Unknown V

112 3 0
                                    

River POV.

MALAYO na ko sa Nightstorm pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo kasabay noon ang pag tulo ng luha ko. Ramdam ko pa rin ang mga nakuha kong sugat mula sa mga rogue pero di ko na iyon pinansin pa.

Ano bang ginawa kong mali? Hindi naman ako gumawa ng mga bagay na ikapapahamak ng iba pero kahit napatunayan ko na ang sarili ko at paliwanag sa kanila ay ganun na lang ang panghuhusga nila sakin.

Siguro mabait lang sila sakin ay dahil mabait sakin ang alpha.

Nami-miss ko na kaagad ang mga magulang ko at si kuya miguel di ko man lang nakita sila kahit sa huling pagkakataon. Kung pede nga lang bumalik sa pack pero alam ko na imposible yun at ayoko na ring bumalik doon lalo na at nandun si Casper. Sobrang sakit ng ginawang pagtanggi nya sa pagiging mag mate namin kahit na di nya derektang sinabi ang pagtanggi nya sa sinabi ko ay alam ko na kaagad ang sagot.

"Aww.. " napadapa ako dahil sa hindi ko napansing ugat ng puno

"Ouch.." tiningnan ko kung asan ako pero hindi ko na alam kung asan ako "Siguradong sobrang layo na nito sa Nightstorm" Patuloy pa rin ang pag agos ng dugo sa binti ko pero halos di ko na maramdaman at unti unting namamanhid.

Itinuon ko ang braso ko sa lupa para makatayo pero bago pa ako makaupo man lang ay may mga rogue akong nakita na tumalon sa harapan ko. Sa tingin ko pa lang ay alam ko na wala akong kalaban laban sa kanila lalo na at may injury ang paa ko.

Narinig ko mahihinang angil nila na parang naghahanda na kong lapain.

Ito na ba ang katapusan ko. Ganto na lang ba matatapos ang buhay ko. Napapikit ako ng makita kong bumwelo ang rogue na nasa harap ko. Ilang minuto na ang nakakaraan pero wala akong naramdaman na kahit ano.

Ganto ba ang pakiramdam ng patay na. Hindi naman pala masakit hehe..

"Ano ginagawa mo nag wi-wish ka ba? Aba maya mo na lang gawin yan at hindi kita matutulungan kong nakahiga ka lang dyan"

Agad akong napamulat ng makarinig ng boses ng isang babae at nagulat na lang ako ng makitang hawak hawak nito ang dalawang rogue na sumugod siguro dito. Nang tingnan ko ang paahan nya ay may nakita akong isang rogue na sa tingin ko ay patay na. Dapat akong matakot dahil di ko sya kilala pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya na hindi ko masabi, na parang dapat ay pagkatiwalaan ko sya.

"Ano ba!! Titigan mo na lang ba ko o tutulongan mo ko dito!" inis nitong sabi sakin kaya agad akong tumayo. Di ko na pinansin ang binti ko at agad na kumuha ng bato saka pinupok ng malakas dun sa isang maliit na rogue na agad naman bumitaw sa tumulong sa kanya.

"Good" sabi nito at biglang na lang sinipa ang rogue na nakakagat pa rin sa kanya dahilan para tumilapon ito.

Agad namang tumakbo ang ilang mga rogue na parang mga duwag.

"Nakakainis talaga ang mga rogue na iyon nasabihan ko pero wala pa ring kadala dala" inis nitong sabi saka bumaling sakin.

"At ikaw bat pagala gala ka dito" lumapit sya sakin na parang inaamoy amoy ako. Napalayo ako ng konte dahil sa ginawa nya. "Di ka naman amoy tao at may naaamoy ako sayong amoy ng lobo kaya siguradong alam mo na delikado dito" nakataas ang kilay na sabi nito.

"Ah umalis kasi ako sa pack namin dahil sa isang personal na pangyayari" nakayuko kong sabi sa kanya.

"So ibig sabihin umalis ka at ngayon ay isa ka na ring rogue?" tanong nito habang nakataas ang kilay pa din.

"Parang ganun na nga..."

"Anong parang ganun na nga?" nakataas pa rin ang kilay na tanong nito. Di ba to nangangalay kakataas ng kilay

UnknownWhere stories live. Discover now