6
Kung awa man ang ibinigay na tingin ni Aling Nelia kay Melissa ay hindi niya ito pinansin. Hindi siya makapaniwalang nagawa siya nitong akusahan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Hindi man lumabas sa bibig nito mismo ang mga salita pero nandoon sa mga mata ang pag-aakusa, bakas din iyon sa boses nito kanina.
Nagsasabi nga ito ng totoo pero bakit kailangan pang sabihin nito iyon na tila sigurado ito siya ang nagsabotahe? Wala siyang ginawa. Wala siyang nilagay doon na magpapaiba ng lasa.
Pinahid ni Melissa ang luhang lumandas sa kanyang pisngi bago pa iyon pumatak sa hinahalo niyang sauce. Gumawa siya ng panibago. Mabuti nalang at meron pang natitirang gamit para sa paggawa non.
Hindi niya pinapansin si Aling Nelia sa likod niya. Wala naman itong maitutulong sa kanya. Baka nga aakusahan pa siya nito sa mga bagay na hindi niya ginawa ulit.
Isang singhot ang ginawa ni Melissa bago pinahid ulit ang lumandas na luha sa pisngi. Sinigurado niya sa araw na iyon, pagkagising palang, titingnan niya bawat kilos niya sa trabaho para hindi pumalpak. Hindi inaasahan na mangyayari ito ngayon.
Maingat at buo ang atensyon ni Melissa sa ginagawang paglagay ng mga sangkap. Ang sumasakit na pisngi ay hindi muna niya pinansin. Mamaya na niya iyon lalagyan ng cold compress pagkatapos.
"Melissa..." boses ni Aling Nelia ang narinig ni Melissa. Hindi niya ito nilingon pero may galang pa din siyang sumagot dito. Nagbabakasakaling makonsensya ito sa ginawa.
"Po?"
Pero sino ang niloloko niya? Requirement yata sa mansyon na iyon na walang konsensya lahat ng taong nandoon sa loob.
"Bilisan mo d'yan. Pagkabalik ng Donya at hindi ka pa tapos sesante ka na talaga."
Gustong matawa ni Melissa ng hilaw. Ganon pala dapat ugali nila? Walang pakialamanan. Kanya-kanyang ligtas ng sarili kapag may unos. Hugas kamay agad basta makalusot sa sa gusot.
Kinagat ni Melissa ang ibabang labi. Tumalim ang tingin sa niluluto. Kung ganon pala sana ay sinabi na ng mga ito kaagad. Sana hindi s'ya nasa tabi lang at hindi nagsasalita.
Pwes! Mabilis siyang matuto. Makikita nila.
Ang luha ni Melissa ay umurong na sa pagdaloy sa pisngi. Talim at umiigting ang kanyang mga panga na tinapos ang niluluto.
Nagawa niya pang taasan ng kilay si Aling Nelia nang makita niya itong prenteng nakaupo. Pinapanood yata siya kung kelan siya papalpak.
Inilapag ni Melissa ang ginawang sauce sa mesa. Tila isang asong hindi pinapakain ng isang buwan si Aling Nelia na kumuha ng kutsara para tikman ang ginawa niya. Ni hindi ito nagpaalam.
Kung may kutsilyo lang na lumalabas sa mga matatalim na tingin ni Melissa ay kanina pa iyon nakatarak sa dibdib ni Aling Nelia. Kanina pa ito bulagta sa sahig at kanina pa sana ito isang malamig na bangkay.
Hindi nakita ni Melissa kung ano ang itsura ni Aling Nelia pagkatikim sa luto niya. Wala siyang pakialam sa gusto nitong sabihin. Tanging ang opinyon lang ng Donya ang gusto niyang marinig.
Wala na din siyang pakialam kung aprobado ba dito ang timpla niya. Kung hindi nito iyon magugustuhan. Bahala na. Kung sesante siya. Bahala na. May kaunting naipon naman siya sa sweldo. Gagamitin niya iyon para humanap ng bagong trabaho. Baka maipagpaliban nalang ulit niya ang balak na pag-aaral.
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...