Unknown XIV

99 3 0
                                    

River POV.

MALAYO layo na rin ang nalalakad namin di ko alam kung san kami pupunta dahil kanina pang hindi sakin sinasabi ni ate kung san yung pupuntahan namin bago kami dumiretso dun sa witch na kilala nya.

"Ate sigurado ka bang tama yung pinupuntahan natin?" tanong ko dito dahil baka mali na pala ang dinadaanan namin.

"Tama itong nilalakad natin at malapit na tayo kaya wag ka ng mainip" sabi nito.

Ilang beses na yung malapit nya kaya siguradong malayo pa. Bigla akong nabungo sa likod ni ate Raine dahil sa pagtiggil nito.

"Bat ka tumigil ate may kalaban ba?" sabi ko at agad na hinawakan ang knife sa bulsa ko para handa na ako kapag may biglang sumugod.

"Walang kalaban nandito na tayo...." sabi ni ate kaya tumingon ako sa harap dahil tumalikod ako at baka may biglang sumugod samin. At nanglaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Parang talagang garden sya na itinanim ng maayos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parang talagang garden sya na itinanim ng maayos. Di ko akalain na may ganito dito.

"Nandito yung kukunin natin. Iba't iba ang kailangan natin" Sabi ni ate

"Ibig mong sabihin ay kailangan pa natin hanapin yung kailangan mo ate?" Tanong ko.

"Oo hindi kaagad kasi makikita yung bulaklak na hinahanap ko" Napatango na lang ako sa sagot ni ate.

"Amm ano ba yung hinahanap mo ate?"

"Una muna nating hanapin yung mga bulaklak. Isang color white na parang rose pero hindi talaga yun rose. Tapos meron din kailangang hanapin yung color violet na bulaklak patayo ang pwesto ng bulaklak na yun" 

"Wala ka bang picture nun?" tanong  ko dahilan mahirap kapag idi-describe lang ang itsura

"Wala, wala naman kasi akong katulong dati sa paghahanap tyaka wala akong kahit anong camera para magpicture basta pag nakita mo ilagay mo sa garapon na nasa bag mo na nilagay ko kanina sa bag, dahan dahan mong ilagay sa garapon para hindi masira. Maselan pa naman ang mga bulaklak dito kapag hindi nakakaramdam ng lupa. Sige na magsimula ka na at magsisimula na din ako. Dito ako sa kanan tapos dyan ka sa kaliwa. Mag ingat ka sa mga hayop dito naituro ko na naman kung alin alin ang mga dapat mong iwasan diba?" Sabi nito. 

Tumango ako dahil bago kami umalis sa bahay ay may pinakita sya saking libro na naglalaman ng mga iba't ibang litrato ng mga insekto at hayop na delikado kaya alam ko na kung alin ang dapat kong iwasan. Maaari kasing magtawag iyon ng kasama nito at ayaw yun mangyari ni ate dahil magtatagal daw kami. Delikado pa naman daw kapag inabot ng gabi sa witch house.

Nagtingin tingin ako baka kasi nasa tabi ko na pala yung hinahanap ko ay hindi ko pa napansin. Abala ako sa pagtingin tingin sa paligid iniingatan ko din na hindi masyadong makasira ng bulaklak ang ganda pa naman. May narinig akong mahinang tunog na parang hi-hiss na ahas pero di ko pinansin hanggang sa nakaramdam ako na parang may humihila sa jogging pants na suot ko. Tiningnan ko kung ano iyon at muntikan akong mapaupo ng makita kong may nakakagat na ahas sa pants ko.

UnknownWhere stories live. Discover now