28

138 7 21
                                    

28

ELIAS RAFAEL de SILVA

May mga bagay na tingin mo hindi importante pero kalaunan sobrang laki pala ng halaga sa'yo. Mga bagay na akala mo wala lang...


Umiling si Elias habang pinakinggan ang sinabi ni Mang Dominic, tinuruan siya nito kung paano ayusin ang sirang sasakyan. Kanina pa sila sa garahe ng bahay at kanina pa rin itong nagkukwento tungkol sa batang babae na kilala daw nito. Na bagay daw sa kanya.



Napailing ulit siya sa hindi mabilang na beses. Hindi naman siya nakikinig dito kung hindi tungkol sa sasakyan ang sinasabi nito.  Kaya lang sa ilang taon na itong pabisita-bisita sa kanilang bahay at halos iyon lagi ang bukambibig nito, tumatak iyon sa kanyang isip kahit ayaw niya.



Nagtatrabaho ito bilang driver sa mga Sandiego. Ayon dito mabait naman daw ang mga amo kaya lang maselan minsan.




At kung nagtatanong kayo kung bakit ito  laging bumibisita sa bahay kahit naman hindi ito nagtatrabaho sa kanyang Papa, simple lang ang sagot. Hindi dahil tinuturuan siya nitong magkumpuni ng sasakyan, siguro isang dahilan din iyon. Pero ang totoo talaga nililigawan nito si Nay Marta. Matagal na din. Hinayaan lang ni Papa para na rin daw hindi tatandang dalaga ang paborito nitong cook. Para daw maipasa nito sa mga magiging anak ang talento nito sa kusina.



"Aalis na si Winter mamaya, Elias. Ihahatid ko sa airport. Sayang hindi na kayo magkikita nong batang iyon."



Pumasok iyon sa kanang tenga ni Elias ngunit kaagad ding lumabas sa kabila bago pa iyon makarating sa kanyang utak. Wala siyang pakialam sa mga babae. Ang tanging babae lang sa buhay niya ay ang kanyang Mama, wala ng iba.




"Gustong-gusto kumain ng cake pero walang pera. Ayaw naman daw manghingi kay Senyorito baka mapagalitan ng Donya. Kaya ayon, binilhan ko nalang muna ng mamon. Pag-uwi ko mamaya subukan kung tingnan kung may cake ba sa bakery."


***

"Birthday ni Winter ngayon, Elias. Umalis ang Senyorito kaya walang kasama ang bata. Hindi muna ako magtatagal dito para may kasama si Winter. Maiintindihan naman siguro ni Marta."



Patuloy siya sa trabaho nang hindi pinapansin si Mang Dominic. Wala siyang pakialam sa buhay ng batang iyon. Hindi niya problema kung mag-isa ito  sa kaarawan nito.


Pagkatapos niyang paliguan ang sasakyan ng kanyang Papa, dumiretso na siya sa kanyang kuwarto para gawin ang assignment niya. Kailangan din niyang mag-aral dahil may exam pa siya bukas.



Pagpasok niya sa bahay ay nakasalubong niya si Mang Dominic na may dalang maliit na box. Napakunot ang kanyang noo. Lalo pa't narinig niyang nagsalita ang ina.


"Sana masarapan si Winter, Kuya Dominic. Hindi ako sigurado masarap ba dahil pangalawang beses pa ako nakagawa ng cake."




This Can't be Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon