Unknown VII

109 4 0
                                    

River POV.

TAPOS na kong maligo kaya agad akong dumiretso sa kwarto na inilaan sakin ni Raine– este ate Raine pala hanggang ngayon talaga hindi pa ko sanay sa tawag na iyon. Suot ko na din ang pinahiram nitong damit sa akin na saktong sakto lang din.

Ng makapasok ako sa sinabi ni ate na magiging kwarto ko habang nasa poder nya ay nakita ko ang kalat ng kwarto halatang hindi inaayos ang mga nilalagay rito.

Aayusin ko na sana ang kwarto na iyon ng biglang tumawag si ate. Buti na lang nasasanay ako sa pagtawag ng ate. "Ano iyon ate? " tanong ko sabay labas sa kwarto.

"Saka mo na ayusin ang kwarto mo, samahan mo muna akong mangaso at kumuha ng ilang pagkain. Nakita kong paubos na ang mga inimbak ko kaya kailan ko ng mag ipon ulit" may nilapitan itong sandata. Pinalapit naman nya ako sa kanya. Nakita ko ang spear, bow and arrow, hunting knife at rope.

"Pumili ka ng gagamitin mo sa pangagaso" sabi nito. Agad ko namang kinuha ang bow and arrow dahil doon ako mas marunong. Gusto ko kasi nung bata ako na maging katulad ng mga nababasa ko noon sa libro na magaling gumamit ng pana at palaso.  Mahirap noon una pero naging magaling ako dahil sa tulong na rin ng kuya Miguel ko na magaling din sa paggamit ng bow and arrow.

"Sigurado ka na ba dyan? " tanong nito sakin.

"Oo ito na yung gagamitin ko mas sanay at marunong kasi ako dito eh" paliwanag ko dito.

Tumango lang ito saka kinuha ang hunting knife. Inilagay nya sa lalagyan na kung tawagin ay scout carry knife na nakalagay sa likod ng bewang nito. Tapos yung rope naman ay isinabit lang nito sa balikat.

"Tara na, tuturuan din kitang mangaso" bigla akong na excite sa sinabi nito. Nung dati kasi ay hindi ako hinahayaang sumama sa pangangaso ng ama at kuya kaya hanggang panonood na lang ako sa ginagawa nila pero ngayon magagawa ko na din sa wakas.

"Tara na mahirap pag ginabi tayo sa pangangaso" sabi nya

"A-ah oo, andyan na" sabi ko ng makita kong mabilis itong maglakad.

Agad naman akong nakaabot at hindi matanggal ang ngiti ko.

"Halatang excited ka ah" sabi ni ate ng mapansing ngiting ngiti ako habang naglalakad kami papuntang gitna ng gubat.

"Ah oo kasi sa dati kong pack halos laging nangangaso dahil madami nga kaming mga pack members pero pag sumasama ako sa kanila eh sinasabi nila na delikado sakin ang pangangaso kaya masayang masaya ako na matuto na kong mangaso" masayang masaya ko pa ding sabi.

"Hayyy ang hirap talaga pag may descrimination sa pack. Yung mga she wolfs eh dapat nasa pack lang at hihintayin lang ang mga nangangaso" tumingin ito sakin "Ganun din ba sa inyo?"

"Ha anong ganun din? " taka kong tanong dito habang patuloy pa rin kaming naglalakad

"Yung diskriminasyon sa pack, ganun din ba sa dati mong pack? "

"Ahhh yun ba" napangiti ako ng maalala ang dati kong pack "Hindi naman pag napatunayan mong kaya mo at alam nila na kaya mo talaga hahayaan ka nila" Maganda ang trato sa nightstorm pantay pantay kaya nga nami miss ko na ang pack ko.

Pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Hindi ako matutong tumayo sa sarili kong paa kapag lagi silang nandyan. Kailangan ko ding hanapin ang sarili ko hindi habang buhay ay makukontento ako sa nakasanayan ko dapat inaalam ko din kung san talaga ako nag mula. Siguro baka may makakilala pa kong kadugo ko sa paglalakbay na to.

Napatigil ako dahil sa pagpigil sakin ni ate Raine. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag sign nya na tumahimik ako saka nya tinuro ang isang baboy ramo na kumakain. Dahan dahan kaming lumuhod para di kami mapansin ng baboy ramo. Sa di kalayuan ay may napansin akong isang rogue na parang asong ulol na dahil sa tumutulo ang laway nito.

UnknownWhere stories live. Discover now