3
Simula nong hapong iyon ay hindi makatingin ng deritso si Melissa sa Senyorito Luis nang hindi tumitibok ang puso ng pagkalakas-lakas. Kahit malayo ang distansya niya dito ay parang baliw pa rin ang puso niya.
Minsan sinasadya ni Melissa na pumunta sa garden sa harapan ng mansyon para lang masilayan ang Senyorito na tumatambay sa malawak na swimming pool. Umaakto naman siya kaagad na nangunguha ng bagong sibol na halaman para itanim sa inaayos na garden sa likod ng mansyon kapag napapatingin sa kanya ang batang Sandiego.
Sa edad na desi-otso alam niya kung bakit ganon na lang ang tibok ng puso. Kahit maaga pa lang ay alam niyang nahuhulog na siya sa batang amo. Hindi magtatagal ay mamahalin na niya ito kung hindi niya pipigilan ang sarili. At mahirap magpigil kung siya mismo ang naghahanap ng paraan upang masilayan ito.
Isang buwan ng nanatili ang Senyorito sa mansyon ng mga Sandiego, ganon lagi ang naiisip ni Melissa upang masilayan ito. Hindi na nasundan ang pakikipaglapit ng Senyorito sa kanya. At kapag napadaan o pumupunta naman ito sa kusina ay tanging si Aling Nelia lang ang kinakausap nito.
Bumabati naman siya ngunit nakayuko lang ang kanyang ulo. Ayaw na niyang madagdagan ang kaba na nasa dibdib.
Sa isip ni Melissa hanggang doon lang ang pwede niyang gawin sa paghanga ng kanilang Senyorito. Sobrang imposible ang gusto niyang mangyari... ang hangaan din siya nito pabalik.
Kontento naman siya mula sa pagtingin nito sa malayo. Tanggap naman niya na sobrang imposible. Una, mayaman ito at mahirap siya. Mahirap, dahil wala siyang pera, walang magulang at kung wala ang trabaho niya sa mga Sandiego, siguradong nasa kalsada na siya naninirahan ngayon. Pangalawa, siya lang ang umiibig dito. Ni hindi nga siya matingnan ng Senyorito Luis kapag nasa tabi niya ito, para pagsilbihan ang pamilya nito tuwing kumakain sa hapag nila. Isa lamang siyang katulong na umibig sa isang taong mahirap abutin at kahit kailan hindi niya maabot. Pangatlo, sabihin na natin na mahuhulog sa kanya ang Senyorito Luis, na sobrang imposible. Puputi muna ang uwak bago iyon mangyari. Ang mga magulang naman ang kakaharapin ni Melissa. Hindi nila tatanggapin na isang hamak na katulong lang nila ang magugustuhan ng nag-iisang tagapagmana ng mga Sandiego.
Sa huli, si Melissa lang din ang kawawa. Sarili nalang niya ang meron siya. Walang tatanggap sa kanya ni isa kapag nasasaktan siya. Hindi niya alam kung saan pupulutin ang sarili kapag ganon.
Kaya minabuti nalang niyang humanga sa kauna-unahang lalaki na nagpatibok sa puso niya mula sa malayo. Iyon lang naman ang kaya niya at iyon lang din ang dapat niyang gawin.
ISANG araw, habang nakatayo si Melissa sa likod ng Donya, sa hapag ng mga Sandiego, hinihintay kung may gusto itong i-utos. Si Aling Nelia naman ay nasa likod ng Senyor. Hindi niya maiwasang marinig ang pinag-usapan ng pamilya.
"The party should be held this end of month but since they will arrive next week. I will move it. Earlier than the date planned. It will also be our welcome party for them," wika ng Donya. Isang maliit na ingay ang narinig ni Melissa nang marahang binitiwan ng Donya ang kutsara at tinidor nitong hawak. Hinintay kung ano ang isasagot mula sa asawa at anak.
"If that's what you think is the best, hon," sagot ng Senyor.
"Luis Emmanuel?" Baling ng Donya sa anak.
Binitiwan din ng Senyorito Luis ang kubyertos. Humarap sa ina.
"Mom, do what you want. We can't change your plan even if we're not in favor of it."
BINABASA MO ANG
This Can't be Fate [COMPLETED]
RomanceAng akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nas...