2
"Magandang gabi po, S-senyorito!" Napaurong si Aling Nelia mula sa tuluyang pagpasok sa kusina pagkakita kay Senyorito.
"Magandang gabi."
Halata ang pagkataranta ni Aling Nelia. Mabilis ang kilos nitong nilapitan si Melissa.
"Gutom na po ba kayo, Senyorito? May naluto na, po. Itong scallops nalang ang kailangang lutuin."
"Nah! I just got thirsty that's why I'm here," sumulyap ito kay Melissa na tulala sa kinatatayuan. Napatanga ang babae sa biglaang pagsulpot ng anak ng Donya.
"New?" Tanong ng senyorito kay Aling Nelia.
"Opo. Ito po si Melissa. Assistant ko po dito sa kusina," agad na sagot ni Aling Nelia. Bahagya nitong nilapit ang bibig sa kanyang tenga "Bumati ka na ba kay Senyorito?" Mahina nitong tanong.
"H-hindi po," mahina din niyang sagot "Nagulat po kasi ako."
"Naku! Ikaw na bata ka! Papahamak mo ang sarili mo. Bumati ka!" Mariin nitong wika. Sarado ang ngipin at labi lang nito ang ginalaw.
"M-magandang g-gabi po, S-senyorito. Pa... pasensya na po kanina," nakayuko niyang bati.
"It's nothing. Nauuhaw lang talaga ako kaya pumunta ako dito."
Muli itong sumulyap sa nakayukong si Melissa. Tumaas ang gilid ng labi bago nilisan ang lugar.
Mahinang kurot ang natanggap ni Melissa kay Aling Nelia pagkaalis ng batang amo.
"Sa susunod, bumati ka kaagad. Lalo pa pag nandyan ang Donya."
"Opo, Aling Nelia. Pasensya na po. Akala ko po kasi ikaw ang pumasok sa kusina tapos paglingon ko si Senyorito pala."
"O s'ya! Sige basta sa susunod ha?" Tumango si Melissa "Bilisan na natin ito baka gutom na sila. Ang sauce nandoon sa loob ng fridge. Kunin mo."
Tatlumpong minuto lang ay natapos na nilang ibake ang scallops. Tinulungan na ni Melissa si Aling Nelia mag-ayos sa dining table ng mga Sandiego.
Pagkatapos nila ay agad siyang umalis. Nagpaiwan si Aling Nelia para silbihan ang Sandiego sa hapag. Si Melissa naman ay tumuloy sa garden. Doon niya planong maghintay hanggang sa pwede na silang kumain. Ayaw niyang pumunta sa maid's quarter dahil alam niyang nandoon sila Cecil. Alam naman niya na ayaw nito sa kanya kaya hanggat maari iiwas siya rito.
Madilim na ang paligid. Naupo si Melissa sa damuhan kaharap ang walang buhay na halaman. Gamit ang tsinelas niya na siyang inilapag niya sa damuhan para hindi madumihan ang suot na pants sa pag-upo doon. Inilibot niya ang paningin sa buong lugar.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos sa pamilyang Sandiego. Mayaman sila, May magandang bahay at kompleto ang pamilya. Pinangarap niya ang mga iyon noon pa. Minsan na din niyang pinangarap na magiging mayaman siya para mabigyan ng magandang buhay ang ina. Ngunit binura niya ang pangarap na iyon nang iwan siya ng ina.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan ito. Magdadalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa mga Sandiego habang naghihintay ng balita mula sa ina. Ngunit walang dumating.
Wala siyang sinisi sa mga nangyari. Ang desisyon na iwan siya ng ina ay hindi tadhana ang dahilan. Mag-isa siya ngayon dahil ito ang epekto ng pang-iiwan ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...