Unknown XXIX

109 5 0
                                    

River's POV.

Mabilis ang nangyari at naramdaman ko na lang ang sakit ng aking katawan dahil sa pag tama nito sa puno.

Nakakairita na ito padalwang beses na kong humahampas sa puno.

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagsalpok sa puno at agad na hinanap kung sinong pangahas ang gumawa niyon sa akin.

Agad ko namang nakita ang isang babae na parang may tama na sa utak dahil patuloy lang ito sa pag halakhak na parang ikinapanalo nya ang nangyari.

"Ang lakas ng loob mo na kalabanin ako pero isang kumpas ko lang ng kamay ay tumalsik ka na agad WAHAHA" napaangil ako dahil sa aking narinig.

Ang lakas ng loob nito para ipagyabang ang bagay na iyon, sa tingin nya ba ay ganun nya lang ako kadali matatalo...

Pero agad din akong napaisip sa sinabi nyang pagkumpas ng kamay.

Siguradong isa itong lobo dahil sa amoy nito pero bakit may kakaayahan itong ganoon...

Napatingin ulit ako sa babaeng may kakaibang kakayahan saka inalala ang sinabi ng witch na pinuntahan namin noon na si Krista...

*flashback

Nagtitingin tingin ako sa bahay ng witch na binalikan namin dahil na rin sa sinabi nya nung unang punta ko dito at para iyon sa aking paghahandaang isang malaking pangyayari sakin at yun ay ang pagiging tuluyang full Lycan ko.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na hindi ako isang werewolf kundi isang Lycan na kinakatakutan ng halos lahat ng nilalang.

"Nandito ka pala..." Agad akong napalingon sa aking likod dahil sa gulat ng biglang may bumulong sa akin.

Nakita ko naman si Aradia na humahagikgik dahil sa ginawa nyang kalokohan.

Napakunot na lang ang noo ko kesa may isipin pa ko at mabasa pa nya iyon.

"Wag ka ngang manggulat" nakangibit kong sabi dito dahil patuloy lang ito sa paghagikgik.

"Nakakatuwa kasi kapag nakikita kong nagugulat ka ahihihi" sabi nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nito saka ulit tumingin sa isang painting pinaka kakaiba sa mga nakasabit dito.

"Alam mo bang may istorya ang painting na iyan... ahihihi" nakuha nito ang aking aking atensyon.

"At ano naman iyon?" tanong ko rito.

"Tungkol yan sa mga nilalang na nilalom ng itim na mahika..."

"Itim na mahika?"

"May iba't ibang mga kakaibang bagay na hindi alam ng lahat at kasama doon ang itim na mahika na hindi pinapayagan mapasakamay ng kahit sino mang nilalang dahil kapag napasakamay nila ang itim na mahika ahihihi" tumigin ito sakin saka pinagpatuloy ang sinsabi "... lalamunin sila nito..." bumaling muli ito sa painiting habang bumubungisngis.

"Ang itim na mahika ay ang mahikang naglalabas ng matinding kagustuhan ng isang nilalang at ginagamit iyon para makontrol ang pag iisip at katawan ng nilalang na iyon..."

"Pano iyon mawawala"

"May paaran, yun ay ang mapatigil mo ang tibok ng puso nito magiging dahilan iyon para manghina ang katawan at isipin ng itim na mahika na patay na ito. Pero wala pang nababalitaan na may nakapagpatigil ng tibok ng puso ng isang nilalang."

"Pero maliban sa paraan na iyon ayan" Bumaling ito sakin saka nagsalita.

"Ang maari maging solusyon ay.... Kamatayan..."

*End of Flashback

"Nababaliw ka na talaga Myra hindi na tama ang mga ginagawa mo!!" nawala lang ako sa aking iniisip ng marinig ko ang sigaw ng dating Alpha na si sir Hendrick.

Siguro ay ito nga iyon ang sinabi ng witch na itim na mahika...

Napatuon ang aking tingin sa batok nitong parang may itim.

Mahirap iyong makita at mapansin dahil sa buhok nito pero dahil lumalakas ang hangin na dahilan para tumaas ang buhok nito ay nakikita ko iyon. Hindi ko alam kung matagal na ba iyon sa babaeng nagngangalang Myra o bago lamang nasasakop ng itim na mahika ang katawan nito. Hindi iyon naikwento sa akin ni Krista kung gaano malalaman ang klase at level ng itim na mahika na meron ng nasasakop noon.

Nakita kong ginalaw nya ang kanang kamay nya saka iyon itinaas na parang merong hawak at kasabay nung ang pag hawak ni sir Hendrick sa leeg nya na parang may nakahawak doon.

Tumingin ulit ako kay Myra saka tumuon ang tingin sa likod nito at nakita kong parang gumagalaw ang itim sa batok nito at habang patagal ng patagal ay parang lumalaki ito.

Kung tama ang aking naalala ay dalawa lang ang paraan ang patigil ang pagtibok ng puso nito at kamatayan nito.

May alam akong paraan para mapatigil ang tibok ng puso ng isang nilalang dahil nagawa ko na iyon pero sa isang ordinaryong aso lang iyon, isang mahinang nilalang pero ito lang ang maaaring paraan dahil mapapatay at mapapatay pa rin ito ng mga taga nightstorm kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Mabilis pero tahimik akong kumilos.

Dahil alam ko na wala sakin ang atensyon ng iba ay agad akong tumalon sa mga sanga ng punong natamaan ko ng ako ay tumilapon.

Mabilis lang akong nakarating sa taas ng puno na madaming dahon para doon magmasid.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang puno na malapit lang sa kinaroroonan ko saka doon tumalon. Ganun ang ginawa ko hanggang sa makalapit ako malapit sa pwesto ni Myra humanap ako ng tyempo kung saan hindi kaagad ako nito mapapansin.

Ng makita kong nasa iba na ang atensyon ni Myra at dun ko na isinagawa ang aking plano. Kahit walang kasiguraduhan ay gagawin ko pa rin ito.

Agad akong bumwelo saka tumalon mula sa pwesto kong mataas. Paraan ito para mas malakas ang impact ng pagbagsak ko at pag mas malakas ay magiging dahilan para panandaliang mapatigil ang pagtibok ng puso ng isang nilalang.

Mabilis ang pag punta ko sa likudan nito hanggang sa malakas na bumagsak ako sa likod ni Myra. Narinig kong humina ang tibok ng puso nito at saka ako tumingin sa batok nito.

Noong una ay kinabahan pa ko dahil parang hindi umepekto ang aking plano pero nakahinga din ako ng maluwag dahil nakita kong unti unting nawala ang itim na bagay sa batok nito hanggang sa tuluyan na iyong nawala.

Agad akong umalis sa pagkakadagan kay Myra saka pinakuha ito sa mga taga nightstorm.

Di man ako sigurado kung mabubuhay pa ba ito ay mas mabuti na iyon kesa sa mas marami pa itong masaktan.

Napatingin ako sa dating Alpha, sa luna at Casper na bagong Alpha na inaalalayan si Casper sa pagtayo saka ako ulit tumingin kay Myra na ngayon ay buhat buhat ng mga taga nightstorm para maipasok pero sinigurado muna nila na nakatali ito para masiguro ang kaligtasan ng lalapit rito.

Masaklap nga talaga ang tadhana ni Myra alam ko na nagmahal lang sya pero dumating lang talaga sa punto na hindi sya pinagbigyan ng moon goddess na itadhana sa taong mahal nya.

Nagmahal lang naman sya pero sa maling oras.

Sa nilalang na nakalaan sa iba.

Pinagtagpo pero di tinadhan.

Napatingin ulit ako kay Casper na ngayon ay binibigyan ng paunang lunas.

Siguro katulad lang din naman ni Myra ang aking tadhana

Nagmahal ng taong siguro'y hindi talaga para sa akin... Pero hindi ako tutulad sa hinantungan ni Myra...

Tumingin ako sa kinaroroonan ni ate at kita ko pa din ang patuloy na paglalaban ng dalawang Lycan at ang iba pang mga taga nighstorm na tinitulungan ang aking kapatid.

"Dapat matapos na madami ng namamatay..." sabi ko saka mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng aking kapatid at ang pangahas na lycan...





--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang drama naman masyado HAHAHA

March 14, 2021

UnknownWhere stories live. Discover now