Bonus Chapter

240 10 3
                                    

Kung wala lang siyang utang na loob sa matandang Sandiego, hindi pupunta si Elias sa mansyong katapat ng sa kanila. Ngunit sa kadahilanang ang Donya ang dahilan kung bakit niya nahanap si Winter, wala siyang magagawa kundi pagbigyan ang gusto nito. Isang beses, iyon lang.



Ayaw niyang makipag-ugnayan sa pamilyang nanakit sa kanyang ina noon. At nagbigay ng pasakit sa babaeng gusto niya ngayon.

"Sir, andito na ho pala kayo."

Tinanguan niya ang kasambahay na sumalubong sa kanya pagkababa ng sasakyan. 

"Pasok po kayo, sir. Kanina pa naghihintay ang Donya."

Sumunod siya dito sa loob.

Karangyaan. Iyon kaagad ang napansin ni Elias sa lahat ng gamit sa loob ng mansyon. Wala siyang nakikitang tingin niya murang kagamitan. Halos lahat ng gamit ay gawa sa ginto. Kumukintab dahil sa liwanag mula sa chandelier.

"Apo!"

Boses ng Donya ang nagpabaling sa kanya. Nasa wheelchair ang matanda. At ang nakaunipormeng nurse ay nasa likod nito.


Bakas sa mukha ang kasiyahan. Pero sa kanya wala. Tanging gusto  niya sa mga oras na iyon ay umuwi at makasama si Winter buong araw.

"Ano po ang pag-uusapan natin," tanong niya.

Ayaw niyang magpaligoy-ligoy. Ayaw niyang magtagal doon.

"May gusto ka bang kainin, apo?"



Lumapit ito sa kanya.



Kitang-kita niya kung paano ito nahihirapang imaniobra ang gulong ng wheelchair. Kung hindi lang niya alam ang mga ginawa nito sa ina niya noon at sa ginawa nito kay Winter, naawa na siya rito.


Hindi siya mabait upang patawarin ito nang ganito kaaga. At tingin niya, hindi niya ito mapapatawad kailanman.



Ang mga katulad nito ay hindi kinakaawan. Hindi porke't mukha na itong mahina, hindi ibig sabihin hindi na nito kayang manakit ng kapwa.


Alam niya iyon lahat. Usap-usapan iyon ng lahat. Kilalang-kilala niya ang pamilyang tumaboy sa ina niya habang nasa sinapupunan pa siyang ina. Alam niya kung paano nito sinaktan si Winter.


Mahigpit niyang kinuyom ang kamay.



Alam niya kung paano ito nananakit ng mga kasambahay kahit pa ganito ang estado nito sa kalusugan.


"Ano ho ang pag-uusapan natin?" Tanong  iya ulit. Pinilit pakalmahin ang boses dahil nagsimula na siyang mawalan ng pasensya.

"Nelia! Maglagay ka ng juice at mga pagkain sa library!" Bumaling ito sa nurse na nasa likod nito. "Tulak!"

Mariin niyang tiningnan ang matanda. Hindi siya makapaniwalang ganito ang trato nito sa mga taong nakapaligid. Hindi niya kayang paniwalaan na may dugo itong nanalatay sa kanyang mga ugat.


Kung pwede lang palitan ang dugo niya, ginawa na niya iyon. Ayaw niya sa koneksyong meron siya sa mga ito. Lalong-lalo na sa anak nito.


"Dito tayo, apo. Mas maganda kung sa library tayo mag-usap."



Sumunod siya ng hindi ito sinagot.



Nauna itong pumasok sa elevator, sumunod siya. May pinindot itong button nang sumara ang elevator.



Pagkabukas, magarang library ang bumungad sa kanya. Puno ng mga libro at may tatlong computer ang nandoon sa gitna ng kuwarto.



Malaki ang looban. At kagaya sa mga kagamitan sa baba, marangya din lahat ng gamit. Napailing siya. Ganito siguro kadalasan ang mga mayayaman. Dahil wala ng mapaggamitan ng pera dito ibubuhos lahat. Kahit iyong maliit na bagay ay umaabot ng libo ang presyo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon