Unknown X

99 5 0
                                    

"YAN lang ba ang kaya mo.... "

Hinihingal ako habang naka upo sa lupa at madami na rin akong sugat.

Gaya nga ng sabi ni ate Raine nung nakaraan ay sasanayin nya ko hanggang hindi pa kabilugan ng buwan pero di ko inakala na ganto sya ka seryoso sa pagsasanay na gagawin nya sakin.

"Ano hindi ka ba tatayo, hanggang dyan ka na lang ba? "

Agad akong bumangon sa pagkaka upo saka sya sinugod. Wala kaming gamit na sandata dahil kailangan ko muna daw palakasin ang aking pisikal na lakas na walang gamit na kung anong sandata.

"YAAAAA!! " sigaw dito ng sinusubukan nya itong suntukin pero kahit anong gawin ko ay nakakailag ito sa akin.

Natumba ulit ako ng sinipa nya ko sa tiyan at ngayon ay napahiga ako sa lakas ng sipa nito.

Tatayo na sana ako ng makapa ko ang mga gabok ng lupa. Agad akong kumuha ng isang dakot noon saka tumayo ulit at sumugod dito. Nang makalapit na ko dito ay saka ko hinagas ang nasa kamay ko. Hindi nya napaghandaan ang ginawa ko kaya napuwing ito at nawala sa konsentrasyon at ginamit ko iyong pagkakataon para atakihin ito at matamaan. Hindi naman sya nabigo at nagawa ko ang plano kong matamaan ito.

"Ah hindi ko iyon naisip na gagawin mo ah. Aray ang sakit ng mata ko" daing nito habang tinutulungan ko itong makatayo.

Nang makatayo na ito ay kinukusot kusot pa din nito ang mata at ilang saglit lang ay nakamulat na ito pero namumula ang mata nito. Medyo natatawa ako dahil mukha syang adik pero pinipigilan ko iyon.

"Yan na muna para ngayong araw- bat natatawa ka? " takang tanong nito sakin kaya di ko napigilang matawa kaya tuluyan na kong natawa sa harap nito at dahil sa pag tawa ko ay nakatanggap ako ng sapak sa ulo. Napakamot na lang ako dahil sa ginawa nya.

"Tinatawanan mo ko eh ikaw din ang dahilan nitong pagpula ng mata ko"

"Pero sabi mo kahit ano pede kong gawin basta matamaan lang kita at walang mga sandatang gamit"

"Oo sinabi ko yun kaya wag mong tawanan ang mata ko kung hindi malalagot ka sakin" inis nitong sabi "Hala sige magluto ka na ng hapunan natin" sabi nito kaya agad akong pumunta sa kusina para maluto dahil gutom na rin naman ako.

Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang pagkakainan namin pagkatapos ay saktong pagpasok ni ate Raine sa kusina na halatang bagong ligo lang.

"Ate tara ng kumain" anyaya ko dito.

Agad naman itong umupo saka sumandok ng kanin at ulam saka nagsimulang kumain at ganun din ang ginawa ko. Walang nagsasalita pero hindi naman awkward ang atmosphere sa kusina.

Nang matapos na kaming kumain ay nakita kong halos maubos na ang niluto kong pagkain.

"Ako na ang bahala dito maligo ka na at magpahinga maaga tayo gigising bukas dahil mag jo-jogging tayo bukas" sabi nito. Agad naman akong tumalima sa sinabi nya. Nang pumasok ako sa kwarto para kumuha ng pamalit para dalhin sa banyo ay nakita ko na hindi ko pa pala nalilinis ang tinutulugan ko dito sa bahay ni ate.

Mga halos isang buwan na din ako dito nakatira. Marami na ring natuturo si ate sakin tulad ng tamang pangangaso, pagkuha ng mga request sa bayan na pinapagawa ng mga taong hindi kaya o hindi alam kung san san kukunin ang mga kailangan nila. Sabi nga ni ate na lumaki ang kita nya sa mga request na kinukuha namin dahil kasama ako.

Minsan kasi may nakita kaming request na kailangan hanapan ng halamang gamot eh saktong may alam ako sa mga ganung bagay kaya agad naming kinuha yung request kasama ang iba pa at yung request na yun ay matagal na palang naka post at natakluban lang ng iba kaya dinagdagan pa ang bayad sa ginawa namin na halos doble ng presyo na nakasulat sa request.

Sa tuwing may nagagawa kaming request ay binibigyan ako ni ate ng nakukuha naming bayad. Noong una pa nga ay hindi ko iyon tinatanggap pero sa huli tinanggap ko rin dahil may kailangan din daw akong bilhin na para sa sarili ko katulad ng damit at mga sandatang kakailanganin ko. Nakabili na din ako ng sariling kong hunting knife, mga damit na kailangan ko dahil minsan nasisira ang mga iyon sa pangagaso namin tyaka sa mga ginagawa namin sa request tapos ay inuunti unti ko ring bumili ng kagamitan para gumawa ng sariling bow at arrow ko dahil sa mga nakikita kong kagamitan kung hindi luma ay hindi matibay kaya mas minabuti kong bumili na lang ng gamit.

Yung sa paglaban naman eh yun ngayon ang pinagtutuunan ni ate ng pansin dahil sabi nya dun daw ako pinaka mahina. Sinabi nya rin na kung hindi malakas ang pisikal kong pangangatawan ay mahihirapan ako kapag mag shi-shift na ko into wolf dahil mahihirapang mag adjust ng katawan ko.

Inayos ko ang salamin ko dahil parang mahuhulog ito sakin ng tumungo ako. May nakita kasi akong parang photo album na nakabukas pero nung kukunin ko na iyon ay bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Oh akala ko ba maliligo ka eh bat nandyan ka pa? Ano bang tinitingnan mo dyan?" tanong nito.

"Ah oo nga pala. Sige maliligo na ko" sabi ko sa kanya.

"Oh sige pagkaligo mo patuyuin mo muna ang buhok mo saka matulog basta gumising ka lang ng maaga para sa gagawin natin alam mo na naman yun, ano? " paalala nito kaya tumango ako bilang sagot.

Umalis na si ate ng hindi sinasara ang pinto dahil lalabas din naman ako. Kumuha na ko ng damit, undergarments tyaka twalya saka dumeretso sa banyo.

Mga siguro 15 minutes din ang tinagal ko sa paliligo at ng matapos na kong magsuot ng damit ay lumabas na ko habang pinupunasan ang buhok ko. Dumeretso ako sa may bintana at tiningnan ang langit. Madami ngayong bituin kaya magandang mag star gazing kung may alam nga lang akong lugar dito na mataas ang pwesto ay pupunta ako dun pero sa ngayon dahil hindi pa ko nakakapagshift ay hindi pa ko pwedeng umalis alis dito.

Kinuha ko ang isang litrato sa bulsa ko. Picture namin iyon nina tatay, nanay, at kuya miguel sa nightstorm. Hindi ko nga alam kung pano napunta yun sa bulsa ko pero okey lang naman yun. Kinunan yung picture nung naging 18 na ako kahit na hindi naman talaga sila sigurado kung yung araw na ba yun talaga ang birthday ko.

Walang araw na hindi ko naisip ang pamilya ko minsan nga napaiyak ako dahil nami miss ko na sila pero pinamuka sakin ni ate Raine na dapat mag palakas ako para kapag nagkita kami o bumalik ako eh kaya ko na sila ipagtanggol at hindi na ko magiging pabigat sa kanila. Kaya nga ngayon kahit gusto ko ng sumuko ay sinasabi ko sa sarili ko na kakayanin ko lahat para sa kanila.

At si Casper naman nami miss ko na din ito kahit hindi nito tinanggap ang pagiging mag mate nila ay naging matalik silang magkaibigan. Laging silang magkasama sa halos lahat ng bagay. Kaya kahit masakit ang huli naming pagkikita ay nami-miss ko na talaga to. Sinabi din sakin ni ate na maaaring hindi talaga malalaman ni Casper na mag mate kami dahil hindi ko pa kayang mag shift. Kaya habang hindi pa ako makapagshift hanggang sa pag sapit ng red moon ay magpapalakas ako at ipapakita ko na karapat dapat ako para maging mate ng isang Alpha,ng isang katulad nya .....



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GO GIRLLLLLLL WOOOOOOOO!!!!!

May 19, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now