River POV.
MALAPIT na kami sa Nightstorm ng makarinig kami ng ingay na parang nanggagaling sa pack.
"Parang may sumusugod na naman sa pack nyo luna?" sabi ko kay luna na bumababa sa pagkakakarga ko as for request nya na ibaba ko sya.
"Kailangan nating magmadali sobra na ang kabang nararamadaman ko para sa pack baka bumalik na naman si Myra." kita ko ang kaba sa mukha ni luna dahil siguradong nag-aalala ito sa pack lalo na sa mate nito na siguradong nanghihina dahil malayo sila sa isa't isa.
"Siguro ay ako na lang muna ang uuna para masiguro kong hindi kaagad tayo mapapansin ng mga kalaban habang kayo dalawa naman luna, River ay magtago kayo sa isang lugar pag malapit na tayo sa border ng pack at masigurado ko na ligtas na makakapasok tayo sa loob." Agad akong sumang-ayon sa plano ni ate.
"Tayo na..."
Nagsimula na kaming maglakad pero agad din akong tumigil na nagpatigil sa dalawa.
"Oh bakit ka tumigil River? kailangan nating magmadali" Tanong ni luna.
"Mas maganda siguro kung sa taas ng puno na lang tayo magmanman para malaman natin kung ano na ba ang nangyayari?" suwestiyon ko sa kanila.
"Tama mas ligtas pag ganun nga tyaka makikita natin kung anong ng nangyayari ngayon sa pack nyo luna" tumango at sumang ayon kami ni luna sa sinabi ni ate
Pinasakay ko ulit sa likod ko si luna at saka sumunod kay ate dahil nauna na ito samin. Napatili si luna pero agad din iyon tumigil dahil hinarangan nito ang kanyang bibig.
Nakita kong tumalon kaagad si ate sa kalapit nito isang puno saka umakyat hanggang sa dumating ito sa pinaka dulo noon.
"Luna kumapit kang mabuti." sabi ko dito saka tumalon ng mataas sa pinakamababang sanga na malapit sa akin.
Ramdam ang pagsubsob sa akin ni luna at ang paghigpit ng kapit nito sa akin leeg.
Ilang talon pa ang aking ginawa hanggang sa makadating kami ni luna sa dulo at ganun na lang ang kilabot na aking naramdaman sa aking nakita.
Madaming patay, sugatan at mga wolf na nakita kong patuloy na mga lumalaban.
Ito ang unang beses na makakita ako ng ganito sa buong buhay ko at kahit ng umalis ako noon sa pack ay ngayon lang ako nakasaksi ng ganito na parang digmaan sa pagitan ng dalawang grupo.
Patayan kung patayan.
"Anong nangyari sa pack?!" ramdam na ramdam ko ang lungkot, takot at galit sa mga salita ni luna.
May nakikita akong mga kakilala ko sa pack na laban kung laban. Patayan kung patayan.
Agad kong hinanap sina tatay pero di ko sila makita dahil siguro nagshift na sila
Napatingin ako kay ate ng marinig kong mahina itong umaangil at para itong papatay sa itsura nito.
"Ate..." tawag ko dito pero parang hindi ako narinig nito at biglang tumalon pababa at sobrang bilis na tumakbo papunta sa mga naglalaban.
"Sh*t!" nasabi ko na lang.
Ibinaba ko si luna mula sa pagkakaakay ko rito.
"Bakit mo pa ko ibinaba River di ako pwedeng magpaiwan dito lalo na sa nangyayari sa pack." may diin na sabi ni luna.
"Luna sino bang may sabing iiwan kita dito" sabi ko dito saka binuhat na parang isang bride. Mas madali kasi akong makakakilos pag ganito ko sya binuhat.
Pumuwesto ako saka malakas na tumalon talon sa mga puno hanggang sa dumating ako sa isang puno na malapit sa mga naglalaban na wolf.
Agad akong bumaba at may naipit pa yata ako at pagtingin ko ay isang rogue.
Kita ko ang gulat ng iba na malapit sa amin lalo na ang mga taga nightstorm dahil siguro dala dala ko ang luna.
Tiningnan ko kung san nagpunta si ate at nakita kong nilalaban nito ay isang malaking lycan--- LYCAN?!
Pero bago pa ako makalapit ay may sumugod na kaagad sa aking rogue na agad ko din nilabanan.
Nabitawan ko si luna dahil sa pagsipa sakin ng wala sa oras at dahil dun ay parang natauhan ang mga taga nightstorm at tinulungan akong labanan ang mga rogue pinatili kong ligtas ang luna.
Nasan ba kasi ang mate ni luna para maibigay ko na sa kanila dahil hindi ko masisigurong mababantayan ko ng maayos at maaaring mapahamak lalo ang luna lalo na at hindi pa ganun kalakas ang katawan nito.
"Yuko luna!!" sabi ko dito at kasabay ng pagyuko ng luna ay ang pag sipa ko sa isang rogue na papasugod mula sa likod namin.
May mga sumugod pang iba pero na sasalag ko naman pero hindi talaga ako makalaban ng maayos lalo na at kailangang bantayan ko si luna.
Habang lumalaban at binabantayan si luna ay nag titingin tingin ako sa paligid nagbabakasakaling makakita na pack members na maaaring magdala sa luna sa loob at parang dininig ng moon goddess kung ano ang gusto ko ng makakita ako ng 3 na pack members na tumutulong sa akin dahil siguro ay napapansin ng mga ito na hindi ako kalaban ng pack.
Patuloy sa pagsugod ang mga kalaban habang patuloy din ang pag depensa namin at paglaban.
Nakita ko ang paglapit ng iba pang mga taga Nightstorm kaya iniisip kong magkakaroon ako ng pagkakataon na mahanap ang mate ni luna. Pero kahit ganoon ay nahihirapan pa rin akong hanapin ang dating Alpha dahil Padami ng padami ang sumusugod.
Dahil hindi ko pa rin mahanap ang hinahanap ko ay wala akong nagawa kung di higitin ang isang taga nightstorm.
Susuntokin sana ako kaya buti na lang ay nasalag ko kaagad ang atake nito. Kita ko ang gulat sa mukha nito kaya kinuha ko na iyong pagkakataon para tanungin ito.
"Nasaan ang Alpha?" tanong ko dito na agad namang bumalik sa sarili. Agad naman nyang tinuro kung nasaan ang hinahanap ko.
"Ganito ikaw ang maghatid kay Luna---" sumuntok ako sa isang kalaban na bigla na lang sumugod samin. "Sa Alpha, kung maaari ay mag sama ka ng isa o dalawa na maghahatid sa luna at ako at ang iba pang mga myembro ang bahala sa mga aatake sa inyo"
Pagkasabi ko noon ay sinipa ko ang isang rogue na sumugod ulit samin.
Agad naman inalalayan ng isang myembro ng pack si luna habang ako ay umalalay sa kanila at dumidepensa para hindi sila ang maatake.
Nang makita kong nagkita at lumapit ang mate ni luna at masigurong okay na ito ay saka ko hinanap si ate pero maya maya ay may naramdaman akong parang mabilis na hangin. Paglingon ko sa pinagbagsakan noon ay nakita ko ang usok na galing sa mga gabok ng lupa. Agad akong tumingin sa may salarin at ganun na lang at galit na naramdaman ko.
Galit na ngayon ko lang naramdaman at dahil yun sa lalaking di ko akalaing makikita ko ngayong araw na ito.
Di ko alam pero parang bigla nalang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko at sumugod dito. Kita ko ang gulat dahil sa bilis ng naging pagsugod ko kaya di nito nailagan ang malakas na sipa na pinakawalan ko.
Nakita kong napa urong ito pero hindi napahiga dahil na rin siguro naka lycan form ito pero di ko na yun iniisip at saka sumugod ulit pero di ko naasahan ang pagsugod ng ibang rogue sakin kaya napa urong din ako.
"Di ko akalain na may mga malalakas pa rin palang loob na basta basta na lang susugod sa akin nakakatuwa pero hindi nyo pa rin ako kayang patumbahin" sabi nito saka umatake sa akin pero na ilagan ko rin.
Kaagad lumingon ako kay ate kung okay na ba sya pero maling galaw ko pala iyon dahil isang segundo lang ay nakita ko ng nasa harap ko na ang lapastangang lycan.
"Sa tingin mo ba ay makakatakas ka sakin mahinang nilalang..." sabi nito sabay suntok sa akin tyan na nagpalipad sakin hanggang sa maramdaman ko na lang ang malakas na pagbunggo ng likod ko sa isang matigas na bagay....
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Oct. 19, 2020
YOU ARE READING
Unknown
Hombres LoboDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous