25
Tameme siya pagkatapos sabihin ni Elias ang huling sinabi bago nito buksan ang pinto. Wala siyang naging sagot doon. And to tell you honestly, her heart skipped a beat upon hearing that. Parang nagpyesta ang loob ng kanyang katawan.
Pero dapat hindi niya muna iyon bigyang pansin. A much more important thing needed her attention.
Tiningnan niya ang likod ni Elias, hawak siya nito sa isang kamay habang nauuna ito sa paglalakad. Nakita niya na ang loob ng bahay pero wala siyang katiting na idea kung nasaan sila.
The house was big but cozy. It feels home kahit unang beses pa lang niyang nakita. Or perhaps it's because of things inside the house were simple, kaya ganon ang pakiramdam niya.
May nakita si Winter na mga kasambahay na napapatingin sa kanya. Napapayuko ang mga ito tuwing sinusuklian niya ng talim na tingin.
Hawak ni Elias ang kanyang kanang kamay habang marahan siya nitong hinila papunta sa kung saan. Somehow, her fear earlier vanished from her system. Though, she still wants to leave the place.
May kailangan pa siyang gawin. At kailangan na rin niyang umalis.
Huminto si Elias sa isang malaking pinto. Nasa likod lang siya nito at naghihintay sa kung ano ang gagawin.
She wanted to think that it's another prison room for her. Pero bago pa niya maisip iyon ay binuksan ni Elias ang pinto.
There she was greeted by two familiar faces. Una, si Rafael de Silva. Hindi na siya magtaka kung nandoon ito. Tingin niya bahay ng mga de Silva siya dinala ni Elias.
Pangalawa, nagulat siya nang makita ang pinagkakatiwalaang driver ng kanyang Papa. Si Kuya Dominic.
Tiningnan niya si Elias. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil nasa likod siya nito pero, tiningnan niya ito na may maraming tanong na nakarehistro sa kanyang mukha.
Was he telling her the truth? Si Kuya Dominic ba ang tinutukoy nito kanina?
If it was Kuya Dominic then probably Elias was telling the truth. Si Kuya Dominic ang driver ng kanyang Papa noon pa. Probably he knew things that she didn't know.
"Is she okay, Elias?" Ang Papa ni Elias iyong nagsalita. Bumaling siya dito.
May pag-alala sa mukha nito habang nakatingin din sa kanya. Napayuko siya. Hindi niya kayang salubongin ang titig nito.
Hindi niya alam kung bakit pero nahihiya siya. Kahit wala naman siyang kasalanan dito.
"I told you it was not a good plan. She will hate you," dagdag nito.
"Ma'am Winter!" Pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
Nagtaas siya ng mukha upang tingnan ang Kuya Dominic. May pag-alinlangan sa mukha nito pero nababasa din niya na masaya ito nang makita siya.
A small smile from her lips appeared.
It's a good thing that someone, she consider as a friend, is here. Knowing that he might be looking for her welfare.
Kailanman ay hindi niya maalalang naging malupit sa kanya ang matandang driver ng kanyang Papa. Lagi itong may ngiti sa labi tuwing nakikita siya nito.
Tuluyan siyang hinila ni Elias palapit sa grupo. Pinaghila siya nito ng upuang katabi ni Kuya Dominic. Pagkaupo niya ay naupo na rin si Elias sa katabing upuan.
She's sitting on his left side while his father is sitting on his right. Ramdam niya ang tinging ni Rafael de Silva na nakatutok sa kanya. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. Instead, he turn her gaze to her left.
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...