17

120 6 1
                                    

"Hindi ko kailangan ng tulong," ani nito pagkatapos nitong ilagay ang mga pandesal sa loob ng sasakyan.


Isinara nito ang pinto at hinarap siya.



"Why?" She asked.



"Nakaayos na lahat."



Iyon lang ang sagot nito bago pumasok sa kotse at pinaharurot. Usok ng sasakyan nito ang naiwan sa kanya.



She doesn't understand why he's rude. Wala naman siyang ginawang masama dito. In fact, nag-offer pa nga siyang tumulong diba?



Or he's just rude to all people he met?



Hindi nalang niya iyon masyadong inisip. Gaya ng ginawa niya sa iba niyang problema, pilit niya iyong tinakpan ng panibagong bagay.



Hindi naman problema sa kanya ang ugali ng lalaki, sadyang naiinis lang siya sa mga asta nito minsan.



"Ano daw sabi ni Sir Elias, Ma'am?" Tanong sa kanya ni Jella pagkabalik niya sa loob ng bakeshop.



Isang hilaw lang na ngiti ang kanyang naisagot. At alam na nito kaagad kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.



"Sabi ko na nga ba, Ma'am. Sandiego  po kasi kayo."



"Ano naman kung Sandiego ako?" At ilang beses ba niyang ulitin na hindi siya isang Sandiego?



"Ayaw lang siguro ni Sir Elias ng gulo. Alam mo na ang Donya sobrang galit sa pamilya de Silva."



Okay, she understand. Gustuhin man niya o hindi damay talaga siya.



Tumango siya kay Jella. Ibinalik niya ang flyer na binigay nito sa kanya kanina. Hindi na niya kailangan iyon. De Silva's doesn't want her help. Sino ba siya para magpumilit.



According to Jella, the de Silva's are rich, famous and a pillar family of San Pablos. Kagaya ng mga Sandiego. And the help she offered won't matter.



THE next day, hindi na siya pumunta sa bakeshop muna. Pagkatapos niya sa trabaho ay tinungo niya ang palengke na naririnig niya mula sa employees ng kanyang Papa.



Masarap daw ang pagkain doon. Nagbabalak yata silang magtipon-tipon sa isang sikat na tindahan doon, ayon sa kanyang narinig.



At dahil gusto din niyang iwasan muna ang pagkikita niya kay Elias, sa palengke na muna siya kakain. Noon pa alam niyang may malaking palengke sa bayan kaya lang hindi pa siya nakapunta doon.



Now, it's her time to visit that market. Wala siyang sasakyan dahil ang lumang kotse na bigay sa kanya ng Papa ay nandoon sa mansyon. At hindi siya makakapasok sa mansyon hangga't hindi pa nakauwi ang papa niya.



At dahil wala siyang sasakyan at medyo may kalayuan ang palengke, hindi pwedeng lakarin. Magt-tricycle nalang siya.



Nahihiya din naman siyang magtanong sa mga empleyado. She wanted to join them, pero baka maspoil pa niya ang kasiyahan nila. Baka maawkwardan sila sa kanya.



Sanay naman siyang mag-isa tuwing umuuwi siya ng Pilipinas, kaya na niyang mag-isa papuntang palengke. What could go wrong, right?



It's her first time riding a tricycle. Tiningnan niya ang ilang pasahero na nag-aabang din no'n. May pumara kahit may sakay na ang tricylce, huminto naman ang sasakyan sa tapat ng pumara.



She copied that man. Itinaas din niya ang kamay nang may maispatang tricycle na papalapit. But to her dismay nilagpasan lang siya nito.



Napatingin tuloy ang mga nandoon sa kanya. Kadalasan sa mga nandoon ay mga empleyado ng kanyang Papa. Maliit siyang napangiti.



This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon