11

164 9 23
                                    

11


Sa kung anong kadahilanan na hindi mawari ni Melissa para siyang pinagkaisahan ng langit at ng panahon. Isang linggo siyang naghinatay sa tawag mula sa mga de Silva pero walang dumating.

Kinaumagahan din pagkatapos ng may nangyari sa kanila ni Luis ay umalis ito. Bumalik sa lungsod ng Manila para daw muling subukan ang babaeng pakakasalan.

Pinunit ang kanyang puso dahil doon. Umiyak siya ng palihim. Ang terasa kung saan niya unang binigay ang sarili sa Senyorito ay naging sandalan niya.


Wala ang Donya at ang Senyor, sumama sa nag-iisang anak para suyuin ang babaeng pakakasalan ng Senyorito. Hindi siya makahingi ng permisong aalis na siya sa trabaho.

Gustong-gusto na niyang umalis, at magsimulang ulit. Kasi bawat araw na dumaan ay naalala niya ang nagyayari sa kanila ng Senyorito. Naalala niya ang mga salitang binitawan nito bago umalis.

Naghintay siya kung kailan babalik ang Donya. Naghintay siya ng isang linggo pero hindi umuwi ang mga Sandiego. Dalawang linggo ang lumipas, wala padin ang mga ito. Naging tatlo... hanggang sa naging isang buwan ay wala pa rin ang mga ito.


At sa loob ng isang buwan na iyon ay wala din siyang natanggap na tawag mula sa mga de Silva. Nasisiguro siyang hindi siya natanggap sa trabahong inapplyan. Sa dinami-dami ba naman ng nag-aaply at mas higit pa sa kanya ang iba.

Pero hindi iyon naging hadlang upang magbago ang isip niya na umalis sa mga Sandiego. Hindi man siya tanggap sa mga de Silva, siguro naman ay may trabaho pa siyang mapapasukan. May karanasan na siya sa pagtatrabaho, okay lang sa kanya kung katulong pa rin ang trabaho na pwede.

Magdadalawang buwan na mula nang lumuwas ang mga Sandiego sa Manila at hindi pa rin umuwi. Matiyaga si Melissa na ang hintay. At habang padagdag ng padagdag ang araw ay nakaramdam siya ng panghihina.

Hindi niya alam kung dahil ba iyon na kaunti nalang ang gawain nila sa mansyon, nasanay kasi siyang maraming trabaho sa kusina. O dahil magdadalawang buwan nang hindi niya nakita ang Senyorito.


Sa nakalipas na mga araw ay hinahanap niya si Luis. Gusto niya itong makita. Gusto niya itong maamoy. At upang matugunan ang kagustuhan niyang iyon ay pasimple siyang pumuslit sa sala ng mga Sandiego.

Hanggang sa mga larawan lang ng Senyorito niya makakamit ang gusto. Gusto niyang magtagal sa paninitig ng mga larawan ng Senyorito kaya lang kapag narinig na niya ang boses n Cecil na paparating ay kaagad na siyang umalis.


Medyo nagtaka si Melissa kung bakit siya ganon. Noon ay kaya niyang itago ang naramdaman niya para kay Luis. Kaya niyang itago ang lihim niyang pagmamahal para dito...


Ngayon, iba na. Hinahanap na niya ito. Minsan ay nahihilo siya kapag pupunta siyang sala at naroon si Cecil, at hindi niya masulyapan ang mukha ng Senyorito kahit sa mga larawan lang nito.


Nagsimula na siyang kabahan ng tatlong araw na siyang nasusuka tuwing umaga o tuwing may naamoy siyang hindi maganda. Hindi naman siya ganon kaselan noon...

Noong wala pang nangyari sa kanila ng Senyorito.


Ang kaba ni Melissa ay tumindi habang lumala ang kanyang kondisyon. Tatlong beses siyang nasusuka sa isang araw, hindi siya nadatnan ng buwanang dalaw. At para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya sina Cecil at Jessa na nag-uusap.


"Bumili ako ng pregnancy test noong nagday off ako. Sinubukan ko lang baka nabuntis ako ng jowa ko."



"O, tapos? Buntis ka ba?"


This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon