5

171 9 5
                                    

5

Abala ang buong mansyon. Ngayon na kasi ang engangement party ng Senyorito. Hindi rin magkaundagaga si Melissa sa paroon at parito sa kusina. Hindi pa siya nakakaupo mula pa kaninang alas kuwatro ng umaga. May catering naman na kinuha ang Donya pero gusto din nitong magluto sila sa recipe nito. Gusto nitong may nakaserve din na pagkain na galing sa kanya mismo.

Nakaramdam na rin ng gutom si Melissa. Tanging mainit na kape lang ang nailagay niya sa kanyang tiyan at kaninang alas singko pa iyon. Alas syete na ng umaga. Malapit nang mag-alas otso.

Hindi naman din siya pwedeng mauna sa pagkain gayong hindi pa rin kumakain si Aling Nelia. Kaya tiniis nalang niya ang kumukukong tiyan. Inabala lalo ang sarili para makalimutan saglit ang gutom.

Alas diyes ng umaga na nang nakakain sila ni Aling Nelia. Mabilisan lang iyon kaya hindi nakaramdam si Melissa ng pagkabusog. Bahala na. Basta nalagyan niya ng pagkain ang tiyan at may lakas siya sa araw na iyon.

"Melissa, ikaw muna bahala dito sa kusina a. Pupuntahan ko muna ang Donya para matikman niya ang mga naluto na," si Aling Nelia, sabay tanggal sa apron nito.

Tumango si Melissa at pinalitan ito sa harap ng kalan. Mainit at puno na siya ng pawis. Gustong magbabad ni Melissa sa malamig na tubig. Para siyang hindi nakaligo ng ilang araw dahil sa init nga kusina.

Pero tiniis niya iyon. Ayaw niyang pumalpak sa trabaho. Importante ang araw na iyon sa mga Sandiego.


"O saan kami kakain dito?"


Napalingon si Melissa kay Cecil. Masama ang tingin nito sa kanya bago binalik ang tingin sa mesang puno ng mga gulay na kailangan pang lutuin mamaya.


"Humanap ka nalang. May mesa naman din sa labas. Pwede kayo doon."


"Ha!" Nagbuga ito ng hangin galing sa bibig. Halatang pinarinig sa kanya ang pagkairita nito. "Hindi ikaw ang mayordoma dito. Hindi sayo ang lugar na ito."


"Hindi ko naman sinabi na ako ang mayordoma dito, Cecil. Hindi ko din sinabi na sa akin ang lugar na ito. Kung gusto mong maayos ang pagkain mo doon ka sa labas. Doon din naman kami kumain ni Aling Nelia. Ano ba ang masama sa sinabi ko?"


"Bakit hindi mo nalang ito itabi muna? Hindi naman ninyo lulutuin ito ngayon."


"Sinadya ni Aling Nelia iyan para macheck ng Donya. Paparating na ang mga iyon. Kaya diyan lang 'yan."

"Sino ka ba sa akala mo?"


Napaikot ni Melissa ang mata sa iritasyong naramdaman kay Cecil. Ang dali-dali lang naman ng problema nito. Bakit kailangan pang manghamon ng away?

"Utos iyan ni Aling Nelia, Cecil."

"Mamaya ka sa akin," mariin nitong wika. Lumabas ito ng kusina kasama si Jessa.

Napatalon naman si Melissa sa kinatatayuan nang malakas ang pagsara nito ng screendoor. Napailing siya at pinagpatuloy ang trabaho.


Hindi na yata sila magkakasundo ni Cecil. Hindi naman niya alam kung ano ang problema nito sa kanya. Basta ang alam niya ay galit ito unang araw pa lang niya doon.

"Eto na po, Donya ang mga gagamitin. Tama na po ba ang dami nito?" Boses ni Aling Nelia ang nagpatigil kay Melissa sa ginawa.

Huminto muna siya saglit para mabati ang Donya. Yumuko siya ng kaunti pagkaharap niya dito.

This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon