Part 2

7.7K 174 5
                                    

Twenty-two months ago...

Pagbabagong-Isip

"MAGHAHANAP ka talaga ng lalaki?" shocked na ulit ni Ellah, namilog lalo ang mga mata ng pinsan. Nasa likod-bahay sila, may 'meeting' tungkol sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Isa o dalawang beses nilang ginagawa iyon sa bawat isang buwan.

Sila ni Ellah ang perfect attendance. Si Diosa ay may sa kabute—lumitaw hindi sa 'meeting' nila. Sa kanilang tatlo, si Diosa kasi ang naniniwala na tsismis lang ang lahat. Sila ni Ellah ay lagi nang maingat—iniisip na nakasunod lagi si Kamatayan at naghihintay lang ng chance. Pero hindi pa naman umabot ang mga 'meeting' sa topic na gaya ngayon—ang paghahanap ng lalaki para magpa-devirvinize.

"Hindi para sa akin, Yosh," sabi niya at napabuntong-hininga. Pareho silang nagbitbit ng monoblock chair sa likod. "Para kina Nanay at Tatay. Naisip ko kasi, kung mamamatay ako, pa'no sila? Senior na sila pareho, 'di ba? Wala akong tiwala sa dalawang maiiwan, eh." Ang Kuya niyang si Cerilo, thirty seven, kayumanggi at mukhang holdaper sa haba ng kulot na buhok. May sinusustentuhang two years old na anak pero alak pa rin ang mas inaatupag. Iniaasa pa talaga sa mga magulang nila ang pangkain sa araw araw. Napipilitan tuloy na mag-drive pa rin ng tricycle ang Tatay nila. Si Procopio naman, thirty two na pero isip twenty-tree years old! Magaling sanang makahanap ng raket pero inuubos lang sa pambababae at pagporma. Magkasundo ang mag-kuya at laging magkakampi laban sa kanya kapag pinagsabihan niya. Siya ang laging talo kaya nagsawa na lang si Ariah. Pinagbuti na lang niya ang pananahi para matulungan ang mga magulang sa gastusin.

Paano siya matatahimik sa kabilang buhay kung maiiwan ang mga matatanda nang magulang sa dalawang pasaway na kapatid?

"Ibang klase ka rin, eh," sabi ni Ellah. "Haba ng pasensiya mo, teh! Kung ako ang kapatid ng mga pasaway na 'yan, tinaga ko na!"

Natawa na lang si Ariah. Hindi nga iisang beses na nakatikim ng dakdak ni Ellah ang dalawang kapatid niya. Walang pakialam ang mga ito. Tinawanan lang si Ellah. Nagawa pang mang-asar ng mga pasaway—na magme-menopause na raw kasi si Ellah kaya mainit ang ulo. Maghanap daw ng boyfriend para bumait. Napikon si Ellah, hinabol ng bato ng lahat ng tsinelas na nahawakan nito ang dalawang ang bilis nakalayas.

Isa rin sa dahilan kaya tumigil na siya sa paninita sa mga kapatid ay ang parating ganti ng mga ito—na mainitin na ang ulo niya kasi matanda na siyang dalaga. Maiiyak lang siya sa galit habang ang dalawa, tawa-tawa lang. Para iwas stress na lang, hindi na lang pinansin ni Ariah ang dalawa. Nag-focus na lang siya sa trabaho at sa pagtulong sa mga magulang.

Okay na siya. Tanggap na ni Ariah ang magiging buhay niya hanggang dumating na lang ang masaklap nilang kapalarang magpipinsan. Nagbago nga lang ang lahat nang dumalaw sa Pugad Agila si Manang Lumeng, ang anak-anakan ng kaibigan ni Lola Enriqueta na namatay na four years ago. Nagpa-repair sa kanya ng mga bestida ang fifty something na matandang dalaga. Halos three years na ang huling dalaw nito sa Pugad Agila. Siya ang paboritong mananahi ni Manang Lumeng noon pa man.

Nagulat si Ariah nang ayain siya nitong magkape. May importante daw na sasabihin sa kanya. Ang walang isang oras na 'pagkape' nila, binago ang 'status: waiting to die' na nasa isip ng dalaga. Natukso siya sa alok ni Manang Lumeng. Lalo na nang banggitin nito na kailangan pa siya ng mga magulang. Pagkatapos ng pag-uusap nila, lagi nang kulang sa tulog si Ariah. Pinag-iisipan niya ang gagawin. At nang makapag-desisyon, nagpatawag siya ng 'meeting'—si Ellah nga lang ang mag-isang dumating. Hindi na naman pinansin ni Diosa ang pasabi niya. Hindi talaga yata takot mamatay ang pinsan.

"Eh, ano ba dapat 'Lah? Maghintay na lang tayong mamatay? Hindi puwede! Sina Nanay at Tatay..." Sinabayan pa niya ang pag-iling. Nakita niya sa isip ang payat na payat na mga magulang resulta ng araw araw na kunsumisyon sa dalawang anak. Okay lang sana kung ang dalawang kapatid lang ang maiiwan ni Ariah kung sakaling totoo ang sumpa. Pero ang matatanda nang mga magulang, hindi talaga niya kayang tiisin.

"Seryoso ka talagang makipag sex sa 'di mo kilala? Kaya mo?"

"May pagpipilian ba tayo?" balik naman niya kay Ellah. "Maniwala o hindi lang naman ang choice natin, 'di ba? At ligtas o patay lang ang tadhana natin. May ilang months pa tayong ligtas kung totoo nga ang sumpa. Hindi ko na sasayangin."

Ang tagal na napatitig sa kanya ang pinsan. "Kung aalis ka, Ariah..." sabi nito at huminga nang malalim. Tumingala muna sa mga dahon bago ibinalik sa kanya ang tingin.

"Aalis ka rin?" tanong ni Ariah sa pinsan.

Tumango si Yosah. "Ayoko pang mamatay!"

HULING pag-uusap na namin iyon ni Ellah bago ako umalis ng Pugad Agila. Naisip kong bigyan ang sarili ng isa o dalawang linggo lang para itapon ang virginity. Tumanggap ako nang tumanggap ng trabaho—mula sa uniforms ng mga batang estudyante, repairs ng kiddy gowns, putol, tiklop at lahat na ng klase ng proseso—tinanggap ko lahat. Two weeks na tiniis kong walang day off. Inipon ko lahat ng kita sa two weeks na iyon at hinati sa dalawa. Iniwan ko pareho kina Nanay at Tatay. Pagdating sa mga pasaway kong kapatid, si Nanay ang madalas mauto. Kung kay Nanay ko iiwan lahat, mauubos agad. Si Tatay, mas nagkokontrol ng gastos at natitiis ang dalawang pasaway. Naglalabas lang ng pera kapag ginamit na ni Kuya Earl ang anak. Hindi rin matiis ni Tatay ang apo.

Three days bago matapos ang two weeks na iyon na kaharap ko ang sewing machine, tinext ko na si Nanang Lumeng. Sinabi kong handa na ako.

Paano ba kami umabot ni Manang Lumeng sa deal na iyon?

Ah, tanda ko pa ang araw na nagkape kami...


Rush (The Gentle Soul) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon