After months nakapag update din sorry at matagal pero enjoy reading
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mabilis ang naging pagtakbo ni River pabalik sa nightstorm buhat buhat ang mag anak.
Ramdam nya na unti unting humihina ang lalaking kanyang buhat dahil na rin sa natamo nitong mga pinsala mula sa mga roque.
Napatingin sya sa sanggol na halos ay di na maramdaman ang bigat parang sobrang gaan dahil sa maingat nyang paghawak dito na parang isang babasaging kagamitan na madaling masira.
Tumuon muli ang kanyang tingin sa daan dahil may pumapasok sa kanyang isipan na isang bagay na hindi nya alam kung magkakameron pa ba sya.
Pamilya...
Asawa... Mate...
Anak...
Yun ang paulit ulit na naiisip ni River pero sa tuwing sumasagi iyon sa kanyang isipan ay naaalala nya si Casper... Ang kinikilalang Mate...
Pero ngayon ay napapaisip sya..
Si Casper ba talaga ang totoo kong mate o.... Hindi...
Maisip nya palang na hindi nya mate ang binata ay sumisikip ang kanyang dibdib na parang may pumipiga dito para sumakit.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman ni Casper na simula pagkabata pa lamang ay meron na syang nararamdam sa kababata. Hindi nya iyon inaamin dahil natatakot sya na mawala ang itinuring na totoong kaibigan at taga pag tanggol sa tuwing aasarin sya ng ibang mga batang wolf sa pack dahil isa syang ampon at hindi alam kung san nagmula, lagi syang nasa tabi nito para ipagtanggol sya at patahanin kapag umiiyak sya.
Hindi rin naman nya masisisi ang sarili kung iibig sya sa kababata dahil kahit bata pa lamang si Casper ay kita mo na ang angking kagwapuhan nito na kahit ang ibang mga bata pati ang mga dalaga sa pack ay nagkakagusto sa batang lalaki.
Nagbabalik lang ang atensyon nya ng matanaw nya sa malayo ang mga roque at mga taga nightstorm na patuloy pa rin ang paglalaban. Tumigil si River ng makakita sya ng isang guard nightstorm na nakikipaglaban sa dalawang roque at kita na dehado ang lalaki sa dalawang kalaban kaya mabilis pero maingat na ibinaba ni River ang kanyang buhat.
Matapos nyang maibaba ang dalawa ay saka sya nagshift sa kanyang anyong tao saka inabot ang sanggol na tahimik na natutulog. Nang naiabot na nya ang bata sa ina nito ay saka sya nasalita.
"Dito lang kayo wag kang pupunta kung saan para makatakas dahil lalo lang kayong mapapahamak lalo na at wala pa ring malay ang mate mo."
Kita nyang tumango ang babae kaya tumingin muli sya sa isang guard na kita nyang malakas pero dahil hindi patas ang laban ay hindi ito makaatake ng maayos.
"Sumama kayo sa guard na yun" sabay turo sa guard "Sya na ang bahala na magdala sa inyo sa loob ng pack..." Tumango lang ito bilang sagot kaya agad na syang tumalikod para puntahan ang guard at tulungan na din ito mula sa mga kalaban nitong rogue ng biglang nagsalita ang babae na tinulungan nya.
"Bakit?" takang tanong nya dito.
"Amm... S-salamat..." Nakatungo nitong sabi kay River kaya napangiti na lamang sya saka mabilis na tumakbo patungo sa kanyang destinasyon.
Agad nyang sinuntok ang rogue na kakagatin sana ang likod na paa ng gwardya ng makalapit sya sa mga rito.
Kita ang gulat ng mga ito dahil sa bigla nyang pagsulpot pero agad din namang sumugod ang rogue papunta kay River na agad nitong nailagan sabay hawak sa buntot nito saka walang kahirap hirap na pinaikot ikot ito saka binitawan na dumiretso sa isang puno na ikinawalang malay nito.
Humarap sya sa gwardya at nakita nyang wala naring malay ang kanyang kalaban o maaaring patay na iyon.
Nakita ni River na nag shift ito kaya agad syang napabaling sa kanyang kaliwa dahil hindi sya sanay na makakita ng mga lalaking wolf na nagshift sa pagiging tao lalo na't pareho silang lycan na hindi kailangan mawalan ng damit kapag nagshift at lalong lalo na dahil pareho silang babae ng kanyang kapatid kaya hindi talaga sya sanay na makakita sa mga ganung na bagay.
"Sino ka?" Agad nitong tanong
"Ammm.. pwede bang magsuot ka muna ng salawal bago mo ko kausapin"
Naaninag naman kaagad ni River na may inabot ito sa kaliwa na short mula sa isa din rogue.
Napangiwi sya kapag naiisip na isinuot nito ang maduming short ng rogue.
"Meron na kong suot kaya sagutin mo ang tanong ko, sino ka?" Agad nitong tanong.
Napairap nalang sya dahil sa kasungitan nito at saka bumaling sa lalaki.
"Hindi na mahalaga kung sino ako" sabi ni River saka bumaling sa direksyon ng iniligtas nya at kita nyang nakatingin din ang babae habang akap ang anak at nakaupo sa tabi ng lalaking walang malay at sugatan.
"Tulungan mo sila madala sa loob at magamot lalo na yung lalaki." Agad na tumango ito saka dumiretso sa mag asawa. Nang masiguro ni River na nasa maayos na kalagayan ang mag iina ay saka sya bumaling ulit sa kanyang harapan na walang tigil ang pagpapatayan.
Agad syang naging alerto ng makarinig sya ng mga nagsisigawan kaya agad syang tumungo sa pinagmumulan ng ingay at habang papunta doon sa pinag mumulan ng ingay ay sinusugod din sya ng mga rogue kaya nagtagal sya na makapunta sa sigawan at ng makarating sya doon ay ganun na lang ang takot sa nakita.
Dahil ang naabutan nya lang naman ay ang nakatarak na kutsilyo sa tiyan ni Casper at napasinghap muli si River ng binunot nito ang patalim at iaambang muli na isaksak.
Sa nakita ay nagdilim ang kanyang paningin at napansin nya na lang ang pagtalsik ng babaeng nanakit kay Casper.
Bumaling sya kay Casper na hanggang noon ay nakapikit pa rin na parang inaantay na lang ang kamatayan.
Baliw na ba sya at tatanggapin na lang nya ang kamatayan... Inis nyang nasabi sa sarili dahil sa nakikita nya.
"Hanggang kelan ka pipikit dyan..." sabi ni River kay Casper
Kita nya ang mabilis na pagmulat nito at kasabay nung ang pamilyar na pagtibok ng puso nya na parang walang balak na kumalma at paglakas ng hangin dahilan para may langhap syang napaka pamilyar na amoy.
"River... "
Nang marinig nya ang boses nito ay parang lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso nito.
Posible pala iyon.. sabi nya sa kanyang sarili.
Ng masabi ni Casper ang pangalan ni River ay bigla na lang bumagsak sa lupa dahil nawala na ang naging pag control sa kanila ni Myra.
Agad na lumapit ang mga taga nightstorm at pati na rin si River. Ng biglang maramdaman na lang nya ang pagtilapon hanggang sa tumama ang ito sa isang matigas na bagay.
"RIVER!"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Parang part 2 lang to nung last chapter more on parang view nung nangyari kay River pabalik.
YOU ARE READING
Unknown
LobisomemDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous