Unknown VI

110 4 0
                                    

Casper POV.

HALOS dalawang araw na nilang hinanap si River pero hanggang ngayon ay di pa rin nila ito makita.

"May balita na ba kay River?" agad kong tanong sa mga naghahanap kay River

"Patawad pero nawala na lang ng parang bola ang mga bakas at amoy nya"

"Sa tingin namin ay may nakasagupa ito at---" 

"Hindi, hindi pwede ang sinasabi mo!!" galit na sabi ni Miguel sa mga ito kaya agad ko syang pinigilan na saktan ito.

"Miguel maaaring nakatakas si River kaya wag ka ng mag-alala" pagpapakalma ko dito kahit halos gusto ko na ring magwala dahil hindi pa rin nahahanap si River. Sinamaan lang ako ng tingin nito saka bumitaw.

Kasalanan ko kung bakit umalis si River. Kung sana hindi ko hinayaan ang nangyari ay hindi sana sya aalis.

Napabaling ako sa tumapik sa balikat ko at nakita ko ang ama amahan ni River. "Wag kang mag alala mahahanap din natin ang anak ko"

Tumango na lang ako dito bilang tugon.

Sana nga...


River POV.

"SO yun ang dahilan.. " napatango tango ito.

"Raine nga pala" pakilala nito habang nakalahad ang palad. Agad ko naman itong tinanggap.

"Ah ako naman si River" pagpapakilala ko din rito

"Parehong R ang start ng name natin siguro destiny na rin to haha" tumatawa nyang sabi.

"Ah hehe.. " awkward kong tawa dahil di ko pa alam kung pano sya ituturing.

"Alam mo naaalala ko yung kapatid kong babae sayo. Siguro kung nabubuhay pa yun kasing edad mo na sya..." may lungkot na dumaan sa mga mata ni Raine pero nawala rin kaagad saka ngumiti sakin.

Ganun ba sya kabilis magbago ng emosyon.

"So dahil alam ko na kung bakit ka umalis sa pack mo at napunta sa lugar na ito ay pag usapan na natin ang gagawin mo dito sa teritoryo ko. Dapat tulong tayo, hati sa lahat ng bagay sa pagkain man, sa susuotin o kahit anong dapat gawin dapat hati tayo walang lamangan kung anong meron ka dapat meron akong kalahati nun.." sabi nito. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya pero hindi ako nagsalita.

"Alam kong naguguluhan ka sa sinabi ko pero ito lang ang masasabi ko na ginawa ko to dahil may bond akong nararamdaman sayo. Alam kong hindi mo yun nararamdaman pero pag dating ng tamang panahon malalaman mo yun... Kasabay nun masasagot na ang tanong ko... " sabi nya pero di ko narinig ang huli nyang sinabi pero di ko yun pinagtuunan ng pansin.

"A-anong ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong dito. Ang gulo kasi ng sinabi nya. Pano kami magkakaroon ng bond kung ngayon lang kami nagkita. Ang gulo diba.

Pero sa totoo lang iba yung pakiramdam ko talaga sa kanya. Hindi sa masamang paraan kung di magaan ang pakiramdam ko sa kanya na parang sinasabi ng puso at isip ko na magtiwala ako sa kanya.

"Basta... Kalimutan mo na lang sinabi ko River mas maganda kung magsimula na tayong magluto dahil nagugutom na ko." sabi nya agad naman akong tumayo saka sumunod sa kanya.

"Marunong ka bang magluto? " tanong nito sakin tumango naman ako. Nabigla ako ng bigla syang ngumiti ng matamis.

"Hindi pinirito, ihaw. Marunong ka talagang magluto?" masaya nitong tanong sakin.

"Ah o-oo tumutulong kasi ako kapag nagluluto sa main house kapag may pag diriwang na nagaganap sa pack namin kaya natuto na rin akong magluto" sagot ko dito. Bigla nya naman akong niyakap sa matamis pa rin ang ngiti sakin.

UnknownWhere stories live. Discover now