TAHIMIK naming isinasagawa ang plano namin. Sumusunod lang ako kay ate dahil yun din ang sinabi nya at alam ko naman na hindi ko pa kakayanin kapag ako lang mag-isa.
"Ate bat di mo na lang gamitin ang pagiging lycan mo para takutin sila?" tanong ko dito.
"Mga baliw kasi ang ibang mga rogue akala nila kapag nakapatay sila ng lycan. At nainom ang dugo eh lalakas din sila katulad ng mga lycan at tyaka baka may makakita pang ibang mga rogue at bigla na lang sumugod din kaya mas maganda yung ganito" yumuko kami bigla ng makita na namin ang hinahanap namin.
Mga nasa tatlo sila. May isang Malaking lobo, dalawang katamtamang lobo mga tumitingin sila sa paligid na parang naghahanap sila ng magiging pagkain nila.
"Lalabas ako tapos kapag naging agrisibo sila ay panain mo yung kaya mong panain" mahinang sabi nito. Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.
"Bakit di ko na lang sila panain bigla?" mahinang tanong ko din dito.
"Maaaring napaalis na pack lang din sila at walang mapuntahan kaya maaaring hindi sila delikado. At kapag nangyari yun ay dadalhin natin sila sa bukana sa daan papunta sa lugar ng mga tao para doon na lang sila mamuhay at tyaka pano kung ikaw ang nasa sitwasyon nila hindi ka ba lalaban" sabi nito. Napatango ako sa huli nyang sinabi
"Pero bakit mo to ginagawa? Madaming beses mo na ba tong nagawa? " tanong ko dito.
Nakita naming tumigil ang mga rogue kaya tumingin sya sakin saka ulit binalik ang tingin sa mga rogue. Medyo malayo ang mga ito sa pwesto namin kaya okey lang na mag usap kami pero pabulong pa rin.
"Ginagawa ko to dahil hindi naman ako basta basta na lang susugod hindi ako padalos dalos sa mga desisyon ko. Maaring bata ang isa sa kanila at ama at ina nito ang kasama nito kaya hindi ako maaaring gumawa ng hakbang na pagsisisihan ko sa huli. At oo ilang beses ko ng nagawa ito yung una pa nga ay muntikan kong napatay kung hindi lang may dumating na kasama nito at nagmakaawa na wag kong patayin ang mate nya dahil hinahanap lang nila ang daan papunta sa lugar ng mga tao kaya simula noon ay sinisigurado ko muna na hindi sila delikado bago ko sila tulungan" mahabang litanya nito.
Lalong lumaki ang paghanga ko sa kanya dahil hinding hindi ko talaga naisip na gagawin nya ito kahit sa nightstorm ay walang nakaisip ng ganitong paraan. Tadhana nga talaga ang pagkikita namin dahil marami akong matutunan sa kanya.
Napabaling ulit ako sa mga rogue ng makita kong nagsimula na ulit itong mga itong maglakad.
Nakita ko ang pagtayo ni ate Raine kaya agad na napabaling dito ang mga rogue. Nakita ko ang pagiging alerto ng mga ito kaya hinanda ko na ang bow at arrow ko para sa susunod na mangyayari.
Nakita kong dahan dahan lumapit si ate Raine sa mga ito. Alerto lamang ang mga rogue sa susunod na gagawin ni ate.
Nakita ko yung isang rogue na mas pinaka Malaki sa tatlo na umuna sa dalawa na parang pinoprotektahan habang naka angil ito kay ate.
Nabigla ako ng biglang sumugod ang rogue ng nakita nito na gumalaw si ate kaya walang nagawa kung hindi sumugod din si ate habang ang isa ay nakaharang sa mas maliit na roque habang nakahandang sumugod din at yung isa ay kahit na tinatapangan ang itsura ay halata pa rin dito ang takot.
Tumingin ulit ako kay ate at dun sa isang rogue at nakita kong dehado na ang rogue pero patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas at ng kinuha na ni ate ang kutsilyo at isasaksak na dito ay nag shift ang isang rogue.
"Please don't kill him. Di namin kakayaning mabuhay kapag wala ang mate ko. We are just heading to the place of mortals" pakiusap nito. Mukhang mga mayayaman ang mga ito o baka naman ay ito lang.
YOU ARE READING
Unknown
WerewolfDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous