8

153 8 1
                                    

8

Hindi maitago ni Melissa ang kasiyahan sa mukha sa araw na iyon. Iyon kasi ang araw na pagbabalik ng Senyorito Luis galing Manila. Pero hindi rin niya maiwasang hindi kabahan at makaramdam ng sakit. May malaking tyansa kasi na sa pagbalik ng Senyorito ay kasama na nito si Jewel.

Pilit niyang inignora ang katotohanang iyon. Ipinukos niya ang isip na sa araw na iyon ay makikita niya ang Senyorito ulit. At kung palarin man na mapag-isa silang dalawa ay sasabihin niya dito ang naramdaman niya at ang gabing pinagsaluhan nila.

Mula sa pagdidilig ng mga halaman sa munting hardin na gawa niya ay tumigil si Melissa nang marinig ang tawag ng kanyang pangalan mula sa Donya. Binaba niya ang pandilig na gawa sa lata. Pinahid nya ang basang kamay sa kanyang itim na apron na nakayakap sa kanyang beywang.

Lumapit siya sa Donya na may hawak na pera sa kanang kamay. Nakahalukipkip ito.

"Bakit po?" Magalang niyang tanong. Inabot nito ang perang hawak.

"Pumunta ka sa palengke. Mamalengke ka doon ng mga gulay na paborito ng Senyorito ninyo."

Tinanggap ni Melissa ang pera. Nilingon niya si Aling Nelia mula sa kusina. Nagbabakasakaling silang dalawa ang pupunta sa palengke. Ngunit abala ito doon.

Hindi nalang nagtanong si Melissa tungkol doon. Kinuha niya ang malaking bayong pagkaalis ng Donya. Hindi na siya nagpaalam kay Aling Nelia. Simula kasi noong gabing nilaglag siya nito ay hindi sila nag-uusap. At kung nag-uusap man ay tungkol lang iyon sa mga pagkain na niluluto nila sa kusina.

Halos hindi na niya nagagamit ang kanyang bibig. Wala na siyang kasundo sa mansyon na iyon. Galit si Cecil at Jessa sa kanya. Ayaw din niyang makikipag-usap kay Aling Nelia. Naibubuka lang niya ang bibig kapag may nagtatanong at kailangan niyang sumagot.

Kumaway si Melissa sa guard nang makalabas siya ng gate. Bumaba siya patungong kalsada para makasakay ng tricycle patungong palengke.

Agad lumapit si Melissa sa tindahan na suki nila Aling Nelia. Hindi na niya kailangan sabihin dito kung ano ang bibilhin niya dahil alam naman ng tindera kung ano ang kadalasan nilang binibili. Dinagdagan lang niya iyon ng strawberry nang makitang meron sila no'n. Bihira lang kasi iyon sa kanilang lugar at mabilis pang maubos. Mabuti nalang at may naabutan pa siyang dalawang kilo non. Paborito iyon ng Senyor.

Malaki ang kanyang ngiti na pinasok lahat ng binili sa bayong na dala. Sigurado siyang matutuwa ang Donya kapag nakita nito ang prutas na binili niya para sa asawa nito.

Nag-abang na si Melissa ng tricycle nang marinig niya ang usapan sa palengke. Kanina pa niya narinig ang pinag-uusapan ng mga tindera kanina pagkababa niya sa tricycle, hindi nga lang niya pinansin. At ngayon naghihintay na siya ng masasakyan ay malinaw na niyang narinig ang usapan nila.

"Dumating daw kagabi ang tagapagmana ng mga de Silva," sabi no'ng Ale na nagtitinda ng isda. Kausap nito ang isa pang Ale na nagtitinda ng mga pampalasa.

"Talaga? Baka naghahanap ulit sila ng mga trabahador para sa kanilang negosyo. Sasabihan ko kaagad ang anak ko mamaya para makapasok iyon."

"Kukulo naman ang dugo ng mga Sandiego n'yan."

Medyo matagal na din si Melissa nagtatrabaho sa mga Sandiego. At hindi niya maiwasang hindi malaman na ayaw ng Donya sa mga de Silva, iyong may-ari sa malaking bahay na tanaw mula sa mansyon ng mga ito.

Minsan narinig na din niya habang nilalapag niya ang gatas ng Donya sa library, kausap nito ang asawa, kung gaano nito kinamuhian ang pamilyang iyon. Ang usapan sa mga katulong ay dahil daw iyon sa negosyo. Ang usapan naman sa palengke ay dahil daw iyon sa dating pag-ibig meron ang Donya sa haligi ng tahanan ng mga de Silva. Hindi daw kayang suklian ng de Silva ang pag-ibig ng Donya kaya ganon nalang ang galit nito.

This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon