10

179 9 29
                                    

10

Panay ang ngiti ng Mama ni Rafael ngayon habang nakatingin sa kanya. Akala niya magagalit ito sa kanya katulad ng dalawang guwardiya kanina. Ngunit hindi. Inimbitahan pa nga siya nitong mag-appply sa kanila.

Dapat daw na iwan nalang niya ang trabaho sa mga Sandiego. Dahil bukod daw sa masama ang ugali ng Donya, pinagtatrabaho naman siya sa day off niya.

Mqy posisyon daw sila sa kompanya na tumatanggap ng katulad niyang high school graduate lang. At kung magaling magtrabaho ay baka maipasok pa siya sa scholarship program.


Oportunidad iyon na minsan lang dumating. Gusto niya pero kailangan pa niyang ipaalam sa Donya ang balak niyang pag-alis sa kanilang mansyon.


Ang tanong, kung papayag ba ang Donya na wala siyang ipalit sa pwestong iiwan niya? At kapag malaman nito na sa mga de Silva siya lilipat, magagalit ito sa kanya ng sobra.


Takot na siyang mapagalitan. Takot na siyang mapahiya.


"Subukan mo lang, hija. Iyong mga managers muna ang magi-interview sa mga aplikante. Kapag nakapasa naman sa kanila kami na ni Rafael ang magi-interview. At paniguradong kuha ka na."

Nakakaakit ang alok ng ginang.


Gusto niya talagang mag-aral ng kolehiyo. Gusto niya ng magandang trabaho dahil kapag magkapamilya na siya, ayaw niyang maghirap sila.


Hindi niya matutupad ang pangarap na iyon kung mananatili lang siya sa poder ng mga Sandiego. Taga silbi ng pagkain, taga luto tuwing abala si Aling Nelia at taga laba ng mga damit ng batang amo.


Unti-unti siyang tumango. Siguro nga ito na ang panahon para ipagpatuloy ang hinintong pangarap.


Pumalakpak ang ginang. Si Rafael naman ay ngumiti lang.




Binigyan si Melissa ng bio-data para fill-upan niya. Iyon daw ang ibibigay niya sa magi-interview.

Buo ang loob ni Melissa mag-apply. Pero dahil sa mga tingin ng tao sa kanya ay unti-unting kumupas ang tapang niya.


Bawat galit na tingin ng mga tao ay may sinasampal sa kanya na hindi siya dapat nandoon, na ang kapal ng mukha niyang tumuntong sa lugar ng mga de Silva.

Napayuko nalang siya buong oras na paghihintay kung kailan siya i-interview-hin. At nang oras na nga niya, pinagtaasan siya ng kilay ng babaeng manager. Binasa nito ang finill-up-an niyang bio-data kanina.

"Sandiego, huh?" may pang-uuyam sa boses nito.


Hindi talaga niya maintindihan kung bakit pati sa mga tauhan ng mga Sandiego ay abot ang galit ng mga tao.

Hindi ba pwedeng nagtrabaho lang siya sa mga Sandiego dahil wala siyang mapuntahan noon? Na ang mga Sandiego ang sumalba sa kanya para hindi mabuhay sa gilid ng kalsada.


Trabaho lang ang ugnayan niya sa mga Sandiego at wala nang iba. Ni walang isang patak na dugo ang nanalatay sa kanyang mga ugat. Hindi siya isang Sandiego kundi isa lang katulong.

"Bakit ka aalis sa mga Sandiego?"


"Gusto po kasing-"


"Kasi nahulog mo sa patibong ang isang de Silva?"


Ano daw?


"Tingin mo dahil kasama mo si Rafael ay tatanggapin ka na namin ngayon? Ni hindi ka nakatuntong ng college. High shool lang. Halatang walang alam."


This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon