31
Isang malaking bahay sa gitna ng gubat siya dinala ni Luis Emmanuel. Hindi iyon kasing laki ng mansyon ng mga Sandiego pero malaki pa din.
Tago iyon kaya sigurado siyang kaunti lang ang nakakaalam sa lokasyon. At alam niyang hindi na siya mahahanap pa ni Elias.
This will be her end. Literally.
Unti-unti na niyang tinanggap iyon sa kanyang sarili. Because, she will die first before Luis Emmanuel could take advantage of her.
Sapilitan siyang pinasok ng mga guards ni Luis Emmanuel sa isang kuwarto na walang bintana. Wala ring gamit na pwedeng makatulong sa kanyang pagtakas.
All she can see in the room, is the thick mattress lying on the floor. Walang kabinet, o kahit closet o kahit libro man lang. Para iyong room phsychiatrict ward. At least iyong huli may upuan, at bintana.
Mababaliw siya kung magtatagal siya sa kuwartong iyon. Tanging nakapalibot sa kanya ay ang malamig na puting pader.
And bathroom! Wala! Saan siya iihi?
Malakas na bagsak ng pinto na nagpatalon sa kanya sa kinatatayuan. Pagkatapos kalasin ang tali sa kanyang kamay umalis na ang mga ito.
Mabuti dahil ayaw niyang makita isa man sa mga tauhan ni Luis Emmanuel. O kahit ang huli. Mas pipiliin pa niyang mabaliw sa katititig sa pader kaysa makita o makausap ang baliw na iyon.
Takot ang lumukob sa sistema ni Winter. Pero hindi niya pinahalata iyon kanina. Pati ngayon, dahil alam niyang nakatingin sa kanya si Luis Emmanuel. Impossibleng walang camera dito sa loob.
Umupo siya sa mattress. Niyakap niya ang binti at pinikit ang mga mata.
God please help me...
Hindi siya makapag-isip kung paano siya tatakas. Iisa lang ang exit sa kuwartong iyon. Ang pinto na nakalock. Ay sigurado siya may bantay sa labas. Kahit pa sabihin na nating makakalabas siya sa kuwartong iyon, hindi pa man siya makakalayo ay dakip na ulit siya.
May isa siyang naisip na paraan pero hahantong lang siya doon kung kinakailangan na talaga. Sa ngayon, susubukan muna niyang mag-isip ng ibang paraan.
Nakatulugan ni Winter ang pagpaplano niya. Nagising siya nang marinig na bumukas ang pinto.
Mabilis siyang napabangon. Her guards were wide awake. Handa siyang makipagsabunutan sa kung sino man ang magtatangka sa kanya na hawakan siya.
"Suot mo daw ito," isang lalaki na may baril sa tagiliran ang naglapag ng malaking karton sa may paanan niya.
Hindi niya ito nilubayan ng talim ng tingin.
She wonder, why people like him work for people like Luis Emmanuel? Nasasayahan ba sila kapag may nasaktan silang kapwa? Anong makukuha nila? Pera? You can still earn money without working with bad people.
Hindi niya maintindihan ang ganitong mga tao. They live like they don't have soul.
Nasasayahan sila kung may nasasaktan. They prefer violence when can have peace so easily.
"Huwag mo akong tinitingnan ng ganyan at baka makalimutan kong puta ka ni Senyorito."
Mas tinaliman niya ang tingin dito.
"Isuot mo iyan bago pa pumasok si Senyorito at siya mismo ang magsusuot niyan sa'yo."
"How much did he pay you?" May galit sa kanyang tuno. Kung may lakas ng loob lang siya na kunin ang baril nito sa tagiliran ay kanina pa niya ginawa.
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...