"RIVER!!"
"RAINE!!"
Madaming sumigaw ng pangalan ni River dahil maraming nakakakilala dito pero ang tumawag lamang kay Raine ay ang luna pero hindi iyon ang problema dahil parehong dinaluhan ng mga taga nightstorm ang magkapatid at kasama na dun ang luna pati ang mga kumupkop kay River.
Habang ang mag amang Hendrick at Casper naman na kahit na gusto ding lumapit sa dalawang magkapatid ay hindi din nila kaya. Pareho silang malubha ang kalagayan kaya wala silang nagawa kung hindi hayaan na lang sa ibang mga taga nightstorm ang pagdalo sa magkapatid para magamot kaagad sila.
Habang inaalalayan naman ang iba na maayos ang kalagayan at ang mga malulubha at sugatan ay mabilis na nilunasan.
Sumikat ang araw at masasabi nilang isa iyon sa pinaka magandang pag sikat ng araw.
Maraming natakot na maaaring hindi na matapos ang pakikipaglaban nila sa mga rogue.
Maingat na ilalayan ng ng mga taga nightstorm ang mag kapatid na sina Raine at River hindi silang masyadong natatakot sa dalawa dahil nasa normal na anyo ang mga ito ngunit kahit siguro nasa lycan form ang magkapatid ay hindi sila matatakot dahil isa sila sa dahilan kung bakit natapos ang laban pero natigil sila sa pag dadala sa dalawa ng biglang may sumigaw.
"SANDALIIIII!!!!" sigaw ng isang babae.
Ng makarating ang may salarin sa pag sigaw ay nakita nila ang isang babae na bumaba sa isang puting leopard na halos kasing laki ng kasama nitong babae.
Agad na naging alerto ang mga taga nightstorm dahil sa pag aakalang kalaban ito.
"Amm ahihi... wag kayong mag alala kaibigan ako ng mag kapatid..." sabi nito
"At pano kami nakakasiguro na totoo ang sinasabi mo?" tanong ng luna.
Ngumisngisi lang ito sa tanong ng luna.
Kung titingnan ang dumating na babae ay makikita mong isa talaga syang witch mula sa kasuotan nito na gusot na halos kulay itim at puti ang kulay, kung pano ito kumilos, pano ito mag salita, lalo na ang mga dala nitong parang nuon lang nakita ng lahat.
Pero kahit na ganun ang nakita nila ay hindi magpagkakaila ng lahat ng may aking itong ganda na hindi kayang lamangan ng kahit ang hindi magandang kasuotan nito.
Nawala ang atensyon ng lahat sa babae ng marinig nila ang pag angil ng kasama nitong leopard na ngayon ay nakaupo na at naka alerto sa magiging kilos ng mga taga nightstorm.
"Ang init talaga ng ulo mo..." sabi nito habang hinihimas ang ulo ng leopard.
"Wag kayong mag-alala wala akong balak na gumawa ng maaaring ikakapahamak ko ahihihi..." nilibot nito ang tingin sa paligid at nakuha ng atensyon ng witch ang isang lalaking nakatingin sa kanya. Hindi nito maiiwas ang tingin kahit anong gawin dahil parang utak, katawan lalo na ang puso nya na parang sinasabing itoy tingnan lamang.
Nawala lang ang atensyon nya sa lalaki ng nag salita muli ang luna.
Anong nangyari.....
naguguluhang tanong nya na lang sa sarili saka ibinigay ang atensyon sa luna na muli syang tinanong kung totoo ang kanyang sinabi.
Agad na may kinuha ito sa dala dalang bag habang ang mga taga nightstorm ay alerto.
Hindi sila maaaring magpadalos dalos dahil kahit nag iisa ito ay isa pa rin itong witch na maaaring gumawa ng bagay ng hindi nila masusulusyonan kaagad.
Ng makita na ng witch ang kanyang kailangan ay agad nya itong ipinakita sa mga taga nightstorm habang ang mga ito ay naguguluhan kung ano iyon.
Ang nilabas ng witch ay isang parang kristal na mukhang bola. Alam ng mga nakakataas kung ano iyon habang ang iba ay hindi.
![](https://img.wattpad.com/cover/221847098-288-k516518.jpg)
YOU ARE READING
Unknown
WerewolfDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous