita sa kanya. Nahuhulaan na ni Ariah na magulo ang buhok niya at para siyang bold star galing sa scene sa kama. Bigla lang siyang nagbukas ng pinto na hindi man lang ibinuhol ang night robe. Nalantad lang naman sa mga mata ni Rush ang manipis niyang pantulog na bloody red at spaghetti strap. Yumakap iyon sa katawan niya dahil sa excess fats. At ang haba, umabot lang sa kalahati ng mga hita niya!

Sahig, lamunin mo na ako, please!

Pero walang awa ang sahig. Hindi bumuka para pagbigyan siya. Kung aatras naman siya at biglang isasara ang pinto, magmumukha lang siyang tanga na pa-virgin. Wala nang naisip na tamang gawin si Ariah, na-estatwa na lang siya sa puwesto.

Si Rush ang kumilos pagkatapos ma-shock sa kanya nang ilang segundo. Kinagat nito ang stem ng yellow rose at inabot ang robe niya sa bandang balikat—hinila nito at inayos hanggang matakpan ang pantulog niya sa ilalim. Bumaba ang mga kamay nito sa bandang baywang niya at maingat na ibinuhol ang robe. Kinuha nito ang rosas na kinagat ang stem.

"May ibang kumakatok bukod kay Manang," kaswal na sabi nito. "Mag-iingat. Baka bumigay ako." at seryosong nag-peace sign sa kanya.

Natawa si Ariah. Parang binasag ng tawang iyon ang mga hindi magandang pakiramdam. Tumawa rin si Rush, nasa mga mata niya ang titig.

"Sa 'yo na 'yang bulaklak mo!" sabi niyang nakatawa pa rin. "May laway na 'yan!"

"Grabe naman. 'Yong tangkay na lang, o!" at pinutol nito ang rosas sa tangkay. Inabot sa kanya ang stemless rose na. "'Di ko mabubuo ang araw araw na 'salamat' 'pag 'di mo tinanggap 'to."

Inilahad ni Ariah ang kamay. "Akin na nga! 'You're welcome."

Tumalikod na si Rush para bumalik sa sariling kuwarto.

"Rush?"

Lumingon ang lalaki.

Ngumiti si Ariah. "Salamat din," sabi niya, mahina lang. "Na nandito ka pa rin hanggang ngayon." Gusto rin sana niyang idagdag na salamat at napapagaan nito ang pakiramdam niya—pero OA na 'yon kaya 'wag na lang.

Tumango lang ito at itinuloy ang mabagal na mga hakbang pabalik sa sariling kuwarto.


Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon