26

119 7 23
                                    

26

Isang oras na mula no'ng umalis si Elias para magtungo sa kompanya nila. At nasa kama pa rin siya nakaupo, kahit pa hindi nilock ni Elias ang kuwarto.

Ayaw muna niyang lumabas dahil inuulit pa niya sa utak ang lahat ng nangyari.  How she wish that Elias would be come home and be with her. Kaya lang nagpaalam ito sa kanya nagagabihin ito ng uwi.



She needs his warmth so she can feel at ease and safe.



"Use the intercom if you're hungry. Sasabihan ko sila na hatiran ka ng pagkain," ani nito bago kinalas ang yakap sa kanya.



"I will wait..." for your return, dagdag niya ang huling mga salita sa kanyang utak. Gusto niyang magsabay sila ni Elias kumain. Kaya lang masyado na iyong malaking request, knowing he's a very busy person. Lalo na sa sitwastong nagsimulang kumulo ngayon.



The Sandiegos are on the move to search for her. Naapektuhan na nga ang mga nagtatarabaho sa palengke dahil puro tauhan ng mga Sandiego ang nakapaligid doon.


The tension is rising every passing minute. Iyon ang narinig niya mula sa kausap ni Elias kanina sa cellphone. Iyon din qng dahilan kung bakit nagmamadali si Elias na umalis.



"I will go down later," bawi niya kaagad. Ayaw niyang maging pabigat kay Elias, gayong nakikitira lang din naman siya sa bahay nito.



"Kumain ka ng dinner. Magtatanong ako kapag nakakain ka na ba." Seryoso ang boses nito at tila naging banta pa iyon para sa kanya.



She just smiled. And he closed the door.


Medyo madilim na sa labas. Malamig ang hangin kanina na pumasok sa kuwarto pero mas lumamig pa ngayon.



Bumaba siya ng kama upang isara ang pinto sa terrace. Mabilis niyang ginawa iyon para hindi siya malula sa taas ng kinalalagyan niya. Mas lalong lumalim pa nga ngayon dahil paggabi na. Dumilim ang sapa na kanina lang pagkagising ay tanaw pa niya.


Tanging ang musika lang ng agos ang kanyang narinig mula sa kung saan siya nakatayo. She closed the glass door. Imayos na din niya ang manipis na telang huminto sa pagsasayaw dahil wala ng hangin.



Gusto niyang bumalik sa kama at hintayin si Elias. Kaya lang nakaramdam siya ng gutom. Nagdadakawang isip siyang bumaba o maghintay kung kelan may maghahatid sa kanya ng pagkain. Pero iniisip niyang maging pabigat lang siya kung iyong huli ang kanyang gagawin.


Hindi siya bisita. Isa siyang refugee sa mga de Silva.


Winter sighed. Naglakad siya papuntang pintuan at pinihit ang siradura.


As expected, it wasn't locked. Dahan-dahan niya iyong hinila. Animo'y takot siyang makagawa ng ingay at magising ang kung sino mang hindi dapat gisingin.


Hindi siya sigurado kung may pagkain ng naihanda ang mga kasambahay nina Elias, okay lang naman iyon sa kanya kung tira lang na pagkain ang kanyang kakainin. Hindi pwedeng maarte siya sa bahay ng ibang tao.


Paunti-unti ang ginawa niyang hakbang pababa sa hagdan. Kahit wala siyang nakikitang tao sa paligid tingin niya meron at naghihintay langsa kung kailan siya magkakamali. Siguro dahil ito din ang pakiramdam niya tuwing nasa mansyon siya ng mga Sandiego. Nadala niya ang pakiramdam na iyon hanggang ngayon.


Malaki ang bahay nina Elias. Kasinglaki ng mansyon ng mga Sandiego. Ang kaibahan lang ay sobrang simple ng mga gamit na nakapaligid sa loob ng bahay ng mga de Silva. Hindi katulad ng sa Sandiego na halos gawa sa ginto lahat ng gamit.


This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon