23

117 7 19
                                    

23

!!!Trigger Warning!!!
This chapter is very sensitive. Not suitable for minors and those who suffered from abuse. Please skip and just wait for the next chapter... thank you for listening

LUIS EMMANUEL

Tinanguan niya ang isang tauhan para tanggalin ang takip sa bibig ng isang babaeng nakagapos sa isang silya. Kaagad naman itong tumalima sa kanyang utos.

Isang araw na itong ganon ang posisyon bago pa siya pumuntang Cebu. His men were already looking for her and finally they got her.



Kaya kaagad niyang pinauwi ang anak-anakan upang tingnan ang negosyo nila habang wala siya.


He's starting to get frustrated every year that comes. Halos tatlong dekada na niyang hindi nahanap ang kanyang hinahanap. At ngayon nakahakbang na siya mula sa walang katapusang pagtayo at walang nagawa.


"Sabihin mo sa akin ang gusto kong malaman iyon lang at makakauwi ka na," aniya.



Ilang taon din itong nagtatago sa kanya kaya sigurado siya na may alam ito sa kanyang hinahanap.





Umiling ito. Maraming tuyong luha sa pisngi at meron ding sariwang luhang kasama. Ngunit wala siyang pakialam.


Tanging gusto niya ay magsalita ito para tapos na ang lahat. Ang dali lang ayaw pang magsalita.



"Sige. Ayaw mo? Mananatili ka dito hanggang sa magsasalita ka. Kung di ka naman tanga sana hindi ka umalis sa mga de Silva diba? Ayan tuloy nawalan ka ng proteksyon," tumawa siya ng nakakaloko.



De Silva. De putang pamilyang iyon. Akala ng karamihan sobrang bait. Sobrang linis. Pero nasa loob ang kulo.



"Wala po talaga akong alam, S-senyorito..." nanginginig ang boses nito.



"Talaga? Sigurado ka ba dyan? Ang pagkakaalam ko kasi isa ka sa mga tauhan nila, Jessa."



Mabilis itong umiling. "H-hindi po..."



"Mali ba?" Pumalatak siya. "Oo nga pala. Iyong kaibigan mo pala ang tauhan ng mga de Silva. Pero magkaibigan kayo hindi ba? Alam kong alam mo ang iilang bagay tungkol sa anak ko."


Umigting ang kanyang panga. Gusto niya itong sampalin para tuluyan na itong magsalita. Pinigilan lang muna niya ang sarili dahil natutuwa pa siyang makita ang pagmamakaawa sa mata nito.



Parang tuta na walang magawa nang pinatay ang ina. Well, he didn't kill her mother. Binayaran lang niya ang iilang kakilala upang hindi ito makapasok sa hospital.



And it died just few weeks ago...


Hindi siya masamang tao. Nagiging masama lang siya kapag hindi niya nakukuha ang gusto.




He's not like this before. But as days kept coming and the fate won't work the way he planned, he decided to take his destiny on his hand.




Kahit anong bait niya para makuha ang gusto, hindi pa rin iyon mapapasakanya. Tama nga ang kasabihang, kung hindi madaan sa santong usapan, daanin sa santong paspasan. At iyon nga ang ginawa niya ngayon.




Gipitin ang lahat para makuha ang gusto.




"Naman, Jessa! Kung nagsalita ka sana ng mas maaga hindi mangyayari 'to! Tingnan mo, namatay ang mama mo na hindi man lang nakainom ng gamot. At itong kalagayan mo ngayon. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Hindi ako," ngumiti siya rito.




This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon