Unknown XXXIV

31 3 0
                                    


River POV

UNTI unti kong minulat ang mata ko. Napapikit din ako agad ng makaramdam ng sakit sa katawan ko. Ano bang nangyari? 

Tumingin tingin ako sa paligid ko dahil di ito pamilyar na lugar sa akin.

"Asan ba ko?" naguguluhan kong tanong.

"Nandito ka clinic ng pack" Agad akong napatingin sa nagsalita saka napakunot ang noo. "Ako nga pala si Jay, isa ako sa mga pack doctor na tumutulong dito"

Pagkasabi nya noon ay saka ko na alala ang lahat ng nangyari mula sa labanan hanggang sa ginawa namin ni ate sa nakalaban naming Lycan.

"Nasaan nga pala ang kapatid ko, si ate Raine alam mo ba kung nasaan sya di ko sya makita dito?" tanong ko dito dahil may nakita akong isang higaan na wala ng umuukupa.

"Ah yung isang babaeng Lycan ba ang tinutukoy mo maayos na ang kalagayan nya mas nauna syang nagising kesa sayo" nakangiti nitong sabi.

Napakunot ang noo ko.

"Ilang araw na ba akong di nagigising?" tanong ko dito

"Ah mag dadalawang linggo ka ng natutulog at nagpapahingi habang yung kapatid mo naman after 5 days ay nagising din agad" Nanlaki ang mata ko.

Grabe ba ang pinsala ko at ganun katagal akong di gumising? 2 weeks? Talaga?

Habang nag iisip ako ay may biglang pumasok at nakita ko dun si Aradia ang witch na nakausap namin ni ate noon kasama ang kanyang alagang leopard pero ang pinagtataka ko ay bakit may nakasunod ditong lalaki? Parang pamilyar sya sakin?

Kahit naguguluhan ay pinagwalang bahala ko muna iyon at saka tumuon kay Aradia

"Kamusta ka River? mukhang masarap ang tulog mo ahihihi" masayang sabi nito

"Aradia" Sabi ko habang umuupo dahil lalo atang sumasama ang pakiramdaman ko dahil matagal na din akong nakahiga "Ikaw ba ang gumamot sa amin ni ate?" tanong ko dito

"Yeah wala namang ibang pwedeng gumamot sainyo kundi ako lang ahihihi" bumubungisngis nitong sagot.

Pero kahit anong ignore ko sa nangyayari ay naguguluhan ako.

"Pwede ba kong magtanong Aradia?" Tanong ko

"Hmm?" tugon nito habang hinihimas ang alaga

"Bakit laging nakasunod sayong ang lalaking yan?" sabi ko saka bumaling naman sa lalaking kasama nito. "At sino ka naman?" tanong ko dito.

"Lander, Beta ng NIghtstorm" pakilala nito.

So sya pala yung isa sa mga kasama nina Casper nun na nagsanay kaya pala parang pamilyar sya sakin.

"So anong nanayayari sa inyo dalawa bakit parang di na kayo mapaghiwalay?" tanong ko ulit

"I don't know" "We're mates"

Sabay na sabi ng dalawa at nakita kong masamang tingin ni Aradia kay Lander habang ngumiti naman ang lalaki dito. Napakunot na lang ang noo ko sa magka iba nilang sagot.

"So basically mates kayo"

"NO" "Yes" sabay ulit nilang sabi

Napakunot na lang ako ng noo sabay taas ng kaliwang kilay dahil sa kanilang dalawa.

"Mas mabuting mag usap muna kayo hindi yang para kayong mga baliw na sabay sumagot tapos magkaiba naman ang sinasabi" masungit kong sabi sa dalawa.

Parang di lang ako ang naiinis sa dalawang 'to dahil nauna nang lumabas ang alaga ni Aradia na si Lea. Kahit naman ako siguro ay sasakit ang ulo sa dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnknownWhere stories live. Discover now