24
Nagising si Winter nang maramdaman ang lambot ng kanyang hinihigaan. Sobrang lambot na akala mo gawa iyon sa cotton.
Balak pa sana niyang ipagpatuloy ang pagtulog kung hindi lang niya naalala ang nangyari sa kanya kanina. Napabalikwas siya ng bangon.
Hindi pamilyar sa kanya ang kuwartong iyon. The room was painted with a moss green paint, some furnitures have the same color, very different from her hotel room- with white theme.
Mabilis siyang bumaba mula sa kama. She was thankful that she wasn't tied on the bed. Hindi rin nakagapos ang kanyang kamay.
Ngunit kaagad niyang binawi ang pasalamat na iyon nang lumapit siya sa pinto ng kwarto. It was locked from the outside. Sinubukan pa niyang lagyan ng buong pwersa pero ayaw bumukas no'n.
"Fuck!" Mura niya at sinipa ang pobreng pinto.
Inilibot niya ang paningin sa buong kuwarto. She's looking from something... anything that can help her escape from that room.
Tumigil ang paningin siya sa terrace na tinakpan lang ng manipis at kulay green na tela. Sumasaway ito kasabay ng hanging pumasok sa kuwarto. Hindi niya iyon napansin kanina dahil dumeritso siya sa pinto.
Binitawan ni Winter ang nagmamatigas na pinto sa kuwarto. Nagmamadaling tinungo ang terrace para makatakas na siya doon bago dumating ang kanyang kidnappers.
She's not familiar with the place. And she has no idea where on earth she was. Ang kailangan lang niyang gawin ay tumakas sa bahay na iyon. Then, run for her life. Run as far as she can before her kidnappers notice that she's gone.
Hindi siya naniniwalang walang masamang plano ang mga kidnappers niya. She was kidnapped because they want something from her or from her Papa. At kung magmamatigas siya sa gusto nilang mangyari, may masamang mangyayari sa kanya.
Alam niya iyon. Iyon lagi ang nangyayari sa mga movies na kanyang napanood. Hindi nga ito movie pero pareho mag-isip lahat ng kidnappers.
Hinawi niya ang telang sumasayaw. She was greeted by the most greenest forest she ever saw her entire life. Kung hindi siya isang biktima ng kidnapping iisipin niyang nasa isang movie siya ngayon.
It was a very calm place. She can't see the tip of the trees because it was covered with fog. Hindi niya matukoy kung anong oras na dahil sa panahon. It was gloomy. The leaves of the trees were wet.
Maybe it rained earlier, and it looks like it's going to rain again. The breeze of the wind was cold on her skin.
For a moment she forgot that she's being kidnapped. Natigil siya upang pagmasdan at i-appreciate ang paligid.
It was when she looked down and saw the most frightening location she's in. Mabilis siyang napaatras. Parang hinabol siya ng sampung lion sa bilis ng tibok ng kanyang puso.
"Shit!" Mura niya.
Kung gaano kaganda ang nakita niyang kagubatan kanina ganoon naman ka intense ang takot na naramdaman nang makita kung gaano kalalim ang kanyang kinatatayuan. Sa ibaba ng terrace ay isang bangin. Sobrang lalim, at isama pa ang malakas na agos ng tubig doon.
She can't escape from there. At tanga lang ang tatalon doon para lang makatakas. She doesn't want to die. At ayaw niyang magkalasog-lasog ang katawan niya kung mamamatay man siya.
Nanginginig siyang napaatras mula sa terrace na iyon. Baliw ang kung sino man ang naglagay ng terrace sa ganong kalagayan.
What if her kidnappers used that area to throw dead bodies?
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...